"10, 20, 30, 40.."
"Line!" Napahinto ako sa pagbibilang ng barya sa sahig nang sumulpot si Kenzie sa pinto ng kwarto namin.
"Oh?" Sagot ko dito ng hindi lumilingon. 50, 60, 70..
"Anong ginagawa mo?"
"Nagbibilang ng ipon."
"Ano ba yan, akala ko nag ch-chinese garter ka." Nilingon ko ito.
"Oh, ano naman kung nag ch-chinese garter ako?" I asked.
"Ede sasali ako. Para saan ba yan, bat mo binasag si, ano ulit pangalan niyang alkansya mo?"
"Tan-Tan." Sagot ko.
"Si tan-tan." She added. She rolled her eyes at my childishness, sino kaya tong gustong sumali sa Chinese garter?
"Kasi..birthday na ni Kristan next week!" I said with a squeal.
------------------
225.55 lahat ng naipon ko, may kasama pang singkong duling kasi barya din yun. Naisip ko lang ano naman kayang mabibili ko don? Tatlong kilong mangga? Hays. Kahit tanggapin niya pa yun, gusto kong magbigay ng bagay na maitatabi ni Kristan, yung tipong ikikiss niya tuwing gabi pag namimiss niya ako. Haynako pag ako nainis, kiss na lang gift ko. Okay sige na nga may kasama pang hug, baka magtampo. Ahihi.
"Miss Villana!" Napakurap ako sa sigaw ng prof ko.
"Present ma'am!" I raised my hand. Napailing ito.
"See! Lumilipad na naman yang isip mo sa klase. Mas malala ka pa sa tulog. Atleast ayun na kapikit." Nagtawanan yung mga kaklase ko. I pouted.
"Buti nga isip ko yung lumilipad sa klase, hindi ipis." I muttered under my breath. I heard my seatmate Maco, snorted. He must have heard what I said. Then he went laughing, hanggang sa palakas na nang palakas ang tawa nito. Pinagtitinginan na siya ng mga kaklase naming. Hinampas ko ang balikat nito.
"Maco!" Sigaw ni ma'am Minchin. Chinese siya na matandang dalaga, in her late 30's. Lagi siyang naka outfit at may manipis na patusok na kilay.
"Ma'am si Caroline po kasi." Then he continued laughing, a more discreet one.
"Enough of that! As I was saying, the Art society will be having this annual portrait making contest. I am informing you about this because media arts is in the same department as them, at alam kong may mga talenTADO akong estudyante. I am encouraging you to join. That's all, you may continue daydreaming Ms. Villana, and you may continue laughing your ass out Mr. Hidalgo." Nagtawanan ulit yung iba, tapos ay umalis na si mam sa classroom, nagdisperse na din na parang utot yung iba kong kaklase.
Maya maya pa ay lumapit si Kenzie saakin. Classmates lang din kami.
"Line, you heard it? Marunong ka bang mag drawing ha?"
"Ha? Hindi, ayokong sumali. Ikaw ba?"
"May cash prize yun." Napalingon kami kay Maco, "10k." He gestured his both hands tapos ay kumindat. Nanlaki ang mata namin ni Kenzie.
Naglambitin ako bigla sa braso nito.
"McKenzie, pls. Gantimpalaan mo ako ng kahusayan sa pag guhit."
YOU ARE READING
Pag Mulat
Historia CortaSiguro ay malabo lang talaga ang mga mata niya kaya madalas ay hindi ako ang nakikita niya, pero kailan kaya siya mamumulat sa katotohanan na mahal ko siya?