Kabanata 10

0 1 0
                                    

1894. Marcialita.

Pumapailanlang ang malakas na musika sa tahimik na gabi sa buong kabahayan kahit sa kalapit bahay. Napapalamutian ng mga makukulay na bulaklak ang bawat sulok ng Casa De Keyser. Bagong palit ang mga capiz ng bintana.

Humahangos na dumating ang isang babaeng may mamula-mulang balat. Isang mestiza. Nakapusod ang buhok nito sa estilong Europeo. Nakasuot rin ito sa ganoong ayos.



Agarang umayos ng tayo ang babae nang matapat sa hagdan ng kabahayan. Pinagmamasdan siya ng bawat bisita. Ang kaniyang kagandahan ay tunay na agaw atensiyon. Higit na ang kaniyang mga matang kulay kayumangging bumabaliktad sa kaniyang kutis.



Napalunok siya at pinagpagan ang magarbong saya. Sayang gawa sa magandang kalidad ng seda. Sayang tanging mga mayayamang pamilya lamang ang may taglay. Tulad ng kaniyang pamilya.




Binati siya ng isang babaeng tagapagsilbi. Lumapit ito sa kaniya at bumulong. ''Binibini, kanina pa po kayo hinahanap ni Ginoo.''




Napalunok ang magandang binibini sa kaniyang narinig. Tila nawalan ng kulay ang kaniyang mukha. Dahan-dahan siyang lumakad patungo sa veranda. Paboritong lugar ng kaniyang ama sa kanilang tirahan.



Agad sumalubong sa kaniya ang malakas na tawanan. Sa kaniyang ama at sa isa pang ginoo. Marahil ito'y amigo ng kaniyang ama. Napaangat ng tingin ang padre de pamilya. ''Marcialita, halika.''


Tumalima ang binibini sa inutos ng kaniyang ama. Nagpanggap siyang mahinhing umupo sa katabing silya nito. Inilapat niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang kandungan. Tulad ng gawain ng isang mahinhing binibini.



Pilit niyang pinipigilan ang sariling umupo ng animo'y ginoo. Kundi siya'y makakaabot ng isang mahabang misang sermon sa kaniyang ama matapos ng pagdiriwang.



Binati niya ang lalaking nakaupo sa harapang silya. Ang ginoo'y kasing edad ng kaniyang ama. Mestizo, may kulay kapeng buhok at bigote. ''Magandang gabi po, Señor.''



Binati siya pabalik ng ginoo. Pinapagpatuloy ng kaniyang ama ang kanilang kwentuhan habang siya'y naroroon. Puros tango na may kasamang pilit na ngiti ang kaniyang isinasagot. Hindi siya nakikinig sa kanilang usapan at kung subukin man niya siya'y aantukin lamang. Pinipilit lamang niya ang kaniyang sariling huwag matutop ang kaniyang bibig at humikab.


Sinapo niya ang kaniyang sintido na tila nahihilo. Ipinikit-pikit pa niya ang kaniyang mukha na animoy may iniindang sakit sa ulo. Madalas itong gawin ng binibini upang makatakas sa mapanakit-puwit na usapan. Madalas din itong epektibo tulad na lamang ngayon.



Bumakas sa mukha ng kaniyang ama ang pag-aalala gayundin sa panauhin. Agad pinatawag ng kaniyang ama ang kaniyang tagapagsilbi. Pinipilit ng binibining huwag tumalon-talon sapagkat siya'y muling nagtagumpay.




Inakay siya ng kaniyang tagapagsilbing pinakamalapit sa kaniya tungo sa kaniyang kwarto. Napailing na lamang ang tagapagsilbi sapagkat alam niyang umaarte lamang ang binibining sinisilbihan niya. Patuloy na umaarteng nanghihina ang binibini patungo sa kaniyang kwarto bagkus sa kaniyang kalooban siya'y nakangiti nang malapad.



Napadapo ang kaniyang tingin sa isang lalaking nakasandal sa hamba ng pintuan palabas. Siya'y pinagmamasdan nito. Kahit na ito'y malayo-layo sa kaniyang kinatatayuan, kita ang ngisi sa kaniyang labi. Tila alam nito ang pagpapanggap ng binibini. Napairap na lamang nang palihim ang binibini at pinagpatuloy ang pagtungo sa silid.



Agad na humiga ang binibini sa kaniyang kama. Nasasapinan ito ng isang kulay puting tela na hindi mo ikakailang may kamahalan. Napapalamutian ng manipis na kurtina ang bawat poste ng kaniyang higaan. Tila para sa isang prinsesa.




Love You Through Blood and Time (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon