"Mayroon raw kaseng isang babae na pinagtaksilan ng kanyang boyfriend sa room na ito raw mismo nangyari ang lahat at dito rin daw niya pinatay ang dalawa na nahulog mula sa bintanang iyan." Pagpapatuloy ni Ate Mary sa kanyang ikinukwento.
"Ang sama naman pala ng nangyari sa kanya e. Kung ako siguro papatayin ko rin ang boyfriend ko pag nangyari yun." Ani ni Bing at napatingin sa kanya si Sean.
"Ikaw? Haha patawa ka boyfriend nga wala ka e mapapatay pa kaya." -Sean
"Ikaw! Ikaw ang una kong papatayin."
"Tss. Dimo ko boyfriend para patayin." Dagdag niya pa na lalong nagpa asar kay Bing.
"Bwisit ka talaga lumapit ka nga dito papatayin na kita!"
"Bing, stop it. Please." Awat ni Aya. Habang si Sean ay nakangiti habang nakahiga at unan unan ang kanyang dalawang kamay.
"Kayo talaga e noh, panira kayo. Ang ganda na ng mood ng story sinisira ng mga aura niyo." Sabi ni Bea na pumasok sa cr para magbawas.
Narinig nilang may tumatawag sa pintuan. Nang silipin ito ni Aya ay ang staff lang pala na maghahatid ng pagkain.
"Narito na pala ang mga pagkain." Sabi ni Aya at masayang pinagbuksan ng pinto ang staff.
"Eat welk ma'am, Sir."
"Akin na ang mga Aya, ako na ang mag aasikaso sa kusina. Ako na ang bahala." Sambit ni Ate Mary at kinuha ang mga pagkain at dinala sa kusina.
Alas otso na ng gabi pero tatlo lamang sa kanilang lahat ang kumain ng hapunan. Si Bart, Kuya Lance at Ivy lang. Kesyo busog pa ang iba at yung iba ay nawalan ng gana sa kinuwento kanina ni Ate Mary.
"Sigurado kayo ayaw niyo pa kumain? Busog pa kase ako e." Dahilan ni Ate Mary na hindi rin kumain.
"Hayaan mo na yang mga yan Ate Mary, nakakahiya naman kay Bart baka kulang pa. Hahaha" patawang sabi ni Carl na nakaholdings na ngayon kay Bea.
"Kung ayaw niyo edi wag. Ang sarap kaya ng mga pagkain dito. Ikaw Ivy tama na nga yang kakaselpi mo. Pati talaga sa pagkain wala kang tigil. Magugutom ka na nga lang puro ma pa selfie."
"Eh sa gusto ko e. Kumain ka na nga lang dyan. Wag mo lang gagalawin 'tong pagkain ko dito dipa ko tapos magpicture."
At matapos ang lahat ng kanilang ginawa ay hinihintay na lamang nila na mag alas dose ng gabi para maisagawa nila ang laro.
"Umidlip muna tayo guys mag alarm nalang tayo mamayang 11:30 para magising at iready na ang mga gagamitin natin sa game mamaya." Sambit ni Ate Mary. At kanya kanya na nga silang higa sa bawat kama at nag paalarm ng kanilang mga cellphones.
BINABASA MO ANG
Room 301
Mystery / ThrillerPut your life into death beneath the door. You're in but you can never go out. Go out alive. Rest till you want, and you'll be rest in peace.