Yosef's POV
Kyaaaaah!!! Hindi ako si Ryan o si Kevin pero kinikilig ako >///<
Ang sweet lang nilang tignan dun, magkayakap, at punong-puno ng kasiyahan. Basta! Ang sweet! Tapos 'tong si Kris hindi pa rin tumitigil sa pagtugtog , lalo tuloy romantic yung scene >///<.
Hindi pa sana maghihiwalay sa yakapan nila sina Kevin ng biglang sumingit si Robi.
"Congrats mga bro! Ayoko sana maging panira ng moment niyo kaya lang late na tayo." ~Robi.
Napahiwalay naman sa pagkakayakap sina Ryan at Kevin. Si Kevin pulang-pula, nahiya siguro kasi nahalata na ang tagal na nilang magkayakap HAHAHA. Pati si Kris napatigil na sa pagtugtog.
"Ikaw talaga! Panira ka kahit kelan! Halika nga dito.", si Tobi sabay hila kay Robi palayo dun sa dalawa. "Pero late na talaga tayo mga brad."
"Tingnan mo, ikaw rin pala!" ~Robi.
"Eh at least ako, hindi ako sumingit sa kanila." ~Tobi.
"Ganun na rin yun! Sumang-ayon ka sa sinabi ko kaya ganun na rin yun." ~Robi.
"Eh—-" pinigilan ko na, alam ko na kung saan mapupunta to eh, magbabangayan na naman sila HAHAHA.
"Tama na yan, tama si Robi late naman na talaga tayo eh. Pero bago ang lahat, Congrats muna Ryan tsaka Kevin. Alam kong magtatagal kayo." ~ako.
"Salamat Yosef, siguradong magtatagal 'to, tatalunin pa namin ang Forevermore. HAHAHA" ~Ryan.
"Sus! Siguruhin mo lang!", si Kevin habang nakatingin kay Ryan. "Salamat Yosef, sana matuloy na rin yang sa inyo.", sabay ngiti.
"Tingnan mo mamaya kami na rin nito.", si Kris sabay akbay sakin. "Congrats sa inyo!".
"Salamat nga pala Kris, sa pagtugtog mo. Yun talaga nagdala nung performance eh. HAHAHA" ~Ryan.
"Late na tayoooo!", sigaw ni Robi.
"Wag kang maingay!" ~Tobi.
"HAHAHA sige na tara na." ~ako.
At naglakad na kami papunta sa sakayan ng jeep.
"Yosef, amin na yung bag mo. Ako na magdadala." ~Kris.
Napatingin ako sa kanya pagkasabi niya nun, kasi naman itsura niya, naka backpack na nga tapos may dala pang gitara, tapos kukunin niya pa yung gamit ko? Adik naman nito.
"Ang dami mo kayang dala, kaya ko naman eh." ~ako.
BINABASA MO ANG
I Wish: You & I Forever [BoyxBoy]
Ficção AdolescenteYou + Me = <3 That's why I Wish: You & I Forever story by: d_Other28 cover by: Squiishy