Ring
Tulala lang ako habang sinasalo ang bawat patak ng ulan sa mga kamay ko. Umuulan. Real hard. And guess what? 3rd Quarter Exam namin ngayon. Alas dose na at kailangang maka punta na ako sa school.
Sobrang lakas man ng ulan ay lumusong pa rin ako. Mahigpit kong hinawakan ang handle ng payong ko, feeling ko babaliktad to ano mang oras.
Pagkarating ko sa school ay tinakbo ko na ang distansya mula sa gate patungong room namin.
Sa labas pa lang ay rinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko.
"Ang torpe wooooooohhh" Rinig kong sigaw mula sa loob.
Napailing nalang ako nang mapagtantong si Josh yun. Lakas rin ng boses nitong lalaking to.
Inaayos ko ng lagay ang payong ko sa lalagyan at tumutulo pa ang tubig mula dito.
Pagpasok ko pa lang sa pintuan ay biglang natahimik ang kaninang sobrang ingay na mga kaklase ko.
I automatically stopped. May dumi ba ako sa mukha?
Tumingin pa ako sa likod ko dahil baka hindi ako ang tinitingnan nila mapagkamalan pa akong assuming. Meh.
Napakamot ako sa batok ko at napakunoot ang noo, wala namang ibang tao..
Tumingin ako ulit sa mga kaklase kong nakatingin parin sakin.
"What?" Yun lang ang nasabi ko at agad namang nagbalikan sa mga ginagawa ang mga classmates ko.
Ang weird nila ha. Ipinagkibit balikat ko nalang ito at pumasok na ng tuluyan.
Pagkaupo ko ay agad kong ipinagpag ang saya ko dahil yun ang sobrang nabasa. Kaasar din tong ulan walang pasabi eh, buti na lang second day slash last day na ng exam ngayon.
"ISAAAAAA"
Napahawak ako sa arm ng upuan ko dahil sa gulat nang sumigaw bigla sina Shina. Wtf?
"Rechille, i know maganda ang pangalan ko no need to shout!"
I saw how she rolled her eyes on me. Gaga talaga.
"Conceited!"
Napatawa nalang ako dahil sa sinabi niya.
May sinenyas siya na hindi ko maintindihan. Ano daw?"Huh? Di kita gets!"
"Sabi ko halika dito!"
Kunot noo kong tinungo ang kumpulan nila doon at dun ko lang nakitang nandun pala ang barkada, and yes nandito din si Dos. Pinagtaasan ko sila ng kilay lahat dahil sa may ibang kahulugang tingin nila sakin.
"Guys para kayong tanga, ang weird niyong tumingin!"
Napahagikhik sila sa sinabi ko, omg nababaliw na mga kaibigan ko.
"So? Ano? Bakit?"
"May gusto dawng ibigay si Dos sayo!"
Sabi ni John.Napabaling ako kay Dos na nakatingin kay John na mukhang di makapaniwala.
Napatingin din siya sa gawi ko at biglang yumuko.
Pinaupo ako ng mga kaibigan ko sa tabi niya. I acted like it's nothing to me but i can feel my heartbeat and god it's so fast.
Pasimple akong umubo dahil parang di ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Ano? Pinagtritripan niyo ba ako? Maka alis na nga"
Akma na akong aalis nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang panginginig at panlalamig nito.
Tumingin ako sa kanya at binalewala ang mga kaibigan kong parang baliw na hindi magkamayaw sa pagtili. God.
Napatingin ako sa mga kamay namin. Sakanya. Sa kamay namin at sakanya.
Para na akong baliw.
"Uhm"
Hindi niya mawari kung ano ang sasabihin kaya imbis na tumayo lang at hintaying mangalay ako ay umupo na lang ako pabalik sa upuang nasa tabi niya.
And take note hawak niya parin ang kamay ko at bahagya pang pinipisil pisil ito na parang kinakalma ang panginginig ng kamay niya.
"Uno kasi may ibibigay sana ako, pinagawa ko kasi to nung nakaraan."
Napakurap ako sa sinabi niya. Ok? Ang special ha nagpagawa pa talaga siya.
Dahan dahan niyang ibinuka ang isang kamay niya. Doon ko nakita ang singsing sa kamay niya.
Nanlaki ang mga malalaki kong mga mata, yes mas lalong lumaki. Jusko.
Nabasa ko ang pangalan niyang nakaukit doon. Pinagawa niya talaga to para sakin?
Nakatitig lang ako sa kanya, sa pamumula ng buong mukha niya, sa leeg at lalong lalo na sa tenga niya.
I ignored Josh na parang pari na nagkakasal sa harap namin. Hindi magkamayaw sa pagtili sila Rechille. Narinig ko pa ang paulit ulit na OMG ng binabaeng si Gino.
Nakatingin lang siya sakin at ako nama'y napatingin sa sing sing na siya mismo ang nagsuot sakin.
Napatingin ako sa gawi nila Geli at as expected puro masasamang tingin ang ipinukol nila sa gawi namin.
Alam ko namang may gusto si Geli kay Dos eh.
"Pakiingatan Uno, remembrance ko na yan ah, wag na wag mo akong kakalimutan."
Napailing ako sa sinabi niya. How can i forget someone like him? Paano ko siya makakalimutan kung kay rami siyang memoryang itinatak sa isipan ko? Paano kung siya lang naman ang palaging nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Siya lang naman ang nagapapabaliw saakin.
Tango lang ang naisukli ko sa sinabi niya. I am still speechless!
Napabitaw ako sa kamay niya nang dumating na ang mag eexam sa amin.
Bumalik ako sa upuan ko at dahan dahang umupo at sumulyap sa pinaka lilod dahil doon sila naka upo.
No Dos, hinding hindi ito mawawala.
Ano nga ba yung inaral ko kagabi? Oh paano na ako neto? Hays. Dos's effect.
Napahawak ako sa kamay ko kung nasaan ang sing sing. Napakalamig ko pero ramdam ko ang init sa mukha ko. I seriously look like a tomato right now i am so damn sure.
Napatingin ako sa harapan ko at doon nakita si Rechille na naka ngising aso sa akin. My god ang biggest fan ng love team daw namin ni Dos. What? Like ang corny hahaha.
Umiling ako sa kanya dahil konting konti nalang tiyak na magsisigaw na naman ito sa kilig.
Napahawak ako sa dibdib ko, nandito pa rin ang kaba at bilis ng pagtibok ng puso ko.
What have you done to my heart Dos?
I am falling deeply and it's too scary. What if hindi totoo ang pinapakita niya? What about Joanne? Totoo ka nga ba Dos? Did you really changed?
I remember once nung tumawag siya, you said i changed you. Really? Did i really changed you?
Hays. Negativity.
But i'll never forget this day, Ika-walo ng Enero. Year 2015. I received a ring from the man i am recently loving.
_________8 down!
YOU ARE READING
1+2= Not meant to be
Teen FictionAng storya natin ang aking paborito ngunit hindi ko na makakaya pa ang sakit na dulot ng ating pagkabigo.