"Anak..."Tinignan ko siya ng masama. Matapos ang lahat ng mga nagawa niya sa mommy ko, nandito siya ngayon? Ano ba talagang nakain niya at pumunta pa siya rito? Dapat nando'n siya sa kulungan, hindi nandito. Bakit ba kasi nandito 'to?!
Tinignan ko si Mommy at si Kuya. Walang reaksyon ang mga mukha nila, o parang nakokonsensya sila.
"So alam ko na ngayon kung bakit nagbukas na lang bigla 'yung gate saka 'yung pintuan. 'Di ba ni-lock ko na 'to? Bakit nagpapasok pa kayo ng hayop dito?" sarcastic kong tanong, to the point na nangingilid na 'yung luha ko. Bakit kasi affected pa rin ako do'n sa pananakit, pambubugbog at pang-aabuso niya sa mommy ko? Oo sobrang affected pa rin talaga ako, kahit na muntikan na niya akong masaktan dati.
"Magbibigay ka ng pera o bubugbugin ko rin 'yang anak mo?!"
"Maawa ka, huwag mong idamay si Rina dito, wala siyang ginagawang masama. Ako na lang ang saktan mo huwag lang ang mga anak ko..."
Drug user ang daddy ko dati. At ang rason 'yon ang dahilan kung bakit nasira ang mga pangarap ko dati, 'yung pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral biglang nasira, dahil pinadala ako ni Mama at ni Kuya sa Pilipinas para ilayo sa hayop na 'to. Pero nang malaman kong nakulong siya dahil nahuli rin siya ng mga pulis, doon na napagdesisyunan ni Mommy na pinagpatuloy ang pag-aaral ko at bumalik na sa China. Doon, naging maginhawa ang buhay namin. Naging maginhawa pa ang buhay namin nang malaman kong nag-file din ng kaso si Mommy at nag-divorce sila. Pagkatapos no'n nakahanap si Mommy ng bagong asawa, at ang asawa niyang 'yon ang nagpabangon pa lalo sa'min. Nagkaroon kami ng magandang buhay at nakapag-aral na rin ako ng maayos sa isang magandang paaralan.
Ang dahilan kung bakit ako natakot sa pagmamahal ay dahil sa pangyayaring 'yon. Na-trauma na ako sa pang-aabuso niya sa mommy ko, minsan na niya akong pinagbantaan na papatayin niya ako kapag nagsumbong ako sa pulis. Binubugbog niya rin si Kuya dahil na rin sa pagsusumbong nito at kamuntikan pang barilin. Sobrang sakit lang sa pakiramdam na imbis na siya 'yung bumubuhay at magtrabaho para sa pamilya namin, siya pa 'yung nagsisilbing sakit sa ulo.
Pero habang nakikita ko silang dalawa na nakaupo sa sofa at nakokonsensya, ni hindi ko lubos maisip na mapapatawad pa nila ang hayop na 'to makalipas ang anim na taon na 'yon.
Bakit? Bakit matapos ang lahat ng ginawa ng lalaking 'to, nagawa pa nilang patawarin siya at magpakita pa sa harapan ko?
"Rina, pakinggan mo ang tatay m—"
"Hindi ko tatay 'to! Diba nga may stepfather na tayo? Bakit hindi na lang siya 'yung pagtuunan niyo ng pansin?!" angil ko. Pinunasan ko 'yung luhang dumadaloy sa mata ko, hindi na rin ako makahinga. Sobrang nakakafrustate talaga. Parang pakiramdam ko tuloy gusto ko nang umalis at magmukmok na lang sa kwarto. Kapag nakikita ko 'yung mukha niya, parang gusto ko na lang siya sapakin, eh.
"Paano ba kasi nakatakas 'to?! Huwag mo sabihing tumakas siya kasi pinagpiyansa mo, Mom? Nagawa mo pang umuwi rito para lang ipakita mo sa'kin 'yan—"
Hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko nang umubo siya ng umubo. Tinakpan niya lang 'yung bibig niya, pero agad nanlaki ang mata ko sa sunod na nangyari.
"A-Anong nangyari..." nauutal na tanong ko. May dugo...
"Bakit may dugo? Anong nangyayari?" nakita ko na lang siya na napaupo sa sofa. Tinitignan ko pa rin 'yung dugo na pumatak sa sahig. Huwag niya sabihing—
"Anak, patawarin mo ako..." agad nagsipatakan ang luha ko nang magsalita siya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, nag-iba ang itsura niya. Sobrang payat na niya ngayon, malayo sa dating siya. May sakit pala siya? Kailan pa?
"Patawin mo ako, nagsisisi ako nang nagawa kong abusuhin ang mommy mo pati kayo. Sana mapatawad mo ako anak... Patawarin mo ako..." nanlulumo ako. Kapag naririnig ko na lang ngayon 'yung paos niyang boses, hindi ko alam kung maaawa ba ako o hahayaan ko na lang siyang mamatay. Bakit ba kasi kung kailan masaya na kami saka pa siya magpapakita? At magmamakaawang patawarin ko siya? Bakit napatawad na siya nila Mommy? Si Kuya? At kailan pa nilang naisipang bigyan siya ng dalawang pagkakataon?
Napakagat ko 'yung labi ko at biglang napatingin kay Kuya. So ito pala dapat 'yung sasabihin niya sa'kin kagabi na hindi niya nasabi? Bakit kasi hindi na lang niya sabihin agad para hindi na ako mukhang tangang umiiyak dito?!
"Sorry..." ngumiti sa'kin ng mapait si Kuya. Hindi ko siya pinansin.
"Rina, sorry kung ngayon lang namin sinabi sa'yo ang kalagayan niya. Ako na humihingi ng tawad at naistorbo namin 'yung date niyo ni Quanzhe..." lumapit sa'kin si Mommy at pinunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi ko. Tumango lang ako, hindi ko na talaga alam kung mapapatawad ko pa siya, kasi kung tutuusin dapat hindi na binibigyan ng pangalawang pagkakataon 'yung taong sumira sa buhay namin.
Hindi ako makapagsalita sa mga nangyayari ko ngayon. Ni hindi ko mailabas ang galit ko, nakakuyom 'yung palad ko ngayon habang sinusubukan siyang sapakin pero habang naghihirap siya ngayon sa sakit niya, hindi ko magawa kasi may parte pa rin talaga sa'kin 'yung naaawa.
At dahil hindi pa rin mababago ang katotohanang siya pa rin ang totoong tatay ko.
"Nagbayad nga ako para ilabas siya sa kulungan. Dahil ipapagamot ko siya, dahil siya pa rin talaga ang tatay mo. Binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon dahil nakita ko sa kaniya ang pagsisisi, nagsisisi siya sa nagawa niya sa'tin. Sobrang nagmakaawa siya na palayain ko siya, dahil meron siyang malalang sakit." paliwanag ni Mommy. Ano bang sakit niya?
"Meron siyang lung cancer, at stage 4 na 'yun."
Y-Yung nakikita ko bang dugo ngayon, 'yun ba ang epekto no'n? Bakit? Bakit nagkaroon pa siya ng gano'ng sakit?
"K-Kailan pa?" nauutal kong tanong.
"Matagal na rin. Mula no'ng nando'n siya sa kulungan." sinubukan kong lumapit sa kaniya at agad siyang niyakap nang mahigpit.
"H-Hindi ko alam kung mapapatawad pa ba kita sa ginawa mo sa'min. Hindi ko talaga alam as in, meron pa ring parte sa'kin na naaawa sa'yo. Naaawa ako sa kalagayan mo, bakit ka pa kasi nagkasakit ng ganito?" napahagulgol ako ng iyak habang nagtatanong sa kaniya na hindi ko alam kung masasagot pa ba o hindi na. Niyakap niya ako pabalik.
"Thank you, anak. Kahit yakap mo lang ang abutan ko ngayon, masaya na ako do'n. Siguro nga mamamatay na ako kinabukasan, kasi karma ko na 'to, eh. Sorry talaga anak, sana mapatawad mo pa rin ako sa kabila ng mga nagawa ko sa'yo. Sana bago ako mamatay, masabi ko sa iyo na mahal na mahal ko kayo, sobra. Mas higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko." niyakap ko pa siya lalo habang nakasandal sa balikat niya. Hindi, huwag mong sasabihin 'yan, hindi ka po mamamatay...
"Hindi ka po mamamatay, 'di mangyayari 'yon kung patuloy lang kayong magiging matatag at tungkol sa mga nagawa niyo sa'min dati, hindi ko alam kung mapapatawad pa ba talaga kita." kumalas ako ng yakap at umalis na sa harapan niya.
-----
/tumalon sa bangin/
sorry ang panget ko talaga magsulat ng drama :((((
LMAO
just what the heck
pero salamat po talaga sa pagbabasa nito <3 i really appreciate y'all ☺
BINABASA MO ANG
paasa ╱ li quanzhe
Kurzgeschichten❝hanggang ngayon ba naman aasa pa rin ako sa simpleng seen mo?❞ ▬▬▬▬▬ nex7's li quanzhe © geonpyak [04/27/18 - 05/22/18]