Kabanata 6

1 1 0
                                    

Dumaan muna ako sa isang drug store bago umuwi. Kailangan kong bumili ng ointment para sa aking paso upang kapag nagkita ulit kami ng lalaki 'yon ay magaling na ito. So, he wouldn't had the reason to hold my hand. I don't want the effect he was giving me whenever he touch me.



Pagkabili ng kailangan ko ay nagmadali na akong naglakad pauwi. My driver was not with me. Hindi nito alam na nag-aaral rin ako sa isa pang paaralan dahil inuutusan lang naman siya ng ama kong ipagdrive ako. Hindi pa rin bumabalik si Mang Homer mula sa kaniyang leave na siyang katangi-tanging may alam na nag-aaral ako sa dalawang paaralan.


Mas binilisan ko pa ang paglalakad dahil gumagabi na rin. Sigurado akong malapit ng mag-alas otso ng gabi dahil ang labasan namin ay alas syete. Natatanaw ko na ang gate ng subdivision namin dahil ilang lote lang naman ang pagitan nito sa drug store.



Medyo malapit na ako sa bahay nang marinig kong tahol nang tahol si Chang. Alam kong siya iyon dahil iba ang tahol ng isang siberian husky. Mas malaki at mas malakas kaysa sa ordinaryong aso. Karaniwang tahimik lang ito at tumatahol lang kung may taong hindi niya nagugustuhan.


Lumingon lamang sa akin si Chang nang buksan ko ang gate at ipinagpatuloy ang pagtahol. He's just barking at nowhere. Walang direksiyon. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid upang pakiramdaman kung may ibang tao pa kaming kasama. But, I can't see anyone.


Pagkapasok sa loob ng bahay ay agad akong nakaramdam ng kakaiba. Agad kong binuksan ang ilaw sa sala. My heart was thumping hard and fast. Wala namang kakaiba sa loob. Ganoon pa rin ito tulad ng iwan ko kaninang umaga.


Mabilis akong napalingon sa direksiyon ng bintana nang makita ko mula sa gilid ng aking mata na may mabilis na aninong dumaan sa bakuran. Chang was still barking loudly. Hindi imposibleng puntahan na kami ng guards maya-maya lamang dahil may nagreklamong kapit-bahay na maingay ang aso. But, I don't care. I'm sure there's someone with me.


Agad akong tumakbo sa kusina at kumuha ng kutsilyo. I know some martial arts. Sumilip ako sa bintana at nakitang wala namang tao sa labas. Wala ring kakaiba.


I can't take the chance to go outside and check if there is something there. That someone, if there is, can attack me openly there. Hindi niya ako mapapalabas tulad na lamang ng isang karakter sa isang pelikula na kung saan siya ang unang mapapatay. I'm not that dumb.


Isinawalang-bahala ko ito at umupo sa sofa na kung saan natutulog si Chinny nang mahimbing. I get my phone and browse anything. I just need to entertain my self from getting scared. Fear will just lessen your instinct skills. Patuloy pa rin akong naging alerto at iniligay muna ang kutsilyo sa lugar na mabilis ko itong maaabot.


Patuloy kong pinakikiramdaman ang paligid habang nagcecellphone. I decided to open my facebook account. Hindi ko pa ito nabubuksan mula nang lumipat dito. Tumambad sa akin ang dose-dosenang messages na puro galing sa mga dati kong kaklase na nagtatanong kung bakit ako lumipat. Hindi ko ito pinansin at tinignan na lamang ang iilang friend request. I am not that famous so they were commonly few.


Titignan ko na sana ang mga notifications ko dahil wala naman akong kilala sa mga nag-add sa'kin nang may magpop-up na bagong request.


Earl Leviathan sent you a friend request.


Napataas ang kilay ko sa aking nabasa. May facebook pala ang bungisngiserong aso. I checked his profile and timeline before deciding if I will confirm his request.



Napaasim ang mukha ko ng makita ang mga status niya. The latest one was just an hour ago. With my babe. Hindi mo malaman kung sino ang babe na tinutukoy niya dahil marami siyang babaeng akbay sa litratong kasama sa post niya. All of the girls were wearing seductive dress. Ngunit kahit ganoon ay umabot pa rin ito ng libo-libong likes at comment.



Kusang nagrefresh ang timeline niya. He posted a new status just now. In her house. May kasama na namang picture ang post niya. He took a selfie of him wearing his signature smile na mukhang nasa mataas na lugar na para bang nasa pader ng isang bahay. Ngunit hindi makikita ang paligid nito.


Now a member of akyat-bahay gang. 'Yan ang tamang caption sa picture niya.



Hindi pa tumatagal ng ilang segundo ang bagong post niya ay pinupog na ito ng comments mula sa mga babae. From 'get down there, babe. lets go to my bedroom.' to 'sa bahay na lang namin please.' Nakakasuka.



Agad kong kinuha ang kutsilyong ipinatong ko sa center table na nasa harapan ko at mabilisang tinanggalan ng lalagyan. Itinutok ko ito sa direksiyon ng tunog ng paghakbang na narinig ko. At the back door of the kitchen.




Nanlaki ang mata ni Manong driver nang makitang tinututukan ko siya ng patalim. Nanginginig ang kaniyang tuhod dahil sa nerbyos. Agad kong ibinaba ang kutsilyong hawak ko. I gave him an apologetic smile.



''Pasensya na po, Manong. Kanina pa po kasi ako may nararamdamang may kakaiba.''paghingi ko ng tawad.



Nasapo ni Manong driver ang kaniyang dibdib kaya naman dali-dali akong kumuha ng baso ng tubig at inabot sa kaniya. Mukhang may sakit siya sa puso.



''Okey lang, Ma'am. Ninerbyos lang po ako ng tutukan niyo ko ng kutsilyo. Akala ko eh may sumapi na po sa inyo.''sabi ni Manong matapos makainom. Mukhang okay na nga talaga siya dahil nakapagbiro pa siya.



''Okay lang po ba kayo, Ma'am? Gusto niyo po dito muna ako. Sabihin ko na lang kay Sir.''nag-aalalang sabi niya.




Tumango na lamang ako at nag-thumbs up. Hindi ako magaling magsinungaling at sabihing okay lang ako. Baka mas lalo lang mag-alala si Manong. Nakita kong galing ri  siya sa back door sa kusina. Marahil, anino niya ang nakita kong dumaan kanina. Tumahimik na rin si Chang. Maybe, I am being too paranoid dahil kakanood ko ng mystery movies.


Nagpapaalam na si Manong na uuwi na nang makarinig kami na parang may nabasag sa labas. Dali-dali akong tumakbo sa labas kasunod si Manong.


Nasa tabi na rin ng back door si Chang na kanina lang ay nasa front door. May nginangatngat siyang malaking buto. Napakunot ang noo ko sa pag-iisip. It is too big to be a chicken's bone. There's something wrong with that bone. I'm sure this was the reason he became quiet suddenly. Pakana ito ng bumasag.



Bumungad sa akin ang basag na paso ng isang ordinaryong halaman. Mahahalatang malakas ang nakabasag nito dahil talagang pira-piraso ang paso at sadyang binunot ang halaman. Mas tinitigan ko ito nang mapansing may iba rito. Lumuhod ako upang mas makita.


Sa gitna ng nabuhaghag na lupa, may nakatayong isang bulaklak. I would admire its beauty if it's just in a different situation. But now, its look give me chills down to my bone.



Binunot ko ang bulaklak na para bang ibinaong nakatayo sa lupa. It's a white majestic rose. A white rose with trickles of blood. Crimson yet velvety red. Mas lalo akong nanghina nang makitang may nakalaso ritong itim na ribbon.




Napatulala ako sa kawalan. Fear enveloped my heart. I'm familiar with this kind of thing. It was a death threat.

Love You Through Blood and Time (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon