Chapter 3

0 0 0
                                    

Jasmine's POV

Gumising ako ng maaga para makapag ayos at maghanda , Papasok nako. At buti nalang binigyan ako ni Shawn ng Handouts nakapag aral ako kagabi bago ako makatulog.

Pagkarating ko sa classroom ay saktong 7 palang First time kong hindi ma late. Ewan ko ba at ganado akong mag aral ngayon.

Nakaupo ako sa harapan katabi ko si Carmela at nahagip ng mata ko si Shawn sa middle side kasama ang mga kaibigan nito.
Nag ngitian kami at bumaling na ulit sa kakapasok palang na si Mr.Samson

Shortened Time lang ang kada subject pag patak ng 12noon ay nag silabasan  na ang mga studyante upang mag lunch.
Nagulat ako ng biglang tumabi si Shawn sa akin dala ang baon niya.

"Hi Jas , Hi Carmela puwede bang makisabay sainyo mag lunch? sa cafeteria kasi kakain ang mga kaibigan ko"

"sure" sagot ni Car.

Habang kumakain kami ay nag share share kami ng ulam. Nakaka Misss yung ganitoo. Nagtatawanan kami at nagkukwentuhan habang kumakain. Nang matapos na ang pagkain namin.

"Jas kumusta pala ang Quiz mo?"

"48 / 50 lang ako"

"nice absent kapa ng tatlong araw niyan ah"

"Hahaha  thanks to you man"

Iginilid na ng mga studyante ang upuan ng matapos ang  Lunch break.
Mag sisimula na ang last practice nila para sa event bukas.
pumunta na sila sa sari sariling partner.

"Aaron kumusta ka naman pag practice at wala ako?"

tanong niya rito habang nakahawak siya sa balikat nito at ang isang kamay ay sa kanang kamay ni Aaron naka hawak. At si Aaron naman ay naka hawak sa bewang ng dalaga.
Slow Dance ang Iprepresent nila. Madali lang ang steps kaya't agad nakuha ni Jas.

" Hayahay ako nakaupo lang sa tabi habang pinapanood sila wala akong partner eh hahaha"

"Sorry Ron "

" wala yun, kumusta ka naman Jas? okay naba pakiramdam mo?"

"Oo naman"
sagot ni Jasmine.

Tinitignan ng dalaga ang binatang si Aaron habang sila ay nag uusap. Kapansin pansin ang Matangos nitong ilong, Dark Brown na mata at maypagka singkit ang labi na mapula at moreno'ng kutis.

Walang alinlangan na may itsura ang lalaking ito kaya halos lahat ng babae rito ay may gusto sakanya. Pero kakaiba talaga ang takbo ng tadhana apat na taon ng may gusto si Aaron sa anak ng may ari ng kanilang paaralan ngunit hindi naman siya nito pinapansin.
Lumaki sa mayamang pamilya si Aaron kagaya ni Jasmine ay sa ibang bansa rin nakatira ang magulang nito.

Nang matapos ang Practice nila nagsi uwian na ang mga studyante. Nagpaalam na si Carmela kay Jasmine dahil sinundo ito ng Boyfriend niyang si Xander.

Iniisip ni Jasmine na bumili ng bagong dress para bukas at bagong cellphone narin ngunit wala siyang kasama aayain na sana niya si Shawn ng makita ito sa labas ng gate at may kausap na babae si Eliza.
papalapit na si Jas ng marinig ang pinag uusapan nila at huminto saglit.

"Shawn please 2 years na kitang gusto hindi mo parin ba ko napapansin lagi nalang akong gumagawa ng paraan para mapansin mo please pwede bang maging tayo nalang" nagmamaka awang sambit ni Eliza habang hawak ang braso ni Shawn at nakaharap dito.

"Eliza hindi ko alam na ganyan ang nararamdaman mo sakin kung alam ko lang edi sana noon pa ko lumayo. Hindi ko deserve ang pagmamahal na yan may iba akong gusto."

"Sino yang' malanding babaeng gusto mo!? sabihin mo kung sino Shawn kasi papahirapan ko kagaya ng ginagawa mo sakin!"

"Hindi kita pinapahirapan Eliza, Malayo siya hindi mo siya masasaktan kaya tumigil kana."
Sagot ni Shawn at tinalikuran ang babaeng iyon.

Nagulat si Jasmine dahil baka makita siya ni Shawn nagpapanggap siyang mag iiba ng direksyon ngunit tinawag siya nito.

"Jasmine, saan ka pupunta?"

"ah eh sa mall sana"

"doon ka dapat sumakay sa kanto bat dyan ka sa dead end papunta"

"ay oo nga hehe"

"samahan na kita kung puwede may bibilin din kasi ako"

"great! tara na!"

nagulat si Shawn sa asta ng dalaga hinila siya nito at tumakbo papunta sa kanto kung saan may dumadaang pampasaherong jeep napangiti ang binata dahil sa magka hawak nilang kamay.

Nang dumating sila sa Mall.

"Shawn bibili muna akong phone itetext ko si nanay tasing dahil baka bigla akong sunduin sa school ng driver namin hindi kasi nila alam na shortenend ngayon alasdos palang naman"

"sige"

Sa pananamit at itsura ni Jasmine ay muka lang siyang Simpleng studyante. Ngunit kung makikita mo ang mga gamit nito ay tila mamamangha ka dahil sa mga kaya nitong bilhin.

Matapos bumili ni Jasmine ng Iphone 7 at sim ay ginawan muna niya ito ng Apple Id.

"Shawn ano palang number mo?"

"akin na tatype ko"

" So ano palang bibilin mo Shawn?"

"wala sasamahan lang kita"

"eh bat sabi mo kanina"

"hahaha joke lang yun baka kasi tanungin mona naman ako ng napakaraming tanong bago ako makasama sayo"

"ewan ko sayo tara na sa clothing line tayo nila mama"

Pumunta sila sa upperground floor ng mall at tinungo ang daan papunta sa isa sa business ng mama niya.
Pagka pasok nila doon agad naghanap si Jasmine ng dress para bukas

"Shawn which do you prefer ? this one or this? "  sabay pakita ng dalawang dress na hawak ng dalaga red and yellow.

"hindi ko alam eh parehas naman maganda?" patanong na sagot ni Shawn

"Shems lalaki ka nga pala -_- susukatin ko parehas pumili kana lang nang mas bagay sa akin"

Lumabas si Jasmine suot ang red knee length dress.

Napanganga si Shawn dahil umikot pa ang dalaga sa harap nito litaw na litaw ang porselanang kutis ng dalaga at ng nakita na backless pala ito ay agad siyang sumimangot.

"ayoko nyan hindi bagay" ma awtoridad na sambit ni Shawn.

pumasok ulit si Jas sa fitting room at sinukat ang dilaw at hapit sa katawan niyang off shoulder dress na above knee at longback ang likod na parte.

"Beautiful."

namula naman ang pisngi ng dalaga at nagpalit na muli at tila binili na ang dress na iyon. Hindi kilala si Jasmine na siya ang anak ng may ari ng boutique na ito dahil hindi naman siya inilalabas sa media ng kaniyang magulang tanging si Carmela lang ang nakaka alam nun.

"Shawn may damit kana ba para bukas?"

"meron na kulay dilaw nga rin ang polo ko at itim na necktie "

"gosh parehas pala tayo hihihi"

Pumunta ang dalawa sa Mcdonalds para mag miryenda.

Kumain sila ng McFlurry at Bff fries at chiken burger.

"alam mo ba Shawn Favorite ko itong McFlurry hihihi" makulit na sambit ni Jas.

Masaya silang nag uusap at nagtatawanan tila magkaibigan na walang masalimuot na nakaraan.

Kung tayo, Tayo talagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon