Jasmine's POV
Tatlong araw nakong absent at wala parin akong balita tungkol sa school June 17 na ngayon at bukas na ang huling practice para sa acquaintance party mabuti nalang at naiintindihan ako ni Aaron akala ng lahat ay may sakit ako. Mayroon nga dito sa puso sobrang sakit , Nagmahal lang naman ako pero eto parin nagsisi dahil binigyan ko pa siya ng second chance noon at third chance nung abril lang. Naalala ko tuloy si Shawn , Madaming nagkakagusto sakanya matalino siya may itsura may saktong katangkaran at matino. Ni wala pa itong nagiging girlfriend. Sana Siya nalang ang pinili ko noon.
"041017" ito ang araw na nabasa niya sa cp ng binata na sinasagot na ito nung kaklase nitong si Jade. Naka Screenshot iyon nakalimutan ata ng binata na burahin iyon. Nag away sila nagsagutan dahil sa tinimer siya nito. At huli pinatawad parin niya ang binata at nagkaayos sila. Nakipag hiwalay ang binata kay Jade ngunit nung nakaraan lang ay nakita niya ang post ng bf niyang nag iinuman kasama ang barkada at ilang babae at isa doon si Jade.
"Napaka tanga ko talaga ilang beses nakong niloko pero naka kapit parin ako" hagulgol ko.
*toktok*
"Jasmine hija, tumawag kanina ang Mommy and Daddy mo kinukumusta ka nila at pinapasabi ng mommy mo na uuwi siya sa marso para kasama mong umakyat sa moving up hindi ka raw kasi nila makontak. Sinabi ko rin sakanila na nabasag iyong cellphone mo at durog na durog, nagtaka sila kung bakit hindi ka pa bumibili ng bago."
"Salamat po Nanay"
sagot ni Jasmine at hindi ipinahalata na basag ang boses nito. Si Nanay tasing ang nakasama niya at nag alaga sakanya sa loob ng limang taon dahil nanirahan na ang Mama at Papa nito sa US dahil naroon ang Family Business nila at ipinalalaganap sa kalapit na bansa nito."Atsaka hija may bisita ka nga pala sa baba. Shawn Salazar daw kasama iyong bestfriend mo"
Tila Nagulat ang dalaga at nag ayos ngunit bakas parin ang namamagang mata nito.
Pagkababa ni Jasmine nakita niya ang nag aalalang mukha ng dalawa. Sinalubong siya ng yakap ni Carmela.
"Omygosh bes! Antagal mong hindi pumasok ah?! anong nangyari bakit ba ganyan ang itsura mo oh wait-- satingin ko alam ko na !! niloko kana naman ng walang kwenta mong bf noh!!??--- Aishhh!!"
pasigaw na bungad ni Carmela."teka muna Car ikukwento ko naman sayo eh wait kalang bakit pala kasama mo si Shawn?"
"ano ka ba nag aalala sayo tong' Top 2 natin tuturuan ka niya ng namissed mong lessons hihihi how sweet" pang aasar ni Carmela. Alam kasi nito ang past ng Dalawa.
"Hi Jas antagal na nating di nag uusap ah"
Shawn's POV*
Napalinga-linga ako ng makapasok ako sa malawak na bahay nila Jasmine. Bigla nalang kasi akong hinatak ng bestfriend niyang si Carmela at sinabing bibisitahin namin si Jas. Parang automatikong napasunod naman ako dahil ilang araw ko ng di siya nakikita at nag aalala narin ako dahil hindi siya nag oonline ayun lang kasi ang komunikasyon namin.
Pagbaba ni Jas ay hindi siya mukang si Jasmine ang bilugan at itim na mata nito ay mapupula at ang paligid ay namamaga na naniningkit.
Ang ilong ay parang kinurot sa pula at ang Magandang labi ay naka awang at naghahabol ng hininga.
Nakaka awa ang itsura niya parang sobra naman ata ang sakit nito? pero natauhan siya ng marinig ang sinabi ni Carmela kay Jasmine.
Siguro nga ay niloko na naman siya ng hinayupak niyang Bf."Hi Jas antagal na nating di nag uusap ah"
kinakabahan kong tanong sakanya.
ilang segundo siyang di naka sagot nararamdaman ko ang mabigat na atmosphere sa paligid namin."oo nga salamat pala sa pag dalaw"
"May quiz bukas kay Mr.Samson nag aalala ako sayo dahil baka pag bumagsak ka ay mawala ka sa Top 3 sayang naman kasi simula noon ay pwesto mo na talaga iyon."
Sinuklian niya ako ng ngiti.
*kriiiing* tumunog ang cp ni Carmela
"yes hello---- shocks sure kaba dyan?! --- fuck pag niloloko mo lang ako priprituhin kita ng buhay-- o sige oo sige -- okay bye baby muah--"
" Jasmine , Shawn aalis na ako kailangan ko kasing puntahan si Xander myloves una nako bye!"
sabay beso kay Jasmine at nauna nang umalis."Shawn ano palang gusto mong kainin alastres palang naman merienda muna tayo"
"kahit ano nalang Jas"
pumunta si Jas sa kusina at pag balik niya dala niya ang isang tray na may dalawang basong orange juice at dalawang monde chocolate.
Nag usap na kami about sa school sa lessons na kailangan niyang malaman binigyan ko rin siya ng hand outs para mahabol niya.
"Jas... bakit pala hindi ka pumasok ng ilang araw?" naglakas loob akong itanong sakanya ng matapos kaming mag usap about sa lessons.
Ilang minuto siyang natahimik." Sorry Jas ,okay lang Jas wag mun--"
"No it's okay Shawn"
She took a deep sigh"nahuli ko ulit siya at pagod na pagod nako Shawn. Ilang beses na niya kong niloko ang sakit sakit na. Iniwan ko siya hindi ko na pinakinggan ang explanations niya at simula nun dipa rin kami nag uusap"
"Sana pala pinaglaban kita noon kahit hindi ako yung pinili mo baka , baka sakaling iwan mo siya para sakin."
ilang minuto ang bumalot na katahimikan saming dalawa nagkatitigan kami. Nakita kong nag uumpisa na siyang humikbi.
Niyakap ko si Jas. Tuluyan na siyang umiyak."shhh... andito lang ako sa tuwing kailangan moko tawagin mo lang ako hinding hindi kita lolokohin ni' iiwan"
"Thankyou Shawn"
Hindi ako bumitaw sa pagkakayakap kay Jas, Niyakap niya ko pabalik. Hindi ko maintindihan pero muling bumilis ang tibok ng puso ko same as the old time na nasa akin pa siya. Pero diko ginawa ang lahat para mapasa akin siya.
BINABASA MO ANG
Kung tayo, Tayo talaga
RomanceThis story is all about the life of a simple man, named Shawn Salazar at ng isang babaeng yayanig sa buong pagkatao niya. Ang simpleng buhay ng binata ay mababago dahil sa pagkabaliw nito sa babaeng minahal niya ng lubos. Tama ba na manatili siya n...