Note: Hi guys! Thank you for reading up until here. Don't forget to leave a comment and vote for the story if you liked it.
Naglalakad ako mag isa pabalik sa dorm, exams week kasi ngayon kaya medyo hindi ko na pa-prioritize si Kristan. You see, I can also get him off my mind when I'm busy with other things. Nagulat ako nang may sumanggi sa balikat ko na nakasabay kong naglalakad, pag angat ng tingin ko, it was Kristan. Nakakunot ang noo nito while looking down at me. Namimilog naman ang mata ko dito.
"Ang liit liit mo na, pero harang ka pa rin sa daan." Inis na sabi nito. I gasped.
"Ikaw kaya dyan mahilig mang bunggo."
I can't let him occupy my thoughts, my words, my actions and my heart, dahil kailangan ko pang mag aral. Pagod na nagpatuloy lang ako sa paglakad at nauna na sakanya, but because of his long legs, I felt him catching up to me. Inunahan akong maglakad nito, and because I am just so tired of all the school works ay halos nakayuko na akong maglakad at di na siya pinansin. He was walking ahead of me at nagulat ako nang nauntog ako sa likod niya dahil bigla siyang huminto. Lumingon ito sakin ng nakakunot ang noo.
"S-sorry. San bang punta mo?" Tarantang tanong ko.
"May benches na daw sa park, kaya mag aaral ako dun." Ohh. Tumango tango ako.
"Pero diba, dun papunta sa park?" Nagtatakang turo ko sa likod ko. Napaisip ito tapos ay kumunot ang noo.
"Naalala ko nga, kaya ako huminto. Stop following me." Masungit na sabi nito.
"Hindi naman kita sinusundan eh." Hindi ito sumagot. Siguro sabog na din siya sa school works, poor Kristan. "Goodluck Kristan." I smiled at him tapos ay didiretso na sana ako but he gripped my hand. Napatingin ako sa kamay ko tapos ay sakanya.
"Hindi ka mag aaral? Tss. Tamad." Umirap ito. Pinanlakihan ko ito ng butas ng ilong.
"Hindi ako tamad noh!" Sabi ko.
"Uuwi ka ng dorm para matulog eh, wag ka nang magpanggap." Pang aasar nito. Sinimangutan ko ito pero napaisip naman ako sinabi niya. I can study and be with him at the same time! Tatalikod na sana ito pero bigla nanaman nabuhay yung katawang lupa ko at may energy nanaman ako para kay Kristan.
"Gusto mo sumunod pa ako sayo ngayon para mag aral!" Hamon ko dito. Plano kong kasing kumuha ng libro sa dorm.
"Aantayin kita." He said, bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi niya kaya di ko napansing binitawan nito ang kamay kong hawak niya pa rin pala. Then he went ahead.
---------
I was holding two cups of coffee on my way to the park, I put big smilies on them. More than the fact that Kristan "invited" me to study, I am also excited na may benches na sa park. Sa mahal ba naman ng binayad namin sa school namin, upuan namin mga nalalaglag na dahon galing sa punong sinisilungan namin.
Nagulat ako nang may nakasagi saakin.
"Ouch!" Natapunan kasi ng onting mainit kape yung paa ko.
"I'm sorry mis-- Line?" Si Ice pala! Gulat na gulat ito na nakita ako.
"Mukha ba akong multo?" Tanong ko habang nakahawak sa dalawang cup ng kape at binabalance ito na wag tumapon. Sana pag dating ko sa park kahit kalahati may matira pa.
"Huh, hindi. B-bakit?" Takang sagot ni Ice.
"Kasi pakiramdam ko oo, dahil sa tingin mo sakin." He chuckled, then he looked at me, just looked at me, this time sa tingin niya pakiramdam ko mukha akong maganda. Kahit totoo naman yun pero alam mo yun. "Ice, okay ka lang?" Napakurap kurap ito.
YOU ARE READING
Pag Mulat
Short StorySiguro ay malabo lang talaga ang mga mata niya kaya madalas ay hindi ako ang nakikita niya, pero kailan kaya siya mamumulat sa katotohanan na mahal ko siya?