Epilogue (Fart 2)

1.3K 47 81
                                    

An : Maraming salamat sa mga nag-hintay. Sorry talaga kung ngayon ko lang ito na-post dahil sa katamaran. I prefer you na mag-dala ng tissue. Haha. Or brief/panty nalang para makamura xD.

***

Saphira's Pov,

"Mga 'tol, kayo na muna magbantay sa isang 'to. Grabe. Kanina pa ako naiihi," saad ng lalaking bungal. Ang sarap talaga sungalngalin. Ang baho pa ng hininga.

"Kadiri ka 'tol! Aalis din muna ako, Oy Damulag, ikaw muna dito magbantay. Alis lang kami, bibili kaming pulutan," sabi naman ng lalaking nakajumper na akala mo bonjing.

Sabay-sabay na umalis sila Bungal, Bonjing, Kokey at E.T. Parang feeling ko talaga nasa isa akong action movie na merong touch of horror and humor. Like, eww, kaderder shila.

Nakita ko naman ang tuloy-tuloy na pag-lagok ni One-haired boy ng alak. Si Panot naman kasama ni Sha kanina. Siguro ginawang stress reliever. Kukuha na nga lang sila ng leader, wala pa sa ingrone ko.

Kita ko ang unti-unting pag-tulog ni One-haired boy. 'Yun lamang ang hinhintay kong senyales para makagawa ng paraan upang makatakas dito. Tuluyang nalasing ang mokong kaya naman nag-karoon na ako ng pagkakataon upang kuhain ang cellphone ko na kanina ko pa nakakapa saaking bulsa.

'Yung totoo? Hinayaan ba talaga nilang nandito lang ang cellphone ko para magawa ko ang binabalak ko? Shet lang talaga ang mga kabobohan nila. But I need to be careful tho. Baka mamaya isa ito sa mga plano nila.

Kahit ganiyan kabantot ang mga pagmumukha nila, hindi ko sila pwedeng baliwalain. Baka mamaya sa likod ang atake nila. I better keep myself safe kung ayaw kong maging headline sa balita.

Mapapamura ka talaga ng pakshet malutong. Akalain mong nylon lang ang pinangtali saakin? Seriously?

Walang kahirap-hirap kong natanggal ang tali saakin. Dahan-dahan akong kumilos dahil baka magising si Upin---or Ipin. Basta. 'Yung isa lang ang buhok.

Wala pang isang minuto natanggal ko na ang pagkakatali saakin. Kaagad kong binuksan ang cellphone ko at tiningnan kung sinong pwedeng I-text. Nakaupo parin ako dito sa upuan. Patingin-tingin dahil baka mamaya biglang may pumasok na alagad ni Sha.

Kung tutuusin, pwede na akong tumakas. Pero baka kasi mamaya paglabas ko ng mabahong silid na ito, mas marami pa akong Dame tu Cosita na makita sa labas. Shet lang talaga't hindi ko kakayanin.

Unang-una sa messages ko si Derrick. I'm really not sure kung siya nga iyon, pero sinasabi ng isipan ko na siya talaga 'yon e. Basta. Bahala na nga.

Agad akong nag-type ng message. Hindi na ako nag-abala pang mag-back read dahil ang dami na niyang message saakin. I don't have time for back reading. Alam ko naman na na tungkol sa pagkawala ko ang itinext niya.

< Zhou Phot

Derrick. Tulungan mo ako. Please.

Nandito ako sa

Tumingin ako sa paligid. May nakita akong isang bintana. May kataasan ito kaya agad akong kumuha ng upuan. Hinatak ko 'yung upuan na inuupuan ko kanina. Tumungtong ako doon upang maabot ang bintana, tiningnan ko ang lugar kung nasaan ako.

Maraming basura, may maduming ilog, truck ng basura---dump side.

I was about to text where exactly where I am pero narinig ko ang mga kalampag ng mga paa ng mga paparating na Tauhan ni Sha. Binuksan ko nalang ang GPS ko at agad na nilagay muli sa bulsa ko ang cellphone.

"Damn Bro! Bakit nakatakas si Saphira!?" Galit na saad ni Bonjing. "Itali niyo ulit 'yan! Baka makatakas pa!" Saad niya sa mga kasama niya.

Agad naman akong hinawakan ni kokey at E.T. Alien Force ba ang tawag dito?

Ang Model kong TextmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon