Epilogue (Fart 1)

1.4K 48 79
                                    

Note : Fart 1 pa lamang ito. Sorry sa late update. Sobrang tinamad kasi ako. Naconcious ako sa story na 'to grabe. After kong basahin 'yung Twelve Makabuluhan kuno Writing Tips ni Pilosopotasya. Pero eto na. Gagawa ako ng sarili kong style of writing! Haha.

***
Day 74


Saphira's Pov,

"Ma'am, aalis na po tayo," sabi ni Jane, ang personal stylist ko. Tinanguan ko na lamang siya bilang tugon. Kinakabahan parin kasi ako hanggang ngayon. Baka kasi mamaya, makita ko doon si Derrick.

Ayokong makita niya ako. Dahil ako ang dahilan kung bakit wala siyang naaalala. Ewan. Hindi pa naman ako hundred percent sure pero malakas ang pakiramdam ko na siya talaga si Derrick.

Hindi ko nga lang alam kung siya talaga 'yon. At kung siya man, baka nagloloko lang siya na wala talaga siyang naaalala. Baka isa lang sa mga way niya 'yon ng pagganti. Pero sa paanong paraan niya ako masasaktan? Hindi ko din alam.

Pumasok na ako sa kotse. Ako lamang at ang driver ang nandito. Naiwan daw kasi ni Jane ang makeups ko sa loob. Hays. Ilang taon ko na ba siya stylist? Ay. Dalawang buwan palang pala. Dalawang buwan palang ang nakakaraan bago ako sumikat---

---at sobrang bilis ng pag-bloom ko sa Fashion Inc. Well. Dahil siguro sa taglay kong kagandahan. Pero sad to say, hindi nila alam kung sino talaga ako. Hindi naman ako si Saphira. It's me, Budoy.

Umandar na ang kotse. Hindi ko pa man sinasabi sa kaniya. "Wait, I think we're waiting for someone," I said sarcasticly.

Pero hindi siya sumagot. Hays. Nevermind. Kaya naman siguro ni Jane na pumunta mag-isa sa Isla De Makita. Marunong naman siguro siya mag-commute. At kung hindi man siya makakapunta, I can handle myself.

Madali lang naman mag-make up.

Mabilis ang takbo ng kotse. "Hinahabol ba tayo ng sampung libong fans kaya sobrang bilis mo magpa-andar!?" Galit na saad ko sa driver. Pero gaya ng nauna, hindi niya ako pinansin. Mabilis parin ang pagpapatakbo niya sa kotse.

Napansin ko din na hindi ko kita ang mata niya sa mirror sa harapan ng kotse sa bandang itaas. Nasuot din siya ng itim na New York Cap, wow. "Ma'am, baka ho malate kayo sa tour ninyo," saad nito.

Wait---parang bago sa pandinig ko ang boses niya. "Bago ka ba?" Tanong ko dito. Mabilis parin ang takbo ng kotse. Hindi ko alam ang daan patungo sa Isla De Makita kaya wala na akong pakialam kung saan man siya lumiko-liko.

"Yes Ma'am. Hinire po ako ni Ragen, 'yung manager niyo po," tuloy-tuloy nitong saad habang kumakambyo. Liko dito, liko dito. Ang bilis niya mag-maneho. Gosh, baka mamaya mauna pa kami sa kotse na 'to kapag bumunggo kami.

"Ragen?" Kunot-noong sabi ko. Naging singkit ang mga mata ko. "Teka! Raven ang pangalan ng manager ko!" Malakas na sigaw ko kasabay ng pagka-bahala. Sino siya? At anong pakay niya saakin? Gano'n na ba ako kasikat at pati mga sindikato binalak akong kidnappin?

"Manahimik ka nalang!" Sabi nito.

"Hindi! Ibalik mo ako doon!" Malakas kong sabi bago siya batukan. Inalog alog ko pa siya kaya medyo lumiko-liko ng daan 'yung kotse na sinasakyan namin. Kung kriminal siya, pwes kriminal din ako para malaman niya.

"Sinabing manahimik ka!" Sabi nito bago ako itulak. Hays. I hate it kapag sinasabi ng mga lalaki na mas malakas sila. Kaya ayun. Wala akong nagawa kundi bumalik sa dati kong upo. "Mabilis lang naman 'to Miss Saphira, matulog ka nalang muna," sabi niya bago mag-takip ng ilong at mag-spray ng kung anong amoy utot doon sa aircon.

Sinasabi na nga ba. Gagawin. . .

Niya. . .

'Yon.

***

Day 75

"Ang haba naman ng tulog niyan. Kahapon pa 'yan tulog ah," halata sa boses ng nag-salita ang pagka-bored.

Nahihilo ako. Hindi ko alam kung tatayo pa ba ako o hindi na. Hindi ko dinilat ng buo ang mga mata ko, sakto lang na makita ko ang lalaking nagsalita. At hindi lang siya nag-iisa. May mga kasama pa siyang Panot, bungal at bonjing. Nakaka-agaw pansin din si Kokey at E.T.

"Chiqui Pineda! Malaysia Pakistan kailan gigising si ate mong girlalu pakpak!"

Watda---! Kelan pa naging bading si Kokey? Sa liit niya na halos hanggang tuhod ko lang, nakawig siya at mala-cake ang mukha sa sobrang kapal ng mukha niya. Ang katabi naman niyang si E.T. balot ng tuwalya. Anong meron?

"Gisingin niyo na kaya?" Tanong ng Panot.

"'Wag na, baka pagalitan pa tayo ni Boss," saad naman ni Bungal tapos tawa pa ng tawa. Yak. Kitang kita ko 'yung gums niyang bulok na. Eww.

"Bantayan nalang natin hanggang sa magising siya," sabi ni Bonjing. Naka-jumper ito at isa lamang ang buhok. Watda--! Kamukha niya 'yung isa sa "Upin and Ipin" brothers.

Doon ko lang naramdaman na nakaupo ako. May nakatali sa likuran ko. Hindi ko maintindihan pero, manipis lamang ito. May nakatakip din sa bibig ko kaya hindi ako makakapagsalita kung gagawin ko man. Ang paa ko naman malayang nakagagalaw.

'

Yung totoo? Sinulid lang ba ang tinali nila saakin? Kaya ba nila ako kinidnap e para sa ransom? Hays. Ang korni ng mga galawan nila. Sana naman nilagyan nila ng kakaibang twist. Ewan ko lang ah. Pero as their co-criminal medyo na disappoint ako sa performance nila.

Bumukas ang pintuan. Niluwa nito ang amoy bagong luwang kamukha ni Aling Donisya. Mula ulo mukhang kalyo.

"Avisala!" Wengya. Ang sakit sa tenga ng bunganga niya. Sarap sungalngalin hanggang makuha ko intestine niya. "Oh," napahinto ito. "Saphira my dear, alam ko naman na gising ka na," sabi nito.

Dahan-dahan kong minulat ang mata kong kanina pa blurd ang nakikita. What's the use? Nabuking naman na ako nito. "Hi! I'm Sa---"

"Kilala kita. Sino ba namang hindi nakakakilala sa'yo. Ikaw si Budoy-slash-Didi-slash---"

"Oo na. Eulla ng Didi," sarkastika kong sabi. "Paano mo ako nakilala?" Tanong ko dito.

"Buti naman umamin ka. Nandoon ako sa mismong araw na sumabog---ang truck. Nakita ko kung paano ka tinulungan ni Raven. At sinubaybayan kita," saad nito.

"Sino ka ba?" Tanong ko dito. Kulot 'yung buhok niya, nag-mukha tuloy buhok sa ano. Maigsi lang din ito. May nunal din siya sa ilong niya. Oo, sa butas ng ilong. Kadiri din dahil labas ang buhok niya sa ilong. Yak.

"Ako si Sha," sabi nito. Proud pa siyang nag-chin up causing para makita ko ang malaking butas ng ilong niya. Yak! Daming kulangot! Mas inuna ba niyang mag-mahal kesa mangulangot?

"Sha?"

"Ex ni Derrick."

"Ah, you mean 'yung sinabi ni Derrick saakin na kamukha ni Aling Donisha?" Natatawang saad ko. I can't believe it. Akala ko niloloko lang ako ni Derrick tungkol sa kaniya.

"Argh," lumapit siya saakin bago ako bigyan ng isang malakas na sampal.

"Pikon," I hissed.

"'Wag siyang pakainin buong araw," sabi niya.

"Ayos lang kahit hindi ako kumain ng isang buong linggo. Maganda parin ako. Mas madaling 'wag kumain kaisa magpa-plastic surgery," nang-aasar na sabi ko.

"Argh!" Inis na inis siyang lumabas ng silid.

Seryoso? Nakidnap ba talaga ako? Bakit wala akong nararamdamang kaba? 'Yung totoo? Mas kinakabahan pa ako sa itsura ng mga nag-babantay saakin e.

I can handle this.

--

Wait for Fart 2. Actually, hindi ko alam kung hanggang ilang fart ito. Haha. Salamat sa pag-babasa. Malapit ng matapos yay!

Ang Model kong TextmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon