"Shawn! halika rito dali dito ka umupo!"
sambit ni John. Si John Gipalen at si Ben Ebus ay ang mga kaibigan ni Shawn simula grade 7. Solid talaga silang tatlo at ayaw nilang nakikisali sa mga kaklase nilang puro payabang at mga mukang fuckboy pero mayroon ding iilang matitino.Pagka upo ni Shawn sa gitna nila John at Ben sabay silang tatlong napalingon sa kakapasok lang na si Jasmine lagi itong late simula noong grade 9 at di man lang marunong magsuklay sa bahay dahil dito sya sa room nag aayos.
"Shawn nakatitig kana naman kay Jas? uso move on pare! HAHAHA" sambit ni Ben.
"May balita pala ako sayo Shawn alam mo bang niloloko na naman yang si Jas ng shota niyang mukang unggoy kasi diba kaklase ni kuya yon bale nag inuman sila sa bahay at nakita ko may kasa kasamang babae na naman. Kawawa naman si Jas sulutin mona kasi pre. " sambit ni John.
"Tama na nga yang kalokohan niyo. wala nakong nararamdaman sakanya halos mag aapat na taon na shempre nakalimot nako." pagsisinungaling ni Shawn.
Pumasok na ang adviser nila at ibinalita na may darating na acquaintance party sa June 19. Kailangan na nila maghanda ng presentation sa darating na event.
Taon taon silang may acquaintance party at nung grade 9 niya lang naisayaw si Jas. Nais niya na sana siya yung piliin nitong partner para sa presentation pero wala namang rason para piliin siya nito.*Shawn's POV*
Araw ng Biyernes ngayon at umpisa na ng practice nila para sa presentation as usual si Aaron Hernandez ang laging partner nito Nabalitaan niya kasi noon na crush ni Jas ang lalaking iyon kaya sa tuwing may ganito ay lagi niyang pinipili si Aaron.
"Shawn may partner kana ba? pwedeng tayo nalang?" sabi ng kaklase niyang si Eliza.
"sige" walang ganang sagot ko.
Natapos ang araw ng wala man lang bago sa mga pangyayari.
Habang naglalakad ako pauwi sa amin ay pinagmasdan ko muna ang aking paaralan. Simple lang ito hindi gaano kasikat kagaya sa ibang private school.
Nang malapit na ako ay nakita ko si Sofia na naglalaro sa labas. Si Sofia ang nakababata kong kapatid. Grade 3 na ito sa isang public school. Ang simple naming bahay na isang palapag lang ngunit malinis at maipagmamalaki parin. Hindi naman kasi ako ganoon kayaman katulad ng sa iba kong kaklase. Scholar ako sa school namin ang aking Ina ay callcenter agent at ang Ama ay Construction worker kaya sapat parin ang kanilang kinikita para saming pamilya.Pagkapasok ko ng aking silid ay nag online muna ako at humilata nakaka boring ang araw na ito.
Habang nag sscroll ako kay nakita ko ang mga post ng loko lokong boyfriend ni Jas. picture nila ng tropa niya at ng iilang babae.
"Haaaaay kawawa ka naman Jas, kung ako nalang kasi ang pinili mo."
sambit ko sa hangin.Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
*Jasmine's POV*
Naglalakad ako pauwi ngayon galing sa school dahil tinatakasan ko yung Driver namin. Paano ba naman kasi grade 10 nako at hatid sundo parin ako mag 16 na nga ako sa October eh. Tsk.
Gusto ko naman maranasan maglakad pauwi dahil baka makasalubong ko ang boyfriend kong si Jay. 2yrs na kami at mag 3 sa December.
*Riiiiing*
"Hello Babe! " masayang bati ko tumawag si Jay.
"Babe tara punta ka rito sa bahay kakauwi ko lang miss na kita"
"osige babe seeya."
*end call*
Sawakas after almost 2 weeks magkikita na ulit kami Marami akong nababalitaan na niloloko lang daw ako ni Jay pero ayokong maniwala mahal ako ni Jay kaya nga two years na kami diba.
Nakarating ako sa bahay nila Jay at walang tao maliban sakanya na sinalubong akong naka boxer shorts.
"babe imissyou"
sambit niya at hinalikan ang aking noo."imissyoutoo"
Nag merienda kami at nag usap tungkol sa umpisa ng grade 12 life niya. Magkaiba kami ng school pero panatag akong di siya mambababae roon.
5pm na ng natapos ang kwentuhan at harutan namin sinabi kong uuwi nako at maliligo muna raw siya at ihahatid ako.
Habang nag aantay akong matapos siya ay nakita ko ang cp niya na umilaw dahil may notif.
Kinuha ko iyon at nagulat ako dahil may password ang messenger niya. Sinubukan kong hulaan pero naka tatlong try nako at wala parin. Inilagay ko ang date na diko malilimutan "041017"bumukas ito at nakita ko ang Convo niya sa ibat ibang babae puro babae! lahat halos ay babae! binasa ko ng mabilisan at puro kalandian kawalang hiyaan at kagaguhan ang nabasa ko! umiiyak nako at saka ko lang napagtanto na dummy accnt pala ito ibang pangalan at nakita ko na naka block ako sa fb na ito. Nabasa ko rin ang chat nila ng mga tropa niya na huwag sasabihin sa akin ang facebook account na ito. Umiiyak nako hindi kona kaya ang nababasa ko December 2016 pa ang fb accnt na ito ibig sabihin ilang buwan naniya kong niloloko. Narinig ko ang pagbukas ng banyo.
Nagkatinginan kami, bumaba ang tingin niya sa cp na hawak ko. Ilang segundo siyang tulala.
Kasabay non' ang pagtakbo ko palabas ng bahay nila habang umiiyak ako mabuti nalang at nakasakay agad ako ng tricycle nakita ko siyang humahabol pero hindi nako lumingon ulit.
BINABASA MO ANG
Kung tayo, Tayo talaga
RomanceThis story is all about the life of a simple man, named Shawn Salazar at ng isang babaeng yayanig sa buong pagkatao niya. Ang simpleng buhay ng binata ay mababago dahil sa pagkabaliw nito sa babaeng minahal niya ng lubos. Tama ba na manatili siya n...