Shawn's POV
"AHHH!!"
"shit!"
Nagulat si Shawn sa pag tili ni Jasmine. Dahil kakalabas lang nito ng cr at naka bath robe pa kakatapos lang nito maligo. Napatili siya dahil sa gulat ng makita si Shawn sa kwarto niya.
"Sorry Shawn diko akalain na pupunta ka rito "
ani ni Jasmine at dali daling pumunta sa walk in closet nito at nagbihis.
Habang nag bibihis ang dalaga inayos ni Shawn ang magulong gamit ni Jas. at pinunasan ang gatas na natapon."Shawn"
"Bakit magulo dito sa kwarto mo akala ko kung ano nang nangyari sayo."
"Si Bella kasi eh kaya ayoko na siya rito sa kwarto ko nanggugulo siya tignan mo anlagkit tuloy ng sahig ininom niya yung gatas ko"
"ah kaya pala ang cute naman niya, bella"
" oo regalo sakin ni mommy "
Nag uusap lang kami ni Jasmine sa may mini sala sa loob ng kwarto niya. Hinatiran narin kami ni Nay Tasing ng Tanghalian sa kwarto niya. Napag desisyunan namin na manood ng movie 'Fault in our stars '.
Habang nanonood kami ay napansin kong malalim ang iniisip niya at di naman nakatuon sa Tv ang pansin."Jas, huy Jas ayos ka lang?"
"ha? ah oo"
Lumapit ako sa tabi ni Jas inakbayan ko siya na ikinagulat niya ngunit hindi na niya inusisa pa. Inihilig ko ang ulo niya sa balikat ko at tuluyan ko siyang niyakap gamit ang isa kong kamay.
Tahimik lang kami sa ganoong posisyon. Ayokong sirain ang sandaling ito. Ang babaeng mahal na mahal ko simula pa noon ay nasa bisig kona ngayon.
"S-Shawn?"
"hmm?"
"bakit?"
"shhh.. matagal konang gustong gawin ito"
Niyakap ako ni Jas pabalik ang isang kamay niya ay nasa likod ko at ang isa ay nasa dibdib ko.
"Jas, I Love you "
ilang sandali ay natigilan at natahimik si Jas hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam ang sasabihin dahil hindi naman siya sigurado kung mahal naba niya ang binata. Ayaw niyang magmadali at magpadalos dalos sa mga sasabihin.
"Jas handa akong mag antay hanggang sa mahalin mo rin ako pabalik, Simula noon ikaw na talaga halos apat na taon na mula nung inibig kita at ngayon iniibig parin kita. Mahal na mahal kita Jasmine hinding hindi ko wawasakin at dudurugin ang puso mo kung ipapaubaya mo sakin ito."
"Shawn, b-bakit a-ako ?"
"Hindi ko rin alam. Sa tagal ng panahon na wala ka sa piling ko ikaw at ikaw parin talaga. Sinubukan kong umibig sa iba noon pero ibang iba talaga pagdating sayo. Mababaliw nako."
"Shawn g--"
"Wag mong pilitin ang sarili mo na mahalin ako pabalik. Kaya ko paghirapan ang pagmamahal na matatanggap ko sayo siguro hindi ngayon pero malay mo bukas o sa susunod."
Nakatingin ang dalaga sa mata ni Shawn. Punong puno ng sinseridad at galing sa puso ang emosyon na ibinibuhos niya sa bawat katagang sinabi niya sa dalaga.
"Jasmine sa oras na mahalin mo rin ako pabalik. Maaari bang ingatan mo rin ang puso ko? kasi mahal na mahal ka nito."
" I will Shawn."
BINABASA MO ANG
Kung tayo, Tayo talaga
RomanceThis story is all about the life of a simple man, named Shawn Salazar at ng isang babaeng yayanig sa buong pagkatao niya. Ang simpleng buhay ng binata ay mababago dahil sa pagkabaliw nito sa babaeng minahal niya ng lubos. Tama ba na manatili siya n...