Hindi ko namalayan naging mabilis pala ang takbo ng oras. Gabi na nang mapagod at nakatulog si Diam pagkatapos nang mahabang paglalaro.
"Can I sleep with my son, Thraia?"
Nagulat ako sa tanong niya. Bakit? Kahit matindi ang galit ko sakanya, hindi ko pagkakaitan ng ama si Diam. Imbes ma sagutin ito ay tumango lang ako. Dalawang kuwarto ang meron rito. Kaya laking pasalamat ko at nabigyan ako ng isa pang kuwarto. Gusto ko man makasama ang anak ko ay hinayaan ko munang makasama ni Creig si Diam. Ayoko naman na iisa lang kami ng kama. Hindi ko kakayanin iyon. Buti nalang talaga at hindi nagtanong si Diam tungkol sa arrangement namin na ito.
Ilang oras ata ang naubos at hindi ko parin hinayaan ang sariling makausap siya tungkol sa gusto niya mang sasabihin. Galit na galit parin ako sa nangyari at hindi ko alam kung magiging matitino akong kausap.
Hindi ko alam ilang oras ang naubos ko sa loob ng banyo. Siguro sa rami ng iniisip ay hindi ko na namalayang nagtagal pala ako sa loob. Tumayo agad ko at kinuha ang tuwalya sa gilid. Mabilis na inilibot ko iyon sa katawan ko.
Dahil sa gulat ko ay halos napaatras ako nang makita ko si Creig sa kama. Madilim ang mga mata at mukhang may malalim na iniisip. Nang makita ako ay tumuwid ito ng upo. Sa simpleng T-shirt at gray short ay tumitingkad parin ang kagandang ng katawan niya. Kumalabog ang puso ko nang makitang tumayo ito at humakbang palapit saakin.
"Crieg, anong..anong ginagawa mo rito?!"
Nangatog ang mga tuhod ko. Gusto kong magalit sa sarili bakit ganito parin ang epekto niya saakin sa ilang taong nakalipas. Sa gulat ko ay halos napatili ako. Isang marahang hila ay bumagsak ako sa katawan niya para sa isang mahigpit na yakap. Sinubukan kong pumiglas pero natatakot ako baka mahulog pa itong tuwalyang nakatakip lang saakin!
Nahiya ako para sa sarili ko bakit hinayaan kong manlabo ang mga mata ko.
"I fucking miss you.."
Nanunuyo ang lalamunan ay pilit na tinulak ko ito kahit wala naman akong lakas para gawin 'yon.
"Bitawan mo'ko.." halos bulong na iyon ay hindi ako sigurado kung naririnig niya ba ang gusto kong sabihin.
Isang tulak muli ay umatras siya ng kaonting distansya saakin. Bumagsak ang mga mata niya sa palad kong nakadikit parin sa kanyang dibdib. Sumulyap ako rito at nakita ang sakit at pagsisi sakanyang mga mata.
Hindi ko na maintindihan itong naramdaman ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos.
Nanginginig ang balikat ko sa umaapaw na emosyon. Umawang ang kanyang bibig at nakitaan ang takot roon. Sa huli ay bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan."Please, baby, don't cry." Sa mababang boses na sabi niya. Tinulongan niya pa akong paalisin ang mga luha sa magkabilang pisngi ko.
"Ako na!" Medjo tumaas pa ang boses ko.
Kumawala ito nang malalim na hininga at tila may gusto pang sabihin pero pinili na manahimik sa harapan ko. Hinayaan ko rin ang sariling pagmasdan niya ako. Bakit niya ba sinasabi ang lahat ng ito? Damn it! Binabaliw niya ako kakaisip!
Agad sumagip sa isipan ko si Jero.
"Gusto kong makausap si Jero.." agap ko.
Hindi ito kumibo sa sinabi ko kaya umangat na ang mga mata ko para matingnan ito. Nagulat ako sa riin ng titig niya saakin. Umiwas ito ng tingin at kapansin-pansin ang galit at suplado niyang itsura.
"Do you like him? Are you really inlove with him, Thraia?" Tanong niya sa mariin at galit na boses.
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam anong isasagot ko sakanya. Gusto kong magalit bakit hinayaan ko ang sariling maging ganito sa harapan niya. Madilim niya akong tinitigan at paulit-ulit na umigting ang panga. Ngayon lang ata ako nakaramdam ng takot sa ginawa niyang ito. At ano naman iyon sakanya kung gusto ko nga si Jero? Wala na siyang pakialam roon!
"Hindi mo siya dapat mahalin."
Nagulat ako sa sinabi niya. Parang pinipiga ang puso ko nang sinabi niya iyon. Hindi ko alam kung naririnig niya ba ang kalabog ng puso ko. At mukhang mahihimatay ako kung ipagpatuloy niya ito.
Halos mabaliktad ang simkmura ko nang marahan niyang hinawakan ang pisngi ko. Nanginginig ang labi ko. Hindi ko kayang makapagsalita dahil pakiramdam kong maiiyak lang ako sa harapan niya.
"I really missed you..Fucking everyday, Thraia..."
Kahit anong pigil ko ay pumatak na iyon. Mabilis na pinaalis niya naman ang mga luha ko. Sa rahan nang pagkahaplos niya sa pisngi ko ay halos maipikit ko na ang mga mata ko.
Mas mabuting hayaan ko ang sariling marinig at pakinggan siya kung ano man itong nasa isipan niya.
"My life just seems so fucking.. Tangina! Oo, araw-araw kong pinagsisihan lahat kung bakit kita iniwan. Naduwag lang ako, Threya..I was scared. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sainyo."
Umiwas ako ng tingin at ramdam ang panunuyo ng lalamunan. Hindi maintindihan kung ano ang kanyang gustong iparating.
"Life without you is like death to me. Sobrang mahal na mahal kita. Believe me, baby..Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito."
"Sinungaling ka!" Pumiyok pa ang boses ko.
"Baby, believe me..please.."
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang lahat ng ito. Gustong-gusto kong magsalita at magtanong pa nang napakarami kung bakit niya nagawang iwan kami kung mahal niya nga kami ng anak niya. Ang daming tanong sa isipan ko. Tangina!
Ang sinungaling ko kung hindi ko aaminin na hindi parin nawala ang pagmamahal ko sakanya. Sa kabila ng lahat, nanatili ang pagmamahal ko sa lalaking ito. Gusto ko nalang murahin ang sarili bakit ganito parin ako kabaliw sakanya.
Tumigil siya at inanggulo ang mukha para sa isang halik. Sa nagdaang taong, ngayon ko lang naramdaman ang mga labi niya. Ni hindi nagbago at ganoon parin ang reaksyon at epekto niya saakin. Halos naliliyo ako sa halik na iginawad niya saakin.
"Iniwan mo kami.."
"I'm sorry.."
Inangat ko ang mga mata ko at wala akong ibang nakita sakanya kung hindi sakit at ang takot.
"Iniwan mo kami!" Ulit ko.
Pumikit ito ng mariin. Sinubukan niyang hawakan ang mga kamay ko pero iniwas ko agad iyon.
"Pero bumalik ako, bumalik ako para sainyo. Alam kong nagkamali ako. Naging duwag ako para iwan kayo."
"Buti at inaamin mo nga, Creig!"
Imbes na sagutin ako ay isang marahang dampi ulit na halik ang naramdaman ko.
Dumilat ito at namumungay ang mga matang tinitigan ako. Segundong halik at kinapos na ako ng hininga. Wala na ba akong panindigan sa lalaking ito? Damn it!
Muling yumuko ito at ngayon naging agresibo na ang mga halik niya saakin. Sabik na sabik at puno ng pangulila. Nawala na sa sarili ay hinayaan kong malasahan ang labi niya saakin.
"I fucking missed this.." sabi nito sa gitna ng halik niya saakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/147330044-288-k350940.jpg)
BINABASA MO ANG
Carrying the Gangster's baby (Short Story)
Short StoryA tragic and thrill short love story of Threya franca & Creig Damon