The one

18 6 0
                                    


"Ate Mary? Nasaan ka?"

"Ate Mary!"

Paghahanap ni Joshua at Aya kay ate Mary na nahiwalay habang humihingi ng tulong sa bawat kwarto. Ngunit kahit isa man dito ay walang nagbukas ng pinto.

Naisipang bumalik ng dalawa sa loob ng kwarto ngunit sa hallway palang ay kita na ng kanilang mga mata kung sino ang nakahandusay at naliligo sa sarili nitong dugo. Si Ate Mary.

"Hindi, wala na siya." Sabay iyak ni Aya sa pagkamatay ni Ate Mary na hindi niya na mahawakan dahil sa mga fugong nakakapit sa kanyang mga balat.

Muli silang pumasok sa loob at tumambad sa kanila ang duguang kwarto at malaking basag sa glass window. Napatakip bibig nalang si Aya habang umiiyak ng marahan. Tinignan nila ang butas sa glass window ngunit di nila makita ang baba dahil sa lakas ng ulan at hamog sa ibaba.

Napansin ni Aya ang salamin na ginamit nila sa laro. Gulat na gulat sya ng makita niyang may isang babaeng nakaitim ang nakatayo na nagreflect sa salamin.

Napaatras si Joshua at Aya sa nakita nila.
Sa bawat pag atras nila ay siyang paghakbang paabante ng babaeng nakaitim.

Balot ng dugo ang katawan ng babae ngunit may isang bagay ang naging pamilyar sa mga mata ni Aya. Ang perlas na bracelet na nasa kamay ng babae. Itong ito rin ang bracelet na nasa kamay ni..

"Ate Mary?" Sambit ni Aya na ikinagulat ni Joshua.

Inalis ng babae ang kanyang mahabang buhok na wig lamang pala at tumambad sa kanila ang pamilyar na mukha. Si Ate Mary.

Napaupo na lamang bigla si Aya sa hindi kapani paniwalang nakikita niya ngayon. Ngunit agad siyang itinayo ni Joshua dahil papalapit parin si Ate Mary.

"Well, well, well. Wahahahhahahahahaha" ang malademonyo niyang tawa ang lalong nagpakilabot sa dalawa.

"Masyado kayong mga tanga! Mga uto- uto! Ahahhaha. Akalain mo 'yun nauto ko pala kayo. Wahaha"

"Anong kahibangan 'to Ate Mary! Ate ka pa naman namin!" Galit na sabi ni Joshua.

"Tumigil ka! Hindi mo alam ang totoong nangyari!" Ganti ni Ate Mary na lalo niyang ikinainis.

"Ate Mary, bakit mo ba nagagawa ang mga bagay na 'to. Mabait ka hindi ikaw ang Ate Mary na kilala namin." -Aya

"Well, Aya ako pa rin naman si Ate Mary niyo. Ate niyo parin naman ako."

"Pero bakit ginagawa ang lahat ng 'to?"-Aya

"Gusto mong malaman? Ganito kase 'yan. Nasa tiyan palang daw ako ng nanay ko ng pagtaksilan siya ng kasintahan niya. Pinatay niya yung boyfriend niya saka yung keridang babae. Ayos lang daw kahit wala na akong ama basta mabuhay ako. Ngunit nung naghihingalo na si mama ng magka-car accident, ang sabi niya ipaghaganti ko siya. Patayin ko lahat ng mga couples na makikita kong masaya. At bilang masunurin na bata ay pinatay ko ang mga barkada natin."

"Pero alam mong masama ang pumata--"

"Mas masama ang magtaksil Aya! Hindi kase ikaw ang nasaktan kaya hindi mo alam ang pakiramdam." At inihampas ni Ate Mary ang hawak niyang itak at nakailag ang dalawa.

"Ewan ko ba bakit etong si Bing at Sean e nagkapatayan. Hahaha diko kasalanan 'yan. Mahal siguro nila ang isat isa kaya nagpatayan sila. Si Bea at Carl lang naman talaga dapat ang target ko kaso may nagkamutual understanding na iba dyan kaya ayan ang sinapit nila. Tumalon ba naman sa bintanang iyan. Wala e, nagmamahalan sila. Hahahaha."

"Pero kung hindi totoo ang Bloody Mary sino ang pumatay kina Bart kuya Lance at Ivy?"

"Ahh yun ba. Ako din. Hahaha remember? Ako yung nagsabi na mag aasikaso ng pagkain. Nilagyan ko yun ng lason. Dapat sa mga couples ko lang yun ipapakain kaso ayun yung tatlo nilantakan nila bigla kaya ayan sila. Hhahaha malay ko bang sila ang kakain niya noh. Hahaha"

"And one more thing kailangan ko na rin talaga kayong tapusin. Dont know why? Kase ang babaero mong tito Aya at ang haliparot na hipon mong tita Joshua ang siyang nagtaksil sa nanay ko! Mga bwisit!" At lalong uminit ang  dugo ni Ate Mary sa kanila.

"Hindi ko akalain na mamamatay tao ka pala!" -Joshua galit dahil sa nangyari kay Lily.

"Then, you're next!" Sabi ni Ate Mary dahilan para tumakbo ng mabilis sina Aya at Joshua ngunit di inaasahan ay nataga sa likod si Joshua na umabot hanggang harap sa sobrang lakas na tuluyan nitong ikinabagsak at tuluyang nalagutan.

Ang tanging natitira na lamang ay si Aya. Hinahabol siya ni Ate Mary ngunit sa kasawiang palad ay isang tunog ng baril ang narinig nila pareho at isa sa kanila ang tinamaan. Si Ate Mary ay nabaril ni Joshua na gumagapang pa at sinubukang paputukan ito at tumama sa kanyang tagiliran at mga hita kaya ito napatumba. Sa sitwasyon iyon ay tuluyan na talagang nawalan ng buhay ang binata. Habang patuloy sa pagtakbo si Aya ay isang pang ingay ang nagpahinto sa kanyang mundo.

Isang putok ng baril mula sa pinakawalang bala ni Ate Mary bago ito tuluyang bumagsak sa sahig.

Iginapang ni Aya ang sarili upang makahingi ng tulong pero unti unti na siyang nilalamon ng kadiliman at tuluyang binawian.









Natapos ang maliligayang araw ng magbabarkada sa isang pangyayaring gumimbal sa lahat. Ang mga pangarap at mithiin ay naglaho na lamang na parang bula..




THE END.

Room 301 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon