Epilogue (Fart 3)

1.3K 60 180
                                    

An : Salamat kung nandito ka pa din Dedicated to : serendipitygomezii, jilannemarie, DarkDeathDevilQueen, imaginarygirl04, Sofie_Ferrer, DianaMarieBeceril, and athenabelara. Salamat sa pag-hihintay :)

***

Saphira's Pov,


I can't stop crying in his grave.

Hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan ang nangyari. Feeling ko, isang dosenang nuclear bomb ang binagsak saakin. He helped me. Pero hindi ko manlang siya nagawang tulungan.

"Ayos ka lang ba?" Tanong saakin ni Jane.

Tango na lamang ang sinagot ko sa kaniya.

"Jane. Wala na siya," pabulong at naiiyak kong sambit. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang tulong na ginawa niya saakin," dagdag ko pa.

"I know Miss Saphira. He helped you from Sha. The number one criminal in Muntinlupa. Buti na nga lang at na-trace niya ang kinaroroonan mo. Don't cry. I mean, stop crying na. Ilang araw ka ng umiiyak," pagtatahan ni Jane.

Hinihimas parin niya ang likuran ko. Sa totoo lang, hindi nga niya alam kung anong hihimasin sakin dahil dalawa ang likod ko, but let's not talk about that dahil drama ako ngayon. I'm very sad.

Hindi ko na alam kung paano sasabihin sa kaniya ang lahat ng gusto kong sabihin. Halos dalawang oras na akong nakatambay dito sa puntod niya pero hindi parin ako tumitigil sa pagtangis.

I know. Hindi na dapat pa akong umiiyak. Isang linggo na siyang wala. Isang linggo na siyang nakabaon sa lupa. Hindi ko talaga maintindihan. Normal lang naman siguro na umiyak ng pitong araw dahil nawala na 'yung taong tumulong sa'yo 'di ba?

Nasa kulungan na ngayon si Sha. Kabi-kabilang kaso ang meron siya. Attempted murder. Attemted Homicide. Frustrated Murder. Child abuse. At napag-alaman ko rin na meron na pala siyang sakit sa ulo kaya kahit bata kinukuha niya.

Gaya nga ng sinabi ni Jane, si Sha ang number one on list ng mga criminals-to-chase sa Muntinlupa.

"Let's go Miss Saphira. May mga interview ka pang dapat puntahan. May guest ka pa sa Umagang kay Dilim. Gusto ka ding makausap ni Mr. Bhan Tot tungkol sa new Magazine na illaunch mo. Saan mo gusto mauna?"

Tahimik akong nakinig sa lahat ng daldal niya. Like, ghad. Isang buong araw niya akong kinakausap at dinadaldal. Pero bihira ko lang siya sagutin. Med'yo naiistress na ako sa boses niya.

"Miss Saphira?"

Tiningnan ko siya. "Let's go to Mr. Bhan Tot first. Alam mo naman 'yun. Sobrang mainipin," saad ko.

Tinanguan naman niya ako. May hawak siyang payong. Yes. Pinapayungan niya ako. Nakasuot nga ako ngayon ng itim na dress, itim na shades, itim na earings at itim na sumbrero na pang-outing. Buti nalang maputi ang skin ko.

Ang Model kong TextmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon