Shihrina Qin
perspectivePagkatapos na ng History class namin na halos dalawang oras akong natulog dahil sa nakakabored na topic, it's already 11:30 am.
Lumipas na ang isang linggo at hanggang ngayon nilalapitan pa rin ako ni Quanzhe, para lang magsabay kami kumain. Ayoko nga sanang sumabay sa kaniya kasi naiilang ako, mas sanay akong kasabay si Rai. Kaso naman 'tong si Rai na todo landi sa kuya ko, 'di man lang ako samahan maglunch. Tss, ship na ship kasi kami no'ng bruhang 'yon.
Nitong mga araw, sinasabi niya rin sa'kin na gustong-gusto niya ako at seryoso raw siya do'n, na hindi niya raw paglalaruan 'yung feelings ko katulad ng mga ginawa niya sa mga exes niya. Pero hindi ako naniniwala, and I don't want to fall in love with him, natatakot lang akong masaktan, at isa pa, ayoko pa rin sa kaniya hindi dahil sa paasa siya, kundi sa pagiging self-confident niya. Ilang beses na rin kaya akong naririndi sa paulit-ulit niyang pagsabi na cute siya.
Napacheck na rin namin sa adviser namin 'yung thesis na pinagtulung-tulugan namin, and gladly okay naman daw. Mabuti na lang lahat kami tumulong.
Papalabas na ako ng classroom nang may tumawag sa'kin. Alam ko na agad kung sino siya upon hearing a deep voice.
"Rina!"
hindi na lang ako lumingon, alam ko naman sasabihin niyan sa susunod, eh.
"Sabay tayo mag-lunch," sabi niya. Lumingon ako sa kaniya at nagkunwaring mag-si-cr. Sorry Lord kung nagsinungaling ako, pero ayoko na talagang kasama siya ka-lunch. Sobrang naiilang ako.
"Punta lang muna akong cr." humawak ako sa tiyan ko at umangil na kunwari ay masakit talaga. Great acting, Rina.
"Edi hihintayin na lang kita sa labas ng cr, hehe joke lang. Sige okay lang, next time na lang ulit." he bowed saka naglakad na palayo. Tumalikod na rin ako para bumaba sa first floor at kunwaring mag-si-cr nang marinig kong may kausap si Quanzhe. Sino kaya 'yun? Tss, wala naman akong pakialam.
"Meron ka na palang bago, as expected."
"Nakita mo 'yun Mei? She's beautiful, right?" nagtago lang ako sa isang pader para makinig lang sa usapan nila. Alam kong masama makinig sa usapan ng iba pero matagal na akong curious do'n sa ex ni Quanzhe. Mei pala pangalan niya? Bakit parang pamilyar?
"Oo nga, eh. Mas maganda pa sa'kin." Mei sounded cheerful. Parang hindi siya masungit o mataray. Sumilip ako para tignan kung sino 'yung Mei na 'yun. May pagka-singkit 'yung mata niya, medyo matangos din 'yung ilong niya and yet she has curly hair. Teka nga, parang pamilyar talaga siya sa'kin.
"And what's her name naman?" tanong ni Mei.
"Rina, diba ang cute din ng pangalan niya?" nambola pa si hamster, kutusan ko kaya 'to?
"Wait, si Shihrina? 'Yung kaklase ko no'ng kindergarten na takot sa kulog kaya pinauwi siya ng bahay? Oh my god!" hinawakan ni Mei 'yung magkabilang balikat ni Quanzhe, "You're lucky enough to have her, mabait 'yun promise!"
Wait siya ba 'yung naghatid sa'kin papunta sa gate ng daycare? Si Mei? Ngayon ko lang din naalala! Ang tagal na din kasi no'n, eh.
Pero kumuyom ang palad ko nang marinig kong nagpipigil ng tawa si hamster. May araw ka rin sa'kin.
"Takot 'yun sa kulog?" tanong niya sabay tumawa. Eh na-offend ako do'n, ikaw kaya magka-phobia sa kulog anong mararamdaman mo? Tss.
"Hoy huwag mo ngang tawanan. Lagot ka do'n sige ka."
Tumigil si hamster sa kakatawa kaya niluwagan ko rin 'yung pagkuyom ko sa palad ko. Bwisit ka talaga kahit kailan, tss.
"'Di nga, seryoso ka sa kaniya? Weh baka naman niloloko mo siya ah. Bakit kayo na ba?"
"Hindi pa, but slowly but surely, she will fall for me, at seryoso ako sa kaniya, I like Rina. Hindi man niya napapansin pero hindi ako susuko para makuha ang matamis niyang oo bandang huli." he confessed sincerly. Napahawak ako sa lap ko at pinagpag 'yon, habit ko kapag kinakabahan. Bakit ang sincere ng pagkasabi niya no'n? Bakit pati ako nadadala? Ano ba'ng nangyayari sa'kin?
Hindi ito maaari. I don't want to fall in love with him, please don't.
Humarap ulit ako sa kanila, Mei smiled at tumingin siya bigla sa'kin. Patay, nakita niya yata ako.
"Then goodluck courting her. Hindi madali ligawan si Shihrina. Maybe she has other phobias hindi lang sa kulog, pwede rin sa pag-ibig o whatnots. By the way, punta lang ako ng classroom, bye." Habang nakasandal pa rin ako sa pader, unti-unti kong naririnig 'yung mabilis na tibok ng puso ko. Pakiramdam ko uminit na din na aabot sa 39° 'yung mukha ko. Bakit pa kasi ako nakinig sa kanila? Hays.
"Thank you, Mei."
"You're welcome, and oops, sa tingin ko nandito-dito rin si Rina sa paligid. Kabahan ka na Quanzhe." tumawa si Mei kaya 'yon 'yung pagkakataon ko para bumaba sa hagdanan.
"Bye Mei,"
Papunta na sana ako sa hagdanan para bumaba sa first floor nang pinigilan niya ako.
"Akala ko ba mag-si-cr ka?" patay, nabisto na ako. 'Yan kasi Rina, kinig pa sa may usapan ng iba.
"Ah hindi natuloy, false alarm lang." pagsisinungaling ko. Humakbang siya papalapit sa'kin at pinitik ako sa noo.
"Aray! Hoy bakit mo ginawa 'yon?"
"After all this time, you're just lying?" he looked at me in disagreement. Hindi ko alam kung iyon yung exact word pero kinagat niya 'yung pang-ibabang labi niya at wala ring sigla 'yung mukha niya.
"Sorry." I bowed. Hindi naman talaga dapat ako nagsinungaling. Dapat kasi talaga nag-cr ako ng pakunwari, eh. Nakinig pa kasi sa usapan ng iba.
"Hindi, pinapaasa mo 'ko, eh." natatawa pang sabi niya.
"Aba, hoy for your information baka ikaw po 'yung paasa diyan." inirapan ko siya. Totoo naman talaga, eh. Literal na paasa siya sa babae, kaya nga ayoko mahulog sa isang tulad niya.
"Oo na nga, eh. Pero ito lang ang tatandaan mo, of all the girls I've encountered, you were the first to reject to my offers. Ikaw din 'yung tipong hindi easy to get, uso sa'yo indenial at ayaw mo sa mga lalaki, especially sa'kin, am I right?" tumango lang ako. Tama nga naman siya.
"But you were the last to prove that I should work hard by myself in able to get you." napakunot ang noo ko. Kakaproofread ko lang kahapon sa thesis namin pero bakit parang nablangko ako no'ng nagsalita si Quanzhe ng English? Puta ano na talagang nangyayari sa'kin?
"I like you, Shihrina. Hindi man kapani-paniwala pero let me prove it slowly." ngumiti siya sa'kin. 'Yung ngiting 'yon, parang ngiti lang kapag nanalo ka sa lotto. 'Yung ngiting 'yon parang nakikita ko rin sa mga bata kapag binibilan sila ng laruan ng magulang nila. 'Yung ngiti niya 'yon na parang kamukha ng isang hamster, bakit napukaw no'n ang atensyon ko?
"If you're still blank, okay lang naman. Confession ko lang naman 'yon, so sabay na tayo maglunch? Malapit na rin mag-12:30." hinawakan niya ang wrist ko para bumaba sa first floor. Hindi na ako nakapalag dahil ang higpit ng pagkakahawak niya. Hinayaan ko na lang na gawin niya 'yon. Pero next day hindi na ako sasabay sa kaniya, kasi nakakatrauma na din kaya. Tss.
------
puta ano ba tong pinagsususulat ko ;-; talon na lang kaya akong bangin asdfghjkl
BINABASA MO ANG
paasa ╱ li quanzhe
Short Story❝hanggang ngayon ba naman aasa pa rin ako sa simpleng seen mo?❞ ▬▬▬▬▬ nex7's li quanzhe © geonpyak [04/27/18 - 05/22/18]