Shihrina Qin
perspective30 minutes na ang nakalipas simula nung chinat ko si Rai pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagrereply. Hays, nakakainis talaga! Saan ba kasi nagpunta 'yung babaeng 'yun? Hindi man lang ako hinintay sa Arts & Design class kanina, lumandi muna kay kuya samantalang nandito ako, halos liparin na ng hangin dahil sa bagyong Quanzhe--- I mean Chengcheng, nahihiya na nga 'tong palda ko sa sobrang angat, eh. Buti na lang wala masyadong katao-tao sa waiting shed kasi nagsi-uwian na 'yung ibang estudyante.
Nakatitig lang yung mata ko sa sahig, ginalaw-galaw ko rin yung binti ko sabay tingin ulit sa labas tanaw 'yung malalakas na hangin. Gano'n lang ang ginagawa ko buong oras, ang tanga ko kasi. Naiwan ko yung payong sa classroom alam na ngang may bagyo, tss.
Humanda ka lang talaga sa'kin Rai, paghihiwalayin ko kayo ng Qin Fen mo.
Nilagay ko yung kamay ko sa magkabilang tainga ko at napatili nang malakas dahil sa tunog ng kulog. Kinatatakutan ko talaga 'yun simula pa nung bata pa ako, I really dislike the sound of thunder. Siguro nga kailangan ko nang tumigil sa kakakape.
"Anong ginagawa mo diyan?"
Binuksan ko 'yung dalawa kong mata nang marinig ko ang boses na 'yun.
Si Quanzhe pala.
"Nag-aantay ng payong," sagot ko.
"Uuwi ka na? Tara sabay na tayo." pero umiling lang ako. Hindi ako sanay sumama sa kaniya, I don't know why.
"Huwag maarte, kung hindi baka hindi ka na makauwi sa bahay niyo." lumapit siya at daling hinawakan ang wrist ko para itayo ako.
And now he's holding my wrist habang naglalakad kami palabas ng waiting shed nang nakapayong. Tinanggal ko na lang 'yung pagkakahawak kasi naiilang ako. Napaangat ako ng tingin sa mukha niya. Okay, aaminin ko na talagang cute siya, pero kahit na, paasa pa rin siya sa announcement na walang pasok. 'Yung medyo singkit niyang mata, sana gano'n din ang mata ko, kaso nga lang nagmana ako na medyo may pagkabilugan 'yung mata. Umiwas lang ako ng tingin nang ngumiti siya na parang hamster.
"Bakit mo ako tinititigan? Siguro may gusto ka sa'kin 'no?" pinalo ko siya ng pabiro sa braso.
"Wala! Asa ka," sabi ko.
"Umamin ka na kasi Rina, alam ko namang cute na cute ako sa paningin mo. Okay lang naman sa'king umamin ka kasi likas na sa'kin 'yun." umirap ako nang gumawa siya ng wacky pose. Eww, hangin mo boy.
"Mas mahangin ka pa kaysa dito sa labas, alam mo ba 'yun?" humalukipkip lang ako habang hindi siya tinitignan.
"Matagal na," tugon niya.
Mayamaya, humangin ng malakas dahilan para lumipad 'yung payong namin papunta sa daan kaya nabasa kami in the end.
"Dito ka lang, kukunin ko 'yung payong," utos ni Quanzhe na ginawa ko naman. Nakita ko siyang tumatawid sa kalsada pero nanlaki ang mata ko nang may makita akong humaharurot na bus papunta sa kaniya.
"Quanzhe---"
BINABASA MO ANG
paasa ╱ li quanzhe
Historia Corta❝hanggang ngayon ba naman aasa pa rin ako sa simpleng seen mo?❞ ▬▬▬▬▬ nex7's li quanzhe © geonpyak [04/27/18 - 05/22/18]