"Hindi kita kayang panagutan.."
Gulat na gulat at laglag ang panga ko dahil sa narinig.
"Ano?" Ulit ko at ayaw paniwalaan iyong narinig kong mga salita mula sakanya.
"I'm breaking up with you, Thraia."
Hindi ko alam anong magiging reaksyon ko. Ang alam kong lang gusto kong sumabog sa sobrang galit. Gusto ko siyang itulak rito sa harapan ko.
"Ang..kapal ng mukha mo para sabihin 'yan!" Namumula ang mga mata ko sa iritasyon at hindi makapaniwalang ito ang maririnig ko pagkatapos niyang makipagkita saakin.
"I'm sorry..hindi ko ka-"
Isang malakas na sampal ang iginawad ko sakanya pagkatapos. Paulit-ulit na kumuyom ang kanyang panga. Ni hindi ko mabasa kung ano ang nasa isipan niya. Ang sigurado lang ako ay pagiging guilty niya ngayon.
"Kung alam ko lang na ganito ka kaduwag, 'di sana hindi ko nalang sinabi ang tungkol sa bata. Napakaduwag mo!" Pumiyok na ang boses ko at bumuhos na ang mga luha. Sinubukan niyang hawakan ang siko ko, pero bayolenteng tinulak ko agad ito.
"I'm sorry, Thraia.."
"Sorry? Why feel so sorry, Creig, kung iiwan mo rin pala ako?" Sarkasmo kong tanong.
Kagat ang labi at mabilis na pinigilan ko ang sariling humikbi. Umigting ang kanyang panga ay yumuko ito.
Hindi ko alam bakit nagbago ang isip niya at bakit nasabi niya ang lahat ng ito. Noong araw lang ay planado na ang lahat, Tapos.. ito lang ang maririnig ko?
"Kung iyan ang gusto mo, then let's break up! Huwag na huwag mong aasahan makikita mo kami at ang anak mo!" Isang tulak ulit ang ginawa ko kaya ito natumba. Nagulat ako at natinag siya roon sa ginawa ko. Pumikit ako ng mariin at dismayadong-dismayado para sa sarili. See, ako pa iyong nakaramdam ng guilty at konsensya bakit ko siya nagawang matulak nang ganoon!
Bullshit!
Ngayon lang nakaramdam ng awa para sa sarili. Sa nakalipas ng araw, ngayon lang ata naproseso na
mag-isa ko lang bubuhayin ang anak ko. Bumukas ang pinto at dumungaw roon si Mommy. Mabilis na pinaalis ko naman ang mga sa pisngi ko. Umuga ang kama nang tumabi ito sa tabi ko. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya bago nagsalita sa harapan ko."Hindi ako makapaniwalang kayang gawin ni Creig saiyo ito, anak.."
"Ang kapal ng mukha niya, Mommy..paano na kami? Paano na ang anak ko?" Wala ng tago ay bumuhos na muli ang panibago kong luha.
Malungkot niya lang akong tiningnan at hinaplos ang mahaba kong buhok. Tinulungan niya rin akong paalisin ang mga luha ko. Kailan ba titigil itong pag-iyak ko? Araw-araw na ba talaga akong masasaktan? Habang siya nagpakasaya roon!
"You'll be fine. Andito kami ng Daddy mo para bantayan ka. Kakayanin mo ito."
Hindi na napigilan ang sarili ay mahigpit na niyakap ko si Mommy. Minsang hinihiling kong kayang pawiin ang sakit at kalungkutan sa bawat yakap na natatanggap ko mula sa ibang tao.
Sa loob ng ilang buwan ay naging matapang at matatag ako para sa anak ko. Sa tulong ng mga magulang ko ay nakayanan ko ang lahat ng hirap. Oo, hindi ganoon ka dali ang padadalang tao ko kaya minsan iniisip ko ang pabalik niya. Kung sana andito siya para tulungan ako. Tinanong minsan ang sarili kong tatanggapin ko ba siya ulit? Ewan..hindi ko alam.
Kung mahal niya nga kami, babalikan niya kami rito. Pero wala, eh. Ni kahit anino niya ay hindi ko makita. Kahit ang pangangamusta sa kalagayan ko ay hindi man lang nagawa. May iba na ba siyang mahal? Kung meron nga, ganoon niya ba iyon kamahal para iwan kami nang walang pagdadalawang isip? Kung sino man 'yon, ang suwerte niya. Nanunuyo ang lalamunan ko habang iniisip iyon.
Siguro nga hindi pa ako naging sapat para sakanya. Kalahati ng buhay ko ay winasak ni Creig. Nang dahil sakanya, lagi ko ng kinukwestyon ang buhay at pagkatao ko.
"May mali ba saakin, Mommy?"
"Of course, wala, Thraia. Huwag na huwag mo iyon isipin."
"Ang hirap lang kasi, Mommy..hindi ko akalain magagawa ni Creig na iwan kami ng anak niya.."
"Mas mabuting huwag mo na isipin ang lalaking iyon, Thraia. Importante ngayon itong anak mo." Yumuko ito para mahalikan ang anak ko.
Bakit pa nga ba ako aasa sa pagbalik niya? Ni wala na siyang pakialam saakin. Kaya paanong sinayang ko ang sariling isipin ang lalaking 'yon?
Tama si Mommy, iisipin ko muna ang ang sarili at ang anak ko. Mabubuhay ako nang wala siya, nang walang tulong ang nakukuha ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Carrying the Gangster's baby (Short Story)
Historia CortaA tragic and thrill short love story of Threya franca & Creig Damon