The Game Begins

16 3 0
                                    

Lumipas ang ilang oras at ito na ang pinaka aabangang oras. Nag alarm na ang lahat ng cellphone nila. Sabay sabay nagising ang lahat maliban kay Sean na tinamad pang bumangod kaya hinampas siya ni Bing ng unan.

"Araay ano ba!"

"Bumangon kana. Nag tetengang kawali ka na naman dyan."

At naghanda na ang lahat para sa gagawing laro.

"Ok guys umupo na tayong lahat dito sa gitna. Bawal ang kj ah." .

At sunod sunod na nagtabi ang lahat at nagtabi rin ang dalawang aso't pusang si Sean at Bing na nagtarayan pa.

"E ate Mary anong klaseng laro ba 'yan?" Pagtataka ni Bart.

"Ang tawag sa larong ito ay Bloody Mary."

"Ahh, narinig ko na ang larong iyan. Nakakatakot daw pero diko pa nasusubukan." Sabat ni Ivy.

"Well ngayon masusubukan mo na. Wag niyong isipin na ako ito ah, kapangalan ko lang. Ang bloody mary ay sikat na urban legend sa Us."

"Tapos?" -Carl

"Ang gagawin naten ay hahanapin ang kaluluwa niya kapag nagpakita siya, kung sino ang pumatay sa kanya at bakit siya naghihiganti."

"Mukhang maganda yan." Mahinhing sabi ni Brent na ikinangiti ni Lily.

"Ok simulan na naten. Ay siya nga pala, Joshua paki patay nga ang mga ilaw." At tumayo si Joshua para patayin ang ilaw. Kasabay nito ay sinindihan ni Ate Mary ang tatlong kandila.

"Ilalagay ko dito sa tabi ang salamin, sa salaming ito makikita natin si Bloody Mary. Oh, tamang tama alas dose na. Gawin na naten to walang atrasan. Maghawak hawak tayo ng mga kamay."

At sa paghahawak hawak nila ng kanilang mga kamay ay sabay sabay nilang binigkas ang salitang "Bloody Mary" thirteen times. Ngunit sa ikalabing dalawang bigkas palang nila ng Bloody Mary ay biglang lumakas ang hangin sa loob kahit walang kahit anong aircon o fan ang nakabukas. Kasabay nito ay ang pagbitiw ng mga kamay ni Ivy, kuya Lance at Bart.

Hawak hawak nila ang kanilang mga leeg na tila sinasakal.

"Teka! Anong nangyayari sa kanila!" Takot na sabi ni Bea.

"Bart! Bart! Magsalita ka!" Tawag ni Joshua dito ngunit hindi ito umiimik at nananatiling hawak ang kanilang mga leeg at halos di mapakali.

"Ivy? Ivy? Anong nangyayari sa iyo? Sa inyo? Kuya Lance?" Pagaalala ni Aya

"Aayyy!" Napasigaw at napatakim nalang ng bibig si Lily nang magbulwak ng bula ang kanilang mga bibig at nangisay nang nangisay hanggang sa tuluyang mawalan ng hininga.

"Hindi ito maaari...." Sambit ni Ate Mary habang nakikita ang mga bangkay ng kanyang mga kasama.

"What do you mean?" Tanong ni Carl na nangingilabot na.

"Hindi nila kinaya ang kapangyarihan ni Bloody Mary. Pinatay sila ni Bloody Mary, masyadong mahihina ang kanilang mga katawan..."

"E bakit sila lang? Bakit saten wala namang nangyari?" Sabi ni Sean.

"Hindi. Nagkakamali ka. Hindi ba rito nagtatapos ang lahat. Simula pa lamang ito ng kanyang paghihiganti. Hindi na tayo makakatakas pa." Mga salitang binitawan ni Ate Mary na tulala na sa kawalan.

At kumulog ng malakas na ikinagulat ng lahat. Kasabay nito ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Dahil sa takot ay pumasok sa loob ng cr si Bea at sinundan siya ng boyfriend nito.

Si Aya, Joshua at Ate Mary ay lumabas para humingi na ng tulong. Naiwan sa sala sina Bing, Sean, Lily at Brent.

"Ano na ang gagawin naten guys. Pano kung tayo na ang isunod niya. Natatakot na ako." Sambit ni Bing habang si Lily at Brent ay may itinuturo sa kanyang likuran na para bang nakakita sila ng multo.

"What?" At siyang pagharap ni Bing s kanyang nasa likuran na si Sean na may hawak na isang matulis at makinang na kutsilyong nagniningning sa dilim.

"Edi magpatayan tayo." At inundayan ni Sean ng saksak sa puso si Bing. Ito ay dahil sa lahat ng kainsultuhang ginawa ni Bing sa kanya noon at ngayon ay nakakuha siya ng pagkakataon para patayin ito.

Lumagapak sa sahig ang katawan ni Bing na nanghihina ngunit ito ay nakaganti pa kay Sean ng mailabas niya ang kanyang baril sa kanyang tagiliran. Babae siya ngunit may di alam ng barkada kung paano niya naipuslit ang baril na iyan sa hotel na ito. Hindi na sila nagtataka lalo pa't palagi siyang may dala dala nito.

At iyon nga'y ipinutok niya sa kalagitnaan ng ulo ni Sean na siya ring ikinabagsak ng binata sabay nalagutan ng hininga..

Room 301 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon