"I like you so much Shihrina, please let me court you."
Nagitla ako, hindi ko alam ang isasagot ako. Talaga bang nanliligaw siya sa'kin? Alam ba 'to ni Kuya? Ano kaya magiging reaction niya? Ano ba dapat isasagot ko? Napakaraming tanong ang nasa isip ko habang tinititigan ko siya, kasabay no'n ay ang pagtibok na naman ng puso ko nang mabilis. Alam kong kitang-kita rin niya ang pamumula ng mukha ko, bakit ba kasi niya ginagawa 'to? Bakit parang bilis naman yata ng panliligaw niya sa'kin? Ano kaya kapag sinagot kong hindi? Edi magagalit siya sa'kin, lalayuan niya ako saka maghahanap ng ibang babae? Ayoko mangyari 'yon. Paano kapag sinagot kong oo, edi magagalit din sa'kin si kuya?
Napapikit ako. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. Nang dumilat ako, hindi na siya tumitingin sa akin imbis nakatingin na siya sa ibabang damo. Tinanggal na rin niya 'yung pag-akbay niya sa'kin.
Bumulong siya ng mga salita na hindi ko masyadong narinig. Anong nangyari? Nag-iba na rin 'yung titig niya sa mga damo sa ibaba. Nag-iba na rin 'yung awra niya ngayon.
Quanzhe, Anong nangyari?
"Tara na baby girl. Ihahatid na lang kita sa inyo, mukhang maling timing 'yung pagpunta natin dito." cold na sabi niya. Paanong maling timing? Ipaliwanag mo naman sa'kin, oh.
"Maling timing? Bakit?" tanong ko.
"Masyado kasing malamig. Baka nilalamig ka na, kaya iuuwi na lang kita sa inyo." napakunot 'yung noo ko. Parang kailan lang sinabi mong yayakapin mo ako 'pag nilalamig ako 'di ba?
Bakit ang dami niyong tinatago sa'kin? Una si Kuya na hindi sinabi 'yung sasabihin niya kagabi. Sunod si Quanzhe na hindi ko malaman kung bakit naging cold ngayong araw, ano ba talaga ang nangyayari? Hindi ko na talaga maintindihan.
Hindi na ako nagtanong pa no'ng kinuha niya 'yung kamay ko para umalis sa Yuehua's park. Bigla tuloy nairita, 'yung date namin na akala ko manunungkit kami ng mangga sinira lang niya. Bwisit talaga, nagawa pa niyang manligaw sa'kin. Sabi pa niya seryoso siya sa'kin, 'yun pala ganito lang 'yung i-aasta niya sa'kin? Tss, paasa nga talaga siya. Akala niya ba papansinin ko pa siya, manigas siya sa lamig.
Sumakay kami ng bus hawak-hawak pa rin ang kamay ko. Nang umupo kami sa bandang unahan, doon niya hinawakan nang mahigpit ang kamay ko at sumandal sa balikat ko.
Hindi ko na lang siya pinansin. Mukha siyang tanga, kanina lang ang cold niya tapos ngayon sasandal siya sa balikat ko. May pagka-bipolar din pala 'tong lalaking 'to? Kailan pa?
"I'm sorry, I hope you forgive me."
Sambit niya habang nakasandal pa rin sa balikat ko. Napunta sa may bandang leeg ko 'yung buhok niya na sa opinion ko ay sobrang lambot, parang tuloy akong kinikiliti. Ano kayang shampoo ang ginagamit ng hamster na 'to? Tsk, bakit ko ba tinatanong? Wala naman talaga akong pakialam kung ano pa 'yung ginagamit niyang shampoo.
Nag-iwan ng malaking palaisipan 'yung sinabi niyang 'yon. Nagsosorry ba siya dahil sa inasal niya kanina? Pwes hindi ko siya mapapatawad sa inasal niya kanina, sinayang niya lang kasi 'yung oras ko. Imbis na nando'n lang ako sa bahay para gumawa ng homework at mag-cellphone, heto ako ngayon nagtitiis sa lamig kasama ng paasang hamster na 'to. Hays bakit nga ba ako sumama dito?
Tinignan ko ulit siya. Hindi na siya nagsalita ulit, huli ko na lang nakita 'yung natutulog niyang mukha. Umiwas na lang ako ng tingin. Ang cute kasi, nakakainis. Pwede ba pisilin 'yung pisngi niya habang natutulog pa? Kaso huwag na nga lang, nakalimutan ko nga palang may galit ako dito matapos ng ginawa niya kanina.
Makalipas ang ilang minuto, ginising ko siya at nagpaalam na bababa na ako. Sinabi ko na 'yung bahay ko nasa tapat na ng bus, tumango lang siya at tumayo na ako para bumaba na pero hinawakan niya muna 'yung kamay ko bago ako bumaba ng bus. Bakit ang init ng kamay niya?
"Bye bye baby girl. Sorry talaga kanina," paalam niya. Tumagal pa ng ilang segundo bago niya bitawan ang kamay ko.
Pagkababa ko ng bus, hindi na ako nagdoorbell sa tapat ng gate dahil bukas na 'yung gate. Kaka-lock ko lang nito kanina ah? Baka naman dumating na si Kuya?
Pinihit ko 'yung doorknob at pumasok na sa loob, pero pagkapasok ko sa loob, biglang bumungad sa'kin ang isang pamilyar na tao sa harapan ko. Hindi siya pamilyar, kilala ko nga talaga siya.
Bakit nandito 'tong hayop na 'to?
BINABASA MO ANG
paasa ╱ li quanzhe
Historia Corta❝hanggang ngayon ba naman aasa pa rin ako sa simpleng seen mo?❞ ▬▬▬▬▬ nex7's li quanzhe © geonpyak [04/27/18 - 05/22/18]