Chapter 31
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa pisngi ko. I grunt as I felt the sunlight already irritating my skin. As far as I can remember, hindi tumatama sa bintana ko ang sinag ng araw dahil isang mataas na gusali ang kaharap naming bahay idagdag pa ang puno nang mangga na nakatayo sa harap nang bintana ko.
I slowly opened my eyes at matagal bago ko na-realize na wala ako sa kwarto ko kundi sa kwarto ni Kent. What am I doing here?
Dahan-dahan akong bumangon at bigla kong nasapo ang ulo ko nang maalala ko ang nangyari kagabi. Bigla ko ulit naramdaman ang takot na bumalot sa akin kagabi. Pangalawang beses ko ng makakita nang gano’n. That thing didn’t harm me. Did Kent saved me?
“Gising ka na pala.” Napatingin ako sa may pintuan at nakita ko si Lorelei na may dalang tray with foods in it.
“G-good morning,” nahihiya kong sabi. Nilapag niya ang tray sa ibabaw ng kama at dali-daling pumunta sa malaking bintana at sinarado ang kurtina.
“Umalis lang sandali si Tito Kent kaya ako muna magbabantay sa’yo.” Sabi sa akin ni Lorelei. Napakunot naman ako. Bakit niya ako babantayan? May sakit ba ako?
“Pinahatid ko kay Hunter sina Haril at Mica sa school kaya 'wag ka nang mag-alala.” Nakangiti niyang sabi.
“Naku. Nakakahiya na sa inyo. Lagi ko na lang kayong inaabala,” nahihiya kong sabi.
“Wala 'yon. Tsaka ang boring sa kaharian kaya lagi kaming lumalabas ni Hunter.” Natigilan ako sa sinabi ni Lorelei. Pati ata siya nagulat din sa sinabi. “I mean sa bahay namin ng asawa ko. 'Y-yon kasi ang tawag ko sa bahay namin—kaharian.” Nakangiti niyang sabi. Napatango lang ako sakanya.
Lumabas si Lorelei at hinayaan akong kumain sa loob ng kwarto. I texted Kent kung anong oras siya uuwi para makapunta akong opisina pero nireplyan niya lang ako ng ‘We'll talk later’ Kinabahan tuloy ako. Sa mga napapanuod kong movie at nababasa kong libro, 'yan ang panimula ng mga lalaking gustong makipaghiwalay sa girlfriend nila.
Napagdesisyunan kong bumaba sa kwarto at sa sala na lang maghintay kay Kent. Pupunta sana akong kusina para kumuha ng tubig nang makita kong may kausap si Lorelei.
“Mahal ko, umuwi ka na sa atin. You’re making an alibi again. Kung nagtatampo ka sa akin, sorry na. I’ll make it up to you.” He must be Lorelei’s husband. In all fairness match made in heaven sila. Gwapo at maganda.
“Uuwi ako kung kailan ko gusto, Aric! Do’n ka na lang sa damphyr na kalandian mo!” napangiti ako sa inaakto ni Lorelei. Nag-seselos siya. Teka, ano ang damphyr?
“Mahal ko, kaibigan 'yon ni Avia na damphyr din,“
“Umalis ka na. Inis pa rin ako sa’yo!” tapos tinalikuran siya ni Lorelei. Sakto namang nakita ako ni Lorelei kaya pareho kaming nagulat. “K-kanina ka pa d’yan, Theyn?”
“M-medyo,” nahihiya kong sabi. Naku baka isipin pa ni Lorelei na tsismosa ako at nakikinig ako sa usapan nila.
“Oh, see, Aric? Hindi ako nagdadahilan sa’yo. Totoong sinasamahan ko dito ang girlfriend ni Tito. Babalik ako sa atin kapag nawala na ang inis ko sa’yo.” Sabi ni Lorelei. Nilapitan ni Aric si Lorelei saka niyakap. He kissed her in forehead.
“Miss ko na ang Reyna ko. Umuwi ka agad ah,” he said. Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko. Sa sobra kong kakiligan sa dalawa ay tumalikod na ako. Ang swerte ni Lorelei sa asawa niya. Sana gano’n pa rin si Kent kapag mag-asawa na kami.
Asawa. Ang sarap siguro sa pakiramdam na tawagin akong asawa ni Kent. Hindi ko rin ata ma-imagine ang sarili ko na sa ibang piling ng lalaki. Si Kent lang talaga ang gusto ko, wala nang iba.
BINABASA MO ANG
My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]
Vampire[Fangs Series #1] Intimidating. Menacing. Perilous. Three best words that describe her own version of Knight in Shining Armor. All Rights Reserved 2014 // by Thyriza