Chapter 7

0 0 0
                                    

Jasmine's POV

5pm  na ng hapon at wala paring paramdam si Shawn NAKAKAINIS. Kaninang umaga pa ang huling online niya sa Facebook at ang huling text niya ay kagabi pa. Lalo lang niya dinadagdagan ang inis ko Shocks Nakaka irita talaga naiisip ko lang yung mga natuklasan ko kanina.
Naka uwi narin si Nanay Tasing galing sa palengke At inaayos na niya ang mga pinamili para lulutuin nalang bukas.

Ayoko namang itext si Shawn or tadtarin ng chat baka isipin niya hinahabol ko siya Tsk. ASA. Nakakabanas siya dyan.

Napag alaman ko namang taga San jose del monte Bulacan pala yung Nicole isa akong dakilang stalker eh. Buwisit malapit lang itong Quezon city don ah. Nakakabanas talaga Argg!

Tinadtad kona ng text si Carmela para ayain tumambay sa mall nakaka stress dito sa bahay wala akong magawa! Pero sabi niya busy daw siya GRABE TALAGA NAKAKAINIS!

Napag pasyahan kong Umalis at mag Mall passed 6pm na.
Nang Mapagod ako sa kaka ikot sa mall ay kumain muna ko sa Mcdonalds umorder ako ng madaming pagkain dalawang bff fries tatlong burger na iba iba ang palaman at dalawang mcflurry at isang glass of Coke.

Habang kumakain ako hindi ako mapakali dahil may nararamdaman akong tumitingin sakin hanggang sa nagulat ako ng may tao na sa gilid ko.

"Hi Miss?"

tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa parang may kamuka to hindi ko alam kung saan ko nakita.

"Ahmm Miss? pwede bang maki upo? wala na kasing vacant eh muka ka namang mabait"

Hindi ako nag salita tumango lang ako. Kumakain ako habang tinitignan siya inaalala ko kung san ko siya nakita.

"Miss ? Im Raze Santiago pala"Pakilala niya sa kanyang sarili habang ngiting ngiti.
Inabot pa niya ang kanang kamay niya na makikipag shake hands.

NAALALA KO NA. What a coincidence nga naman! Siya yung Iniistalk ko na boyfriend ni Nicole kaninang Umaga Shocks bakit siya narito At kaharap ko pa siya ngayon.
Hindi naman siya ganoon ka pogi sakto lang Mas pogi parin si Bebe Shawn ko.

Ngumiti rin ako ng Pagka tamis tamis at iniabot ang kamay ko.

"Jasmine Rianne"
sabi ko habang nakikipag shake hands.
Kumain na ulit kami inayos ko naman ang Hapit sa katawan kong off shoulder at high waist shorts. At Kumain syempre dapat dahan dahan lang nakakahiya baka isipin niya patay gutom ako sa dami kong order samantalang siya isang friedchiken with rice lang at fries.

"kaya mong ubusin yan ?"
tanong niya sakin.

Ano bang pake mo sabi ko sa isip ko pero siempre kailangan maging nice kay kuya dahil may aalamin ako HAHAHA.

" Oo Favorite ko lahat to. Kumakain talaga ako ng madami pag naiinis ako." Sabi ko in a medyo sad tone.

"If you dont mind bakit ka naiinis? Sorry nga pala sa istorbo kasi naki upo ako sa table mo tapos ngayon dinadaldal pa kita."

"Okay lang yun noh buti nga dumating ka kahit papaano may nakakausap ako" Paawa effect ko.

"Hahaha buti naman may nagawa akong tama"

"Naiinis ako kasi walang kumakausap sakin shocks mababaliw nako kasi pati bff ko sabi niya busy siya" paawa effect ko ulit.

"ay ganun ba baka nagkataon lang busy silang lahat hayaan mona pwede mo naman ako kausapin hindi kita hoholdapin or kung ano"

"hahaha thanks Raze"

"Taga saan ka nga pala Jasmine?"

"Hmm dito lang din sa quezon city,  malaki kasi yung quezon city eh kaya medyo malayo pa bahay ko rito. Ikaw ?"
Ayan na pagkakataon ko na mag tanong at sumagap ng info.

"Taga san jose delmonte bulacan ako. Hahaha ang layo ng narating ko noh alam mo ba yun ?"

"oo alam ko yun ilang oras byahe mo?"

"almost 2 hrs lang depende kung ma traffic inaabot minsan ng 3 hrs."

"ahh bakit ka nga pala napadpad dito may Sm san jose naman diba?"

"wala lang gusto ko lang lumayo"

"bakit naman? Sorry din dami kong tanong"

"okay lang Jasmine"sabay ngiti niya. "Nag away kasi kami ng Girlfriend ko tapos nalaman ko na pupunta siya sa long lost bestfriend namin na taga dito sa quezon city hindi naman totally lost pero kasi umalis sila noon at dito na tumira. tatlo kasi kaming magkakaibigan noon tapos nalaman ko na may gusto pala sakanya yung isa naming kaibigan tapos ung gf ko naman may gusto sakin tas nagustuhan ko rin siya"

"Ahh ganun ba" medyo nawala na ko sa ulirat sa mga nalaman ko.
Kaya ba busy si Shawn ngayon dahil nagkita sila ng First Love niya? Andami ng pumapsok sa isip ko ayoko sanang mag isip ng masama pero hindi ko mapigilan.

" Ang daldal ko ba ? Sorry ah mabigat lang din loob ko kailangan ko lang ng karamay."

"okay lang Raze" sabay ngiti ko rin sakanya.

"Pumunta ako dito dahil baka makita ko sila dito sa mall dahil hindi naman alam ng gf ko kung saan nakatira yun naisip ko baka dito sila magkikita. Pero baka mali ako madami pa kasing ibang mall dito sa quezon city. Hindi naman sa nag seselos ako dahil kaibigan naman namin yun. Baka lang kasi gusto parin siya ng kaibigan namin hanggang ngayon kaya sumunod ako dito."

Hindi na ako naka sagot. Nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Raze paano nga kung tama siya? paano kung nagkita sila? paano kung bumalik yung nararamdaman ni Shawn kay Nicole? paano kung ganun. Naiiyak nako halos hindi ko na magalaw ang pagkain ko.

"Jasmine ayos kalang ba? gusto mo ng tubig?"  sabay abot sakin ng tubig niya.

" Oo okay lang ako. may naalala lang ako "
sagot ko at ininom ang tubig na binigay niya.

"ano palang pangalan ng Girlfriend mo at ng bestfriend niyo?"
tanong ko sakanya.

"Nicole Andres at si Shawn Salazar"
ani niya.

"ah Sige cr lang muna ako"
paalam ko

"Sige"

Tumayo na ako at nagtungo sa cr. Agad kong tinawagan si Shawn puro ring lang ang naririnig ko Halos naka 20 times ako sa pag tawag sakanya pero hindi parin sumasagot. Tinext ko siya tinadtad ko siya ng text tinatanong ko kung nasaan siya. Pero wala parin kahit isang reply.
Naiiyak nako pero sinikap kong pigilan.
Bumalik na ako sa table namin ni Raze napansin ko na patapos na siyang kumain, natagalan ata ako sa cr.

"Hi Raze Sorry kung matagal may tinawagan lang ako"

"okay lang Jas ubusin mona yang pagkain mo kung okay lang sayo puwede mo ba kong samahan saglit sa Nbs?"

"Ah oo sige kakain muna ko"
sagot ko.

Kung tayo, Tayo talagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon