Isang grupo ng mga kabataan ang naisipang magcheck in sa isang hotel.
"Bea, Carl bilisan niyo ngang dalawa dyan mamaya na kayo maglampungan." Inis na sabi ni Aya sa dalawa.
Labing dalawang kabataan ang magche-check in ngayon sa hotel. Ito ay sina Aya, Bing, Ate Mary, Sean, Kuya Lance, Bea, Carl, Brent, Ivy, Joshua at si Lily.
"Miss, mag check in po kaming lahat. Pwede po bang iisang room nalang?" Tanong ni Aya.
"Yes ma'am, Room 301 is available."
"Oh guys Room 301 daw ang available." Banggit ni Aya sa mga kasama.
"Sige, kahit ano basta makakasama ko si Bea." At muling paglalampungan na naman ng dalawa.
Halos masuka suka si Aya sa minu- minutong paglalampungan ng dalawa. Pati ang iba naiilang na sa kanila.
"Ok, we'll take it."
"This way ma'am Sir."
At sinundan na nga nila ang staff para dalhin sila sa room na papasukan nila.
"So, sa Room 301 po ma'am is meron po kaming 4 bed and two bathrooms. Ito na po kase ang pinakamalaki namkng room dito sa hotel para sa mga magbabarkada like you na mag che- check in sa hotel."
"And kami na rin po ang mag-aasikaso ng food para sa inyo. Enjoy your check in ma'am and Sir."
"Thank you." Sabi ni Aya.
"Wow! Ang ganda naman dito. Look! Ang ganda ng view." Banggit ni Lily habang tinatanaw ang malawak na siyudad sa malaking bintana ng room.
"Anong maganda dito? Masyadong boring. Walang kabuhay buhay ang kulay." Pagsasalita ni Sean na napapangitan sa view ng hotel.
"Hay naku guys. Wag na tayong magtaka pa sa ugali ni Sean alam niyo naman yan masyadong choosy." Ani ni Bing na nagaasikaso ng mga damit niya.
"Since ito ang first time naten na magcheck in sa hotel, selfie muna tayoo!"-IVY
At binunot nga ni Ivy ang cellpnone niya at ikinabit sa monopod.
At nang matapos ang paulit ulit nilang pose sa camera ay kanya kanya na silang pagaayos sa mga gamit nila.
"2 weeks din ang aabutin naten dito guys. Sigurado mag-eenjoy tayo dito." -Ate Mary
"Mag-eenjoy talaga ako!" Sabi ni Carl habang may kakaibang titig siyang ibinigay kay Bea. Na siya namang ikinatuwa ni Bea na napakagat labi pa.
"Ok ganito, Since apat ang bed sa room na'to hatiin natin ang grupo sa apat. Sa isang kama tatlo ang magkakasya tutal malaki naman iyon." -Kuya Lance
"Masyado naman yatang masikip yan." Iritableng sabi ni Sean na napakamot ulo pa.
"Alam mo Sean kung ayaw mong matulog sa kama dyan ka sa sahig. Masyado kang maarte daig mo pa kaming mga babae." Inis na sabi ni Bing at inirapan si Sean.
"Hindi kase ikaw ang natatawag na bakla e!" Sumbat ni Sean.
"Bakit hindi ba!?" Ganti ni Bing at muntik nang undayan ng suntok ni Sean si Bing dahil sa inis.
"Oh awat na. Ano ba kayo! Sean! Babae yan!" Pumagitna si Ate Mary na pinigilan si Sean bago pa masaktan si Bing.
"Kahit kelan talaga lagi kayong aso't pusa." Pang aasar ni Ivy sa dalawa. "Baka malay nalang namin kayo na magkatuluyan. Oops! Sorry."
Dagdag pa nito."Tumigil na nga kayo guys. Di niyo gayahin si Brent tahimik lang palagi." Sabi ni Lily na matagal nang may lihim na pagtingin kay Brent. At katulad ni Brent ay tahimik din sa isang sulok si Joshua na nagselos sa sinabi ni Lily.
"Mabuti pa asikasuhin niyo na muna ang dapat asikasuhin" ani ni Aya at siyang pagtahimik ng lahat.
BINABASA MO ANG
Room 301
Mystery / ThrillerPut your life into death beneath the door. You're in but you can never go out. Go out alive. Rest till you want, and you'll be rest in peace.