"Ugh." Napatingin kami lahat kay Kristan.
We were all studying at the park, Kenzie, Maco, Kristan and Ice. Yes, nakakapag aral na kami ng maayos sa bagong benches and tables dito, malilim pa at mahangin.
Nag d-drawing si Kristan and napansin kong ubos na yung pambura niya. Napahawak ito sa sentido niya.
"Kristan, may pambura ako." I smiled at him and gave it to him.
"Meron ba kayong lapis?" Tanong nito, di man lang ako tinignan.
"Wala akong extra. Pambura lang." Sabe ni Kenzie. Nag sosolve kasi ito ng math problem.
"Kristan, meron ako." Sabe ko pa, then I searched through my pencil case.
"Sige, peram pambura." Tapos ay kinuha niya yung pambura ni Kenzie. Nakakunot ang noong tinignan ko ito. Nagtataka din sina Maco.
Maya maya pa ay naglabas siya ng pinaka paborito kong chichirya, Lays. Nanlaki ang mga gutom na mata naming lahat, lalo na si Maco na kanina pa tumutunog ang sikmura.
"Penge ah!" Sabe ni Maco na may malaking ngiti. Kumuha ito sa palad niya. Sumunod naman sina Kenzie at Ice.
Nung ako na ang kukuha ay bigla niyang kinuha yung buong packet at inilagay sa lap niya para doon kumain, tapos ay nagpatuloy lang sa pag aaral. Tinignan ako ng tatlo dahil sa inaakto sakin ni Kristan. Obviously he is still mad for what happened last week. I tiptoed to his back and I tried to reach for the Lays on his lap but I tripped kaya natapon yung konting chips sa drawing niya at napa sampa ako sa balikat niya, napatayo naman ako agad.
"I'm sorry!" Sabe ko agad tapos ay pinulot yung mga natapon na chichirya at ibinalik sa pack. He made an impatient sigh, tapos ay pinagpag niya ang papel niya sa table. Bumalik naman ako sa upuan ko at malungkot na nag aral ulit.
"Line, sayo na lang." Napaangat ng tingin si Kristan. Ice offered me his hand full of chips with a smile.
"Thank you." I smiled at him.
Nagulat kami nang biglang tumayo si Kristan at nagligpit ng mga gamit. Nilapag niya yung lays sa mesa at umalis.
"Woah." Sabe lang ni Maco.
-------
I was sitting on my bed packing my things in my bag because it is a friday, I sometimes go home together with Kristan every friday. My window overlooks the fountain at the center of the dorm compound and as well as the men's dorm. Napatingin ako sa labas I saw Kristan going down the stairs habang may malaking backpack sa likod.
Nanlaki ang mga mata ko at dali dali kong pinagsasaksak yung mga damit ko sa lob ng bag at nag suot ng sapatos. Dali dali akong bumaba sa hagdan para habulin si Kristan. Malapit na siya sa gate ng dorm but I called him.
"Kristan!" Naabutan ko ito ng hingal na hingal ako, di man lang ito tumingin sakin and he acted as if I didn't exist. Sinabayan ko lang ito maglakad hanggang sa nakarating kami sa bus stop, not that it was unusual for him, pero di pa rin siya nagsasalita. Nag aantay lang kami ng bus and I can't take the silence anymore.
"Kristan, galit ka pa rin ba?" Tanong ko dito. This time he looked down at me, but he didn't say anything. A bus stopped infront at dire diretsong sumakay si Kristan dito.
It's rush hour and it's friday, so double the number of people na makakabaka namin sa pag uwi. Lumakad na si Kristan pasakay sa puno nang bus, puro kili kili at anghit nanaman ang digmaan dito. Maraming taong nagbubungguan at nag uunahan para makasakay, naunahan tuloy ako nung iba pero sinikap kong humabol kay Kristan. May tao lang na nasa pagitan namin.
"Aw!" May mga feeling carpet pa yung paa ng katabi kung makaapak. Pagtingin ko kay Kristan, ang layo niya sakin, tayuan na lang sa bus at di mahirap para kay Kristan yon dahil matangkad siya. He looked at me and I dramatically tried to reach my hand to him. Inirapan ako nito.
YOU ARE READING
Pag Mulat
Short StorySiguro ay malabo lang talaga ang mga mata niya kaya madalas ay hindi ako ang nakikita niya, pero kailan kaya siya mamumulat sa katotohanan na mahal ko siya?