Chapter Seven

79.5K 2.3K 230
                                    

Chapter 7

The next morning, napagdesisyunan kong mag general cleaning sa bahay. Tinulungan naman ako ni Haril na siyang nagbubuhat sa mabibigat. Si Mica hinayaan ko lang na manuod ng cartoons. Bihira lang ‘tong mangyari kaya natutuwa talaga ako.

“Ate, bago na ba ang boss mo?” tanong ni Haril.

“Ha? Hindi na si Kuyang Pogi ang boss mo ate?” singit naman ni Mica. Natawa naman ako. Siguro kasi hindi sila sanay na nandito ako sa bahay kapag weekends.

“Hindi ah. Si Sir Kent  pa din boss ko.” Sabi ko sakanila habang nagpupunas ng bintana.

“Ang bait talaga ni Kuyang Pogi. Tinulungan na nga niya ako tapos binigyan ka niya Ate ng bakasyon every Saturday and Sunday.”

“Mabait naman talaga si Sir. Hindi lang halata.” Sabi ko saka kami nag-tawanan.

Pinagluto ko naman ng fried chicken ang dalawa. Ok lang naman gumasto ngayon kasi nagsahod na kami. Kaya nga pupunta ako mamaya sa banko para mag-withdraw sa ATM.

“Sa lunes magbabayad na ako ng tuition niyong dalawa. Kaya sasabay ako sa inyo sa school, ah?” nagliwanag naman ang mukha ng dalawa. Isang problema kasi para kay Haril na lagi siyang may Promi. Ayaw ko naman na lagi niya ‘yung isipin. Dapat nag-aaral lang siya.

“Yehey!” tumawang-tuwa na sabi ni Mica.

“Ate wala bang increase ng baon dyan?” nakangising sabi ni Haril.

Tumawa naman ako. “Bakit? May nililigawan ka na ba?” pang-aasar ko. Namula naman siya at umiwas ng tingin.

“Ate naman eh!” pareho kaming humahagikhik ni Mica. Para na kasing kamatis sa sobrag pula ang kapatid ko. Malamang may nagugustuhan na ‘to sa school.

“Haril, ok lang naman na may ligawan ka. Basta i-priority mo ang pag-aaral mo, ok?” tumango naman ang kapatid ko.

Hapon na nang pumunta akong Banko. Sa mall lang ako nag withdraw para sabay na din akong mag-grocery.

Hindi ko din mapigilan ang hindi i-check ang phone ko. Gosh! Masyado ata akong nasanay na lagi akong tinatawagan ni Sir.

Nagulat ako sa nakita ko sa account ko when I balanced it. Ang regular sahod ko tumaas ng 50 percent. Nakatitig lang nga ako sa screen at parang hindi makapaniwala. Hindi naman kasi ako na-inform nay may increase pala. Tsaka syempre dapat alam ko ‘yon kasi dadaanan dapat kay Sir para ma-approve-an. Pero dahil sa secretary niya ako, sa akin muna ‘yon dadating. Kaya nakakapagtaka.

***

It’s Monday morning and I texted Sir na male-late ako ng konti. Sumabay kasi ako sa kapatid ko para makapagbayad na ako ng tuition nila.

Hindi naman ako nagtagal do’n. Hindi nga ako nag thirty minutes eh. pero dahil traffic, it turned out na one hour late ako.

Agad akong nag-report kay Sir pagkadating ko. May kausap siya sa phone and it seems good mood siya.

Sa tagal-tagal ko siyang nakasama—I mean as a secretary, alam ko na kung masama ang araw niya, mainit ang ulo o good mood. Oo hindi siya ngumingiti, pero ang mga mata niya Oo. Ako lang ata nakakapansin no’n since ako lang ang laging nakakakita kay Sir.

Lalabas sana akong office niya nang mag ‘wait sign’ siya sa akin.

“Yup. Then it’s a deal then. Goodbye.” Sabi niya sa kausap niya sa kabilang linya saka tumingin sa akin.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon