At ikaapat na araw na nang magcheck in sa hotel ang mga magbabarkada. Ang sa tingin nila na isang normal na araw lang ay mauuwi sa isang malagim na sasapitin ng lahat.
"Uyy guys masyadong bored dito sa hotel why don't we try a game? Ung something new. Something creepy." Ani ni Ate Mary na nagyayaya na maglaro.
"Laro na boring." Sabi ni Sean na naglagay nalang ng headset sa tenga niya.
"Do you want that baby?" Tanong ni Carl kay Bea
"Basta kasama ka baby." Sagot ni Bea habang napakagat labi.
"Alam niyo kayong dalawa mandiri naman kayo sa mga pinaggagagawa niyo. Naglalandian pa kayo mismo sa harapan namin." Sabi ni Ivy.
"Pake mo ba. Humanap ka kase ng makakatapat mo." Ganti ni Bea.
"Ewan ko sa inyo! Bahala kayo dyan." - Ivy.
May ngiti na mababakas sa mukha ni Lily habang tinatanaw ang malawak na siyudad. Nang lumapit si Joshua para kausapin siya.
"Nagustuhan mo ba ang view? Ang ganda diba?" Tanong nito kay Lily. Habang titig ito sa ganda ng kanyang nakikita, ang mukha ni Lily.
"Oo sobrang ganda. Alam mo naman ako, mababaw lang ang kaligayahan."
At napangiti naman si Joshua sa sinabi niya. Ngunit napansin si Joshua na panay ang silip ni Lily kay Brent. Nabakas muli sa bukas niya ang selos dahil sa si Brent ang gusto ni Lily.
"Sinong sinisilip mo?" Tanong niya.
"Ha? Ah, wala naman. Wala. Wala." Napailing nalang bigla si Lily.
"Si Brent ba? May gusto kaba sa kanya?" Kahit natatakot siyang malaman ang totoo mula mismo sa labi ni Lily ay matapang niya itong tinanong.
Ilang segundo rin bago nagsalita si Lily. "Ang totoo niyan... Matagal ko na siyang gusto. Hindi ko masabi sa kanya kase alam mo naman siya diba, si mr. Coldguy. Hayy."
Naramdaman ni Joshua ang lungkot na nararamdaman ni Lily. Pareho silang nagmamahal sa taong hindi naman sila napapansin.
"Bakit kase hindi ka nalang maghanap ng iba dyan? Sa tabi tabi marami dyan." Sabi ni Joshua.
"Sino naman? Ikaw? Hahaha patawa Joshua ah. Osige maya nalang tayo mag usap. Mag facebook muna ako." At iniwanan niya lang si Joshua ng isang ngiti. Habang itong si Joshua ay nabahiran na ng kalungkutan sa kanha mukha at mababakas sa kanyang mga mata ang mga katagang "Sana nga ako nalang."
Nabulabog ang lahat ng may malakas na kumalabog sa pintuan ng kwarto at sumisigaw.
"Sino ba 'yan ang ingay naman. Pag buksan niyo nga. Utos ni Bing.
"Baka naman si Bart na 'yan." Sambit ni Carl.
"Ako na ang magbubukas." At tumayo si Aya para pagbuksan ito ng pinto.
"Hhheeelllooo everyone!!!" At di nga sila nagkamali. Si Brent nga ang dumating.
"Oh, dumating ka pa. Akala namin wala ka nang balak pang sumama e." Pang aasar ni Ivy dito.
"Alam niyo naman na kakauwi lang namin galing Cavite diba. Heto nga oh dumeretso nako dito."
"Osya sige, iayos mo na 'yang mga gamit mo para makapag pahinga kana rin." -Aya
At pumasok na nga si Bart sa kwarto habang busy parin ang lahat sa kanya kanya nilang ginagawa.
Si Brent na hindi maiwasang tumitig kay Lily. May lihim rin siyang pagtingin rito pero takot siya sabihin dahil ayaw niyang mareject kaya't sa pagiging isang coldguy siya nagiging matatag.
Habang si Joshua na sinisilip si Lily na panay ang ngiti sa harap ng cellphone niya at napansin niyang tinitignan ni Brent si Lily. Tingin niya ay may pagtingin ito kay Lily. At kapag nangyaring malaman ni Lily iyon ay mawawalan siya ng pagkakataon sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Room 301
Mystery / ThrillerPut your life into death beneath the door. You're in but you can never go out. Go out alive. Rest till you want, and you'll be rest in peace.