Simula ng magkamalay ako sa mundong ito Siya na yung laging nakikita ko. Our mothers were bestfriends, naka diaper pa lang yata kami ay nakikita ko na siyang nagbabasa ng mga comics habang gumagawa ako ng bracelet na santan sa bakuran nila. Para bang lagi na siyang nandyan, sa bawat pag mulat ng mata ko, sa bawat pag ihip ko ng kandila tuwing birthday ko, sa bawat pag iyak ko pag nadadapa ako, hanggang sa unang pagtibok ng puso ko.. sakanya ako nakatingin.
We were not the typical childhood bestfriends, parang naging magkaibigan lang kami kasi lagi kaming magkasama dahil sa mga magulang namin. Kahit nang mga bata pa kami ay tahimik na talaga siya at may sariling mundo, and when he speaks, he speaks like an adult, kaya marami ang aliw na aliw sa kanya. Now that we're in highschool, dahil na rin siguro pinapaubaya ako ng nanay niya sakanya ay parang naging obligasyon niya ako bilang babaeng kaibigan. Tingin na nga ng halos lahat ay kuya ko siya.
Pero naisip man lang ba nila kung ano yung tingin ko sakanya? Inisip man lang ba nila yung feelings ko?!
"Kristan!" Sumilay agad yung ngiti sa mga labi ko nang makita ko siyang papalabas ng classroom. I always wait for him after class. He gave me a side glance then continued walking, agad kong tinakbo yung distansya sa pagitan namin, kumapit ako sa siko niya. This time he stopped on his tracks and looked at me emotionlessly. Bumilis yung tibok ng puso ko.
I shamelessly daydreamed about his beautiful eyes that say a lot even when he rarely speaks, his thick brows that always meet whenever he sees me, his long and curly hair that fell on his forehead and ears, his plump lips that are always in a straight line but I still wanted to kiss so badly.
Natauhan ako nang alisin niya yung pagkakahawak ko sa siko niya, tapos tumalikod lang siya at nagpatuloy sa paglakad.
Napahinto ako sa kinatatayuan ko. He is always like that, but I'd still always wait for him and tag along with him.
Narinig kong huminto siya sa paglakad, agad napaangat yung ulo ko. Nakalingon ito sakin na para bang inaantay ako.
"Kung hindi ka pa uuwi, mauuna na ako." Sabi lang niya. Nanlaki yung mata ko, at nakangiting tumakbo papunta sakanya.
"Iiwan mo talaga ako? Lagot ka kay Mama at Tita Kristy pag naligaw ako." Nang aasar na sabi ko, sabay na kaming naglalakad.
"Huh. Ano ka aso?"
"Arf!" I said smiling, kumunot ang noo nito at umirap.
Lagi lang kaming naglalakad pauwi, uhm by that I mean lagi lang akong nakabuntot sakanya na parang naliligaw na tuta. We reached my house, isang kanto lang ang layo sa bahay nila, hininto niya ako doon at nagpatuloy na sa paglakad.
"Bye Kristan!"
Hindi ito lumingon. I smiled.
I still believe na kahit siya yung pinakamasungit na tao sa mundo, he always secretly looks out for me like how I've always secretly loved him.
YOU ARE READING
Pag Mulat
Short StorySiguro ay malabo lang talaga ang mga mata niya kaya madalas ay hindi ako ang nakikita niya, pero kailan kaya siya mamumulat sa katotohanan na mahal ko siya?