V. The Handful

54 6 0
                                    

Note: Hi I'm Monika, I congratulate you kung nakaabot ka dito. If you just happen to click it, might as well read all of it. Enjoy! ;)


Naglalakad ako sa field, nakahawak sa camera na nakasabit sa leeg ko, at nagmumuni muni ako tungkol sa mga pangarap at mithiin ko sa buhay. Kung si Kristan ba talaga yung tamang lalaki para sakin, kung dapat ko na ba siyang sagutin? Nope. Siguro pag antayin ko pa siya ng mga one year para talagang sincere. Nagmumuni muni lang ako at kung bakit may mga lumilipad na bola sa ere eh wala naman silang pakpak--

"Aw!" Natumba ako sa lakas ng pagtama sakin nung soccer ball.

"Line!" May humahangos na kumag ang papalapit saakin.

"May galit ka sakin ano?" Tanong ko kay Ice. Inabot niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo, hindi ko ito tinanggap. Tumayo ako mag isa at pinagpag ang pwet ko.

"Sorry, bawal kasing dumaan sa part ng soccer field na to'" Napapakamot ulong sabe nito.

"Bakit nabili mo ba to?"

"Oo eh." Pinipigilan nitong mangiti.

"Magkano at babayaran ko." Nakataas ang kilay na sabi ko dito.

"Mura lang. Isang ngiti." He winked at me. Inirapan ko ito. "Ganto na lang, pag nilibre ba kita ng ice cream matutunaw din yung loob mo para sakin?" Tanong ni Ice.

"Tunawin kita gamit masamang tingin gusto mo?"

"Wag ka nang masungit please. Water break namin, tara I'll treat you."

Marupok lang naman akong tao. Hindi ko nadala yung rosary at crus na pinabaon sakin ng nanay ko, kaya eto ako ngayon, nakaladkad ng masamang elemento.

"Kamusta si Kenzie?" Biglang tanong ni Ice. Nakaupo kami sa may benches sa field, habang kumakain ako ng ice cream.

"Okay naman siya, bat di siya yung tanungin mo?"

"Di lang halata, pero malayo kasi ang loob sakin nun." Napatingin ako dito at mukhang seryoso naman siya.

"Siguro lagi mo siyang inaasar nung bata siya noh?"

"It's the otherway around. Lagi kasi akong sakitin nung bata ako, kahit siya yung bunso, mas nasakin yung atensyon ng mga magulang ko. Wala na siyang kalaro, wala pa siyang taga-alaga. Haha." For the first time, I don't know what to say.

"Mahal ka nun." Napatingin ito sakin, at natawa.

"Hi Kristan." Dumungaw ako sa obra maestro ni Kristan. Huminto ito sa pag guhit at lumingon.

"Hi." He said. Kanina pa ako nagtatago sa likod ng puno na sinisilungan niya sa park. Silently taking pictures of him. Inaantay ko kasing mawala yung kunot ng noo niya, because it's a sign na di niya ako susungitan and I'm right. The Lord loves me a little extra today.

"Anong dino drawing mo?" Abot tenga ang ngiti ko dito. Agad naman niyang tinaob yung sketch pad niya para itago. Kaya mas inigihan ko pa ang pagdungaw, then my hands slipped sa pagkakakapit sa puno at napahiga ako sa lap ni Kristan. Nasalo naman ako nito I was able to smell him a little closer and damn, nanlaki ang mga mata ko, sinalubong lang ako ng nakakunot niyang noo.

"Clumsy." Nag iwas ito ng tingin.

"Aw!" Tinulak ako nito paalis sa kandungan niya. Nasubsob naman ako sa mga dahon. Grabe naman to! Matapos akong saluhin ihuhulog lang pala ako sa iba. Is that what your mommah taught you? Tumayo ako agad at tumabi sakanya.

"Ano kasi yan? Let me guess, may mata yan noh? May ilong! Siguro meron ding bibig? Kulot! Ako ba yan? Patingin!" Inaabot ko yung sketch pad sa kabila niyang kamay, I had to lean on him dahil ang haba ng mga braso niya.

Pag MulatWhere stories live. Discover now