Kris' POV
_ _ _ LUNES _ _ _
_6:30 am_
7:30 pa talaga ang simula ng klase namin, sinadya ko lang pumasok ng maaga. Gusto kong mauna kay Yosef pumasok, gusto ko kasi mag sorry sa kanya ngayon. Ang bobo lang nung ginawa ko kagabi. I acted like a child, hindi ko pinag-isipan ang mga ginawa ko. Bigla na lang akong umalis ng walang paalam, tapos tingin ko kaya ako tinawagan ni Yosef kasi nga bigla na lang akong umalis, siguro nag-alala yun. Tapos hindi ko naman sinagot yung tawag niya. Haaaay ang bobo ko lang talaga kahapon, kasi!!! Alam niyo namang ayaw kong may ibang lumalandi kay Yosef, ako lang dapat. Okay OA na, pssssh -____-
Lumipas ang mga minuto, unti unti na ring nagsisidatingan ang mga kaklase ko. Di nagtagal dumating na rin si Tobi, tapos si Robi. Sabay namang dumating sina Ryan at Kevin.
Umupo rin sila agad sa tabi ko pagdating nila.
"Anong nangyari kagabi?" ~Kevin
"Ha?" ~ako
.
"Bakit umuwi si Yosef na galit na galit? Halos hindi na nga niya kami pinansin pagdating niya. Basta dumeretso na lang siya sa kwarto. Nag-away ba kayo?" ~Ryan
"Ha? Diba nasa bahay lang naman kayo? Bakit naman aalis si Yosef?" ~ako
"Ibig sabihin hindi kayo nagkita! Ano ka ba naman, sinundan ka kaya ni --- " ~Ryan.
"Yosef-baby!!! Gusto ko doon tayo umupo oh!! Dun sa dulo para wala tayong katabi." bago pa man matapos ni Ryan ang sasabihin niya, may pamilyar na boses akong narinig, at dahil wala naman nang ibang tumatawag ng "Yosef-baby" kay "Yosef KO" alam ko na kung sino ang dumating.
"Oh sige, tara dun tayo." ~Yosef.
AT!!! WHAT THE!! Napalingon ako sa nag salita. Alam kong nandito rin si Yosef at alam kong magkasama sila, ang hindi ko matanggap ay ito! Pumayag siyang umupo sa dulo kasama ang babaeng yan! Psssssh ibig sabihin ba may relasyon talaga sila?
Tumuloy na sila pagpasok ng room. At heto ako, nakatingin parin ng masama kay Yosef. Madala ka naman sa tingin! Galit na galit na ako dito oh! Nakakainis! Nilalamon ako ng selos at galit!
Lalagpas na sana sila sa akin nang....
"Ay nga pala Bernadette, nakita mo naman siya siguro kahapon diba?" sabay turo sa akin ni Yosef, "naisip ko lang hindi nga pala kayo nagkakilala ng maayos umalis kasi siya bigla. Bakit ka nga pala umalis bigla sayang naman yung mga pagkain. By the way, Bernadette si Kris, kaibigan ko" pagpapakilala niya sa akin. Aray! Kaibigan daw T_T Baka naman nagkamali lang siya ng bigkas, baka ang gusto niyang sabihin KA-IBIGAN!, "Kris ito naman si Bernadette."
"Future girlfriend ni Yosef!" sabi niya sabay abot ng kamay niya sakin. Gusto ng hand shake. Wag ko kaya kunin >:P
BINABASA MO ANG
I Wish: You & I Forever [BoyxBoy]
Подростковая литератураYou + Me = <3 That's why I Wish: You & I Forever story by: d_Other28 cover by: Squiishy