"Paayos na natin yung bike mo mamaya, feeling ko madidisgrasya na tayo." sumbat ni Julia sa bike ni Joshua.
"Ano bang problema? Mukha namang matibay pa eh." pagmamayabang ni Joshua sa bike nya.
Napairap ng mata si Julia sa narinig nya. "Ah, basta! Papaayos natin to mamaya. Okay? Okay. Haaay... makakaya kaya nitong maakyat yung pataas na daan?!" sabi nito
Nahinto sila sa pagbabike dahil nasira ang ilalim na bahagi nito. "Atleast, hindi bumigay nang bababa na tayo" pag jojoke ni Joshua. Dahil nakita nyang problemado si Julia sa bike.
Napatayo at nasipa na lang ni Julia ang kaibigan. "Anong sabi mo ha? Gusto mong ipagulong kita dyan! Hay nako, sinasabi ko na nga ba"
"Huy tama na" pag aawat nito kay Julia na puro sipa ang ginawa. Nang makaharap si Julia sa kanya, agad nya itong tiningnan at napansin nyang nakasimangot pa rin ito. Natutuwa sya sa ganung expression ng kaibigan. Hindi nya maintindihan kaya bago pa maging awkward para sa kanila gumanti sya ng pitik sa noo ni Julia saka sinabing "Takbo..... Malelate tayo"
Late na sila, kaya sa gilid sila ng school, naisipang pumasok. Tumungtong sa balikat ni Joshua si Julia para makapasok.
"Wag na wag mo akong sisilipan! Humanda ka sakin pag ginawa mo yun" pagbabanta ni Julia.
"Oo na! Dalian mo ng umakyat at ang bigat mo" sabi naman ni Joshua sa kanya.
Nang makatungtong sa taas ng pader. Nakita ni Julia na may lalaking nakaupo sa may damuhan at naninigarilyo.
Magkatinginan lang sila.
Nang hindi namalayan ni Julia na nawalan sya ng balance at akmang mahuhulog na sya.
At nahulog nga sya.
Sasaluhin sana sya ng lalaking naninigarilyo pero nahuli na ito.
Nang makaakyat na si Joshua, agad nyang hinawakan ang kaliwang kamay nito para tulungan na makatayo. Samantang tumulong ding magtayo ang lalaki sa kanang kamay ni Julia.
Nasa gitna si Julia ng dalawang lalaki. At hindi alam ang gagawin. "Ah... Salamat nga pala" pagpapasalamat nito sa lalaki.
"Oh, bakit hindi ka nag tthank you?" pangungulit na tanong ni Joshua.
Humarap si Julia sa kanya at sinabing "Dahil sa bike mo, kaya dyan tayo nadaan." at naglakad na sya papuntang classroom.
Sinundan sya ni Joshua. Samantalang nakatayo lang ang lalaki sa mabilis na nangyari sa kanila.
-
"Good morning class, may bago kayong classmate. Si Mr. Valdez. Magpakilala ka." sabi ng teacher nilang si Mr. Lucas
"Good morning, I'm Jameson Valdez." bati nito.
Iniscan nya ang mga studyante at nakita nyang nakatingin at nakinig sa kanya ang babae kanina.
Kakaibang emosyon naman ang naramdaman ni Joshua nang makita muli ang lalaking yun at nakangiti pa sa kaibigan nito.
"Mr. Jameson Valdez, you may sit there. And kung may questions ka, itanong mo lang kay Ms. Julia Gutierrez. Sya ang student leader sa class" pagpapakilala ng teacher.
"Thank you po" at umupo na sya sa may bakanteng upuan hindi kalayuan sa inuupuan ni Julia.
"Okay class, that's all for today. Your submissions for your assignment regarding 'hopes and plans' for your last school year is by tomorrow only, okay." pag aannounce nito.
Nagsi-react naman ang klase na 'bakit bukas na?'. At umalis na nga si Mr. Lucas sa classroom.
"Joshua,akin na ang ipit ko" utos ni Julia kay Joshua dahil sa panali ng buhok na nasa kanya.
Napansin naman ni Jameson si Julia at Joshua na nagkukulitan.
"Bakit nga ba ako ang second honor?" pagtatanong ni Joshua kay Julia. Dahil sa totoo lang, kung aayusin lang nito ang pag aaral. Malamang sya ng top sa class.
"Kasi mas matalino ako sayo. Tss. Tinatanong pa ba yan Josh. Common sense."
Kaya umalis na lang si Jameson ng tingin at nagsimulang isulat ang assignment na ipapasa bukas.
--
Ginagawa na ni Julia ang assignment sa library. Ito ang buhay nya. After school, library.
Napansin ni Julia na natutulog na si Joshua kakahintay sa kanya. Kaya sinipa nya ito at nagising din.
"Aray." sabi nito.
"Kung matutulog ka lang, umuwi ka na" pagaadvice ni Julia habang nakatuon sa pagsusulat sa notebook.
"Wag mo akong intindihin, tska di rin ako makatulog sa bahay. Mas okay dito" pag papatuloy ni Joshua.
Agad namang tumingin si Julia sa kanya, pero nakayuko na ulit to at natutulog. "Hay. Ikaw bahala" at nagpatuloy na syang nag sulat.
---
Madilim na ng matapos si Julia sa assignment. Sabay silang sumakay ng bus pauwi ng bahay.
"Alam mo dapat hindi mo na ako hinihintay matapos. Pano ka, wala ka pang assignment nyan" pagsusuway ni Julia kay Joshua.
"Sus. Mabilis lang yun." pag aassure nito sa kanya.
"Ah. Talaga lang ha. Yabang mo! Alam mo kung pinaayos mo lang ang bike mo kanina. May magagamit tayo bukas." inaantok nyang sabi kay Joshua.
Ilang minuto ang lumipas at napansin ni Joshua na kamuntikan ng mauntog si Julia sa may bintana dahil sa natutulog na ito.
Kaya pinahinga nya ang ulo ni Julia sa balikat nya. "Alam mo kung hindi kita hihintayin, malamang malalampasan ang babaan mo tska baka sa ibang balikat pa pumatong ang ulo mo. Antukin ka talaga." nakatingin lang sya sa kanya at bigla syang ngumiti.
In love na nga sya sa bestfriend nya.
---
A/N
Omg! New character sa story. Jameson. (Yay). Pinag isipan ko talaga yan. Di ko kasi type kung si Ronnie or Inigo?
Basta, pangsecond lead man ko si Jameson. OR second lead nga ba? HAHAHAHAHAHAHAHAHA!*Abangan. (real name: Jameson Blake). Honestly, mas bet ko sa 'A Love To Last' yung Chloe and Fort eh #Floe. Hihi.
But in real life, #JoshLia. POWER! WOOOOOH.
YOU ARE READING
Cwtch | JoshLia
FanfictionCwtch (n.) a Welsh word means a hug that feels like a safe haven. JoshLia Fan-fic 💚