Chapter 25
‘Theyn, mae-extend ata ang stay ko sa Colorado. Can you cancel all my appointments from the next 5 days?’
Nakatulala lang ako nang mabasa ko na gano’n ang text ni Kent. Another 5 days? Bakit mae-extend? Tsaka bakit hindi niya personal na sabihin?
Para nanaman akong maiiyak. Kagabi pa ako hintay nang hintay sa tawag niya pero hanggang sa ngayon wala pa and worst isang text pa ang natanggap ko. Nababaliw na ako kakaisip sakanya pero siya parang halos kulang na lang do’n na tumira! Hindi ba siya aware na masasagasaan ng 5 days na ‘yan ang monthsary namin? O talagang hindi niya naalalala? Hindi naman kami nagcecelabrate kapag monthsary namin, simpleng greetings lang taz bonding sa bahay niya—‘yan ang usually naming ginagawa. Kasi una pa lang hindi na ako nag-eexpect na magkaro’n ng monthly celebration kasi hindi na kami teenager.
Kinancel ko lahat ng appointments niya for the next 5 days. Sana pala bukas na ang uwi niya. Miss na miss ko na siya tapos malalaman kong—ah ewan!
Kung pwede lang na umalis ngayon dito sa opisina at umuwi gagawin ko. Pero hindi ko dapat ihalo ang personal na problema sa trabaho.
“What’s with the crumpled face?” puna ni Migo nang makababa akong office. Magla-lunch na sana ako sa cafeteria nang makasalubong ko siya.
“Stress lang.” walang gana kong sagot.
“Bukas na ang uwi ni Kent diba?”
“Nope,”
“Ha? Ngayon ba?”
“Hindi na siya uuwi,” malumay kong sabi
“Ano? Uy Theyn bakit ba parang wala kang buhay dyan?”
“Wala,” I heard him sigh.
“May problema kayo ni Kent? Nag-away kayo?” concern niyang tanong pero umiling naman ako. Hindi kami nag-away. Wala nga siyang ideya sa nararamdaman ko eh. He thought I was ok.
Napahinto ako nang makita kong jammed pack ang cafeteria at wala nang table and chairs na vacant.
“Wala pala akong gana. Babalik na lang ako sa taas.” Tumalikod ako. Naramdaman kong sinundan lang ako ng tingin ni Migo.
Kakahintay kong magbukas ang elevator kaya napagdesisyunan kong lumabas ng building. Sa labas na lang ata kakain.
Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng building nang tawagin ako ni Migo.
“Bakit?”
“Sasamahan kita,” seryoso niyang sabi. Tumango lang ako sakanya.
Habang naglalakad sa sidewalk, hindi ko maiwasan isipin kung ano ang mga pinag-gagawa ni Kent at Ms. Aragon. Ganito pala kapag malayo ang mahal mo. Kahit alam mong tiwala ka sakanya na hindi siya magloloko, hindi pa rin maaalis sa isipan mo ang mga taong nakapaligid sakanya.
“Gusto mo bang pumunta sa Colorado?” napaangat ako nang tingin kay Migo dahil sa sinabi niya.
“Anong—“
“Kasama mo ako pero si Kent ang iniisip mo. Namimiss mo na siya ‘no?” hindi lang ako umimik sa sinabi ni Migo. Sure he can read between the lines. A woman would want a boyfriend who knows what you were thinking.
“Pina-extend niya stay niya sa Colorado.” Malungkot kong sabi sakanya.
“Alam ko. Kaya nga tinatanong kita kung gusto mong pumunta sa Colorado.” Kibit niyang sabi.
“Wala akong passport,” I saw him grinned.
“Nakakalimutan mo na atang madami akong koneksyon.” Tapos kumindat pa siya.
BINABASA MO ANG
My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]
Vampire[Fangs Series #1] Intimidating. Menacing. Perilous. Three best words that describe her own version of Knight in Shining Armor. All Rights Reserved 2014 // by Thyriza