Chapter Seventeen

74.4K 1.9K 94
                                    

Chapter 17

His POV Part 2

One time, habang papalabas akong opisina, I overheard Migo and Theyn talking.

“May maitutulong ba ako sa’yo?” I heard Migo asked Theyn.

 “Definitely none, Sir. Tsaka wala po akong isusweldo sainyo kung magiging assistant ko kayo.” Migo laughed kaya naasar ako. Bakit ba niya iniistorbo lagi si Theyn?

“Kent is very lucky to have you. What’s wrong with that man?” he said so I decided na lumabas.

“Po—“

“There is nothing wrong with me, Miguel Santiago. And yes, I am aware how lucky I am to have Ms. Torres.” Sabi ko at huli na nang marealize ko kung ano ang sinabi ko. “As a secretary.” I added.

“Kent! H’wag kang mag-alala at wala akong balak agawin ang secretary mo. Though before gusto kong gawin ‘yon. But as far as I can remember, Ms. Torres told me na hindi ka daw niya iiwan. Is that right, Ms. Torres?” Nagulat ako sa sinabi ni Migo.

“Ah—hehehe” She awkwardly smiled at napakamot pa nang batok.

Tinignan ko siya at kita kong nahihiya siya. Alam kong nagustuhan ko ‘yung binunyag ni Migo pero ayaw kong mahiya sa akin si Theyn kaya pinilit kong itago ang ngiti sa labi ko.

“Well—this has been sufficiently awkward.  Bye Ms. Torres.” Kumindat pa ‘to bago umalis. Gago talaga ‘yon! Kung hindi ko lang siya kaibigan dati.

“It’s lunch time, Ms. Torres. You can have one if you’re hungry.” Sabi ko sakanya saka tumalikod. Papasok na sana akong opisina nang tawagin niya ako.

“Kayo po, Sir? Hindi po ba kayo kakain?” Natigilan ako. Kung kakakain ba ako sasamahan mo ako?

“I don’t eat.” I said instead saka ako pumasok.

“I don’t eat? What are you, vampire? Atleast nga sila umiinon ng dugo ng tao.” Rinig kong bulong niya. Natawa na lang ako nang pagak. Kung alam mo lang.

And I am curious. What if malaman niyang isa akong vampira? Aayawan niya ba ako? Mas matatakot ba siya sa akin? Minsan mas gusto ko ngang sabihin sakanya ang totoo pero takot ako. Hindi ko akalain na ako—si Kent Manjon na walang kinakatakutan ay biglang matatakot sa isang bagay na napaka-lame para sa iba.

Gusto ko lagi naririnig ang boses niya. Kaya kahit mga walang kwentang bagay naiuutos ko sakanya matawagan ko lang siya. Minsan ko na siyang tinawagan para sabihin na gusto ko siyang makita pero parang umurong ang dila ko sa simpleng…

[G-good evening, Sir.] bati niya at agad akong nawala sa sarili. ‘Yung mga plano kong sabihin ay biglang naglaho at para akong teenager na natotorpe sa kausap.

“Ms. Torres, tomorrow is Saturday” I mentally curse myself dahil sa sinabi ko. Great Kent!

[I am aware, Sir. Gusto niyo po ba akong pumasok ng maaga?] No. Gusto ko lang marinig boses mo.

“No. From now on, Saturday and Sunday will be your day off.” I didn’t meant what I just said. Gusto kong bawiin pero that time, I realized na tama din pala ang ginawa ko. She needs time for herself and her siblings.

[T-talaga po?] halata sa boses niya ang saya. Hindi ko maipalanag ang nararamdaman ko pero magaan sa pakiramdam ko kapag alam kong masaya siya.

“And Ms. Torres?”

[Yes, Sir?] Pwede mo din ba akong gustuhin? Gusto kong sabihin sakanya pero ‘yung dila ko nanaman parang naparalisado.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon