Sixth Day

21 3 0
                                    


Sa ikaanim na ay masaya parin ang lahat. Panay parin ang bangayan ni Sean at Bing. Ang walang tigil sa paglihim na sulyap ni Lily kay Brent. Ang umaasang puso ni Joshua. At marami pang pangyayari ang naganap.

"Prepare na naten ang lahat guys. Sean bumili ka ng tatlong kandila sa labas please." Pakiusap ni Ate Mary kay Sean dahil alam niyang susunod ito sa kanya.

"Ivy ilabas mo yung malaking salamin mo dyan gagamitin din naten."

"E, ate Mary para san ba naten gagamitin ang lahat ng yan?" Tanong ni Bing.

"Ilalamay kana daw. Hahahha" Pang aasar ni Sean.

Sinamaan ng tingin ni Bing si Sean.

"Sean bumili kana nga ng kandila. Ayan na naman kayo e." Awat muli ni Ate Mary.

"Mamaya malalaman niyo din. Walang kj mamaya ah. Dapat sumali lahat."

"Labas muna ako." Malamig na sabi ni Brent.

At sa pagsara ng pinto ni Brent matapos siyang lumabas ay siyang pagsunod ni Lily.

"Brent." Tawag nito. At lumingon si Brent ng marahan.

"Ma-- may sasabihin sana ako." Banggit habang nilalaro ang kanyang mga daliri na hindi mapakali.

"Ano?." Biting sabi ni Brent.

Ilang segundong hindi nakaimik si Brent kaya nainip siya.

"Kung wala kang sasabihin aalis nalang ako." At tumalikod na si Brent ngunit bago pa sya muling makahakbang ay nagsalita na si Lily.

"Gusto kita!" Malakas nitong sabi na dinig na dinig ng mga tenga ni Brent.

Muli itong lumingon kay Lily. At halos di makapaniwala sa kanyang narinig.

"What did you just said?"

"I said I Like you!"

At biglang niyakap ni Btent si Lily. Yakap na mahigpit na noon pa ay gusto niya nang mangyari.

Ngunit makikita sa isabg banda ang paghihinagpis ng isang pusong nawasak. Kitang kita ni Joshua ang pagyakap ni Brent kay Lily. Wala na ngang pag asa pa para kay Joshua sa puso ni Lily.

"I like you too." Nanlaki ang mga mata ni Lily nang marinig niya ang mga salitang binitawan ni Brent. Kumawala ang dalawa sa pagkakayakap at nagpalitan ng malalaking ngiting mababakas sa kanilang mga mukha.

Umalis na lamang si Joshua dahil nasasaktan lamang ang kanyang damdamin sa nakikita ng mga mata niya ngayon.

Samantala, abala ang iba sa pag aasikaso sa gagawin nila mamaya. Si Ivy hindi na matapos tapos sa kakaselfie niya na akala mo hindi nauubos ang memory card ng cellphone niya. Si kuya Lance na tahimik sa isang tabi at nagpapahinga ang isip.

At muli ng pumasok sina Brent at Lily na magkasunod.

"Uyy, may bago na yata tayong loveteam." Pangaasar ni Aya dalawa dahilan para mamula ang mga pisngi ni Lily at nagpangiti sa coldguy na si Brent.

"And look! Si Brent ngumiti na. Once in a blue lang yan."dagdag niya pa.

At bumalik na rin si Sean kasabay si Joshua na walang kagana gana.

"Ok, since kumpleto tayo ngayon at ala sais palang naman may ikukwento muna ako sa inyo."-Ate Mary.

"Yung hindi boring."-Sean

"Yung medyo creepy." -Bea

"May balita kase dati dito na may namatay na daw sa room na 'to." Pagsisimula niya ng kwento.

"Sus. Rumor be like." Satsat ni Ivy habang nagkakalkal ng cellphone niya.

"Hindi niyo ba napansin na malayo ang nilakad nating hallway bago makarating sa room na'to? Yun daw ay dahil nga sa ito ang kwarto kung saan may kababalaghan."

"Aahh!" Sigaw ni Bea nang malakas na isara ni Bart ang pinto ng cr matapos siyang lumabas.

"Sorry."

"At ginawa na raw nila itong pinakamalaking room para hindi na raw maulit ang nangyari noon. Sabi sabi na ayaw daw ipabalita ang nangyari dahil panigurado ay masisira ang reputasyon ng Hotel kaya itinago na lamang nila ito sa publiko at tanging mga staffs nalang ang nakakaalam ng balita."

"Tss." -Brent

"Aya, hindi mo ba napansin kanina na napailing yung babaeng staff kanina na nag assisst satin dito? Halata sa mga salita niya ang takot at pangamba hindi ba?"

"Oo Ate Mary, napansin ko rin iyon sa kanya at sa iba. Pero hindi ko nalang sila pinansin kase halos sila nakatingin satin." -Aya.

Room 301 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon