Third Person's POV

Kunot noong hinihila pababa ni Isa ang saya niya, school uniform nila ito ngunit tinupi ito at pinaiksi.

Hindi sanay si Isa sumuot ng maiksi kaya iritang irita siya sa suot.

Nakita niya si Shanine na papunta sakanya, nagtatatakbo ito at parang kinakabahan.

"Isa! Isa omg Isa!"
Nalilito man ay agad na hinawakan ni Isa ang balikat nito.

"Shans? Bakit? Anong nangyare sayo?"

"Isa kasi walang panlaban ang Team natin sa Runs! Sa 100 meter dash! eh ma di- disqualify tayo pag walang pumalit kay Shara!"

Natahimik si Isa at nagtaka. Asan ba si Shara?

"Teka, asan ba si Shara?"

"Takte kasi emergency daw eh nagmadaling umuwi!"

Napakamot nalang sila sa ulo nila pano nato? May naiisip si Isa ngunit parang ayaw naman niya.

Hays.

"Shans, pakisabi kay coach ako nalang papalit"

Nagulat naman ang dalaga at napatingin sa kanya. Para itong natatawa pero tumango nalang at umalis.

"Ano ba naman yan Isa."

Natapos ang sayaw nila ng matiwasay, sa mabuting palad hindi naman nagkamali si Isa pero kinakabahan na ito habang nagpapalit ng shorts dahil yun ang required para sa Runs.

Kamot kamot ni Isa ang noo niya habang papunta sa plaza dahil dun gaganapin ang paligsahan.

Nadaanan nila sila Dos na naka upo lang sa mga bato. Mukhang nagulat pa ito ng makita siya at na realize din nito na tatakbo ang dalaga dahil ito ang pumalit. Nagulat man ay agad din naman siya netong nginitian.

"Isa, goodluck. Win it for me ay este for your team" namumulang sabi ni Dos.

Kunot noo niya itong tinignan at inirapan.

"Thank you" sabi naman ni Isa.

Nagpatuloy sila Shans na naglakad hanggang maabot na nila ang Plaza.

Isa's POV

"Pano ba yan Isa? dito nalang ako ha. Wag lalampa lampa haha"

i rolled my eyes at Shans. Is she underestimating me?

Nilingon ko ang mga kalaban ko, mga tomboy hays mananalo ba ako neto?

Stop the negativity Isa! You can win this!

"Now, wala ng trial to ha! this is the final, ready participants! One two three!"

Pagkarinig ko sa tunog ng signal ay agad akong tumakbo.

Takbo lang Isa! Wag kang lilingon.

Rinig ko ang mga nakakarinding sigaw ng mga estudyante ngunit binalewala ko lang eto i need to win this. Nangunguna ako pero nararamdaman kong malapit lang ang isa sa mga kalaban ko. Malapit na ako sa finish line nang maramdaman ko ang kirot sa right foot ko.

Unti unting humina ang takbo ko at naunahan na nga ako ng sumusunod saakin. Unfortunately she won and i got the second place. Yamot na yamot kong pinapadyak ang left foot ko dahil nanunuot parin sa sakit ang right foot ko. Damn ano bang natapakan ko?

Hindi ba nila inayos ng kuha sa mga bato? Ba't nabiktima parin ako?!

Ika ika akong nagpunta sa classroom.

Nakita ko sila Dos na mukhang nag aabang sa pagdating ko.

Agad lumapit si Gabe.

"Isa ok ka lang? Ba't biglang humina ang takbo mo? may masakit ba sayo?"
sunod na sunod na tanong ni Gabe sakin.

Ngumiti lamang ako sa kanya.

"Ok lang ako ano ka ba, epal lang ng bato kanina sakit ng paa ko"

"Sayang panalo sana kayo eh"

Napatingin ako kay Dos. Makapanghinayang naman to, team nila ang nanalo diba?

Nagtaas lang ako ng kilay.

"Diba you should be happy? Nanalo ang team niyo"

"I can't consider that as panalo talaga, kung walang bato dun siguradong kayo ang panalo. That was just luck for her at malas naman sayo."

I only rolled my eyes on him. Duh.

Nang magalaw ko na ng maayos ang paa ko agad naman akong nagtitingin sa mga laro ng bawat team. Everyone is determined to win. Ako lang ba ang walang paki kung manalo o matalo?

Hindi ko na tinapos ang intramural at napagpasyahang umuwi nalang ng una tutal nakapag attendance naman na ako.

Pagdating ko sa bahay ay bagsak agad ang katawan ko sa kama. Tumakbo lang naman ako pero sobrang nakakapagod parin hays.

Nagising ako nang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko.

Sino na namang nilalang ang nangingistorbo ng ganitong oras?!
Pagtingin ko ay alas 7 na ng gabi, hindi pa nga pala ako naka kain.
Pagkakita ko ng pangalan ni John sa screen ay agad na napa-ikot ang mga mata ko.

Ano na naman bang irarant nito? Ipaglalandakan na naman niya kung gaano niya kamahal kuno si Rechille. -_-

Bakit ako ang pinagsasabihan niya? Aba malay ko bigla nalang siyang nag text sabay sabing tulungan ko daw siya sa kaibigan ko.

From: John

Isa gising ka pa?

May number ka ni Rechille?

Pahingi naman oh

Isa wag ka namang snob

Isusumbong kita kay Dos!

Agad nangunot ang noo ko, Wth? anong kinalaman ng Dos na yun? Nahihibang na naman tong si John tsk.

To: John

Sira. Anong kinalaman ng lalaking yun? Wala akong number ni Rechille, di uso cellphone dun.

From: John

Sige na naman Isa oh, in exchange ibibigay ko number ni Dos.

To: John

John, wala akong pake sa number niya ok?

Rinig ko pa ang pag tunog ng cellphone ko dahil sa reply niya ngunit hindi ko na ito inabalang tignan pa. Bahala siya diyan babalik nalang ako sa pagtulog.

Di rin nagtagal ay hinila narin ako ng antok.

-------

4 down!

1+2= Not meant to beWhere stories live. Discover now