Chapter Thirty

56.2K 1.5K 71
                                    

Chapter 30

 

        Dalawang linggo na ang lumipas. Ayos naman kami lagi ni Kent. Pero sa dalawang linggo na ‘yon, lagi kong naiisip ang sinabi ni Jean. Lagi din niya akong hinihingian ng updates kung nakuha ko na daw ba ang copy ng CCTV.

        Dumating na din si Florence at Migo 4 days ago at feeling ko may namamagitan na sa dalawa. Everything’s calm and fine at naniniwala ako na walang kasalanan si Kent. He can’t kill Cindy. Nagkataon lang na nakita siya ni Jean. Thank god Jean wasn’t insisting na si Kent ang killer at baka masira talaga ang friendship namin.

        “Kent, mag-o-over time na tayo?” I asked nang pumasok ako sa office niya. Sa totoo lang kasi madami talagang nira-rush na deadline ang company dahil sa pagkawala niya. Na-move ang timeline kaya halos lahat ata napipilitan mag OT.

        “Oh, no. Ako lang mag-o-over time. You can go home. Ipapahatid kita sa bodyguards ko.” He said withut looking at me. Napangiti lang ako sakanya.

        “Hindi na kailangan, Kent. I can go home safely. Aayusin ko lang ibang papers tapos uuwi na ako.” Sabi ko sakanya tapos lumabas sa office niya.

        I started sorting all the files saka ako nag-retouch. Ni-check ko lang gamit ko sa bag saka gumayak. Naghihintay na akong bumukas ang elevator nang marinig ko ang yabag ni Kent.

        “Ihahatid kita,” sabi niya. Napatango lang ako. I can’t hide the fact na kinikilig ako kapag ganito siya. He may be a very busy man pero nagagawa niya akong bigyan pansin, tulad nito. 'Pag dating sa akin, may oras siya. At doon ko siya mas minamahal. He appreciates me.

        Nasa underground na kami nang parking lot when the security guard approached us.

        “Sir Manjon,” panimula ng guard. Batid kong may sasabihin siya kay Kent na importante kaya agad akong humingi ng permiso kay Kent na mauna na sa kotse niya.

        “Opo, gusto ko sana mag-loan at may sakit ang anak ko kaso hindi ako pinayagan nang accounting.” Rinig ko habang papaalis ako.

        Pumunta ako sa kotse ni Kent. Hindi naman siya kalayuan sa puwesto ni Kent pero natatakpan siya ng square pillar kaya hindi ko na siya matanaw.

        Naupo lang ako likod nang kotse niya kung saan ang compartment.

        I felt like a sudden de javu is about to happen. Nakaramdam ako nang kilabot sa katawan nang biglang mag-blink ang ilaw sa underground. I don’t know if it’s just me o talagang nangyayari siya.

        Malamig ang kapaligiran at pakiramdam ko binabalot ako nang malamig na hangin. Sobrang nagsitayuan ang balahibo k sa braso nang makita ko ang parang silhouette darkness.

        Para akong napaparalisa nang biglang lumalapit sa akin ang hindi ko maipaliwanag na bagay.

        I heard a voice calling me na animo’y galing sa pinakailalim-laliman ng mundo nang-gagaling.

        It was darkness at parang may lagusan sa gitna.

        A hand… a hand coming out on the darkness. Parang iniimbita ako na sumama dito. Mas lalo akong natakot.

        “N-no! N-no!” natatakot kong sambit. Mas lalong lumalapit ang kamay nito sa akin at parang gusto akong kunin.

        “N-no! K-Ke…K-Kent! H-help me!” pakiramdam ko ang lakas ng boses ko pero walang boses na lumalabas.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon