Unang Paksa
Ang daming nangyari. Ang daming mga bagay na hindi ko inasahan mangyayari saakin ito.
Kung ito lang ang paraan para mailayo ang mahal ko sa kapahamakan, gagawin ko. Oo, masakit..masakit itong gagawin ko, pero ano pa ba ang ibang paraan? Wala na ata akong mahanap na ibang pagpipilian, kung hindi iyon nalang. Ang iwan at ilayo sila saakin.
Pakiramdam ko, mawawasak ako sa gagawin kong ito. Sobrang hirap..ang hirap para saakin na malayo ang sarili ko sakanila. Gusto ko lang naman ay makasama sila, pero ngayon pa talaga ito nangyari saakin.
"Mas mabuting, lumayo ka muna, Creig. Alam kong mahirap gawin ito..pero sigurado akong tatargetin nila si Thraia."
Pumikit ako ng mariin at ramdam ang paulit-ulit na pagkuyom ng panga. Bullshit!
"She's pregnant with my child at hindi ko kayang hayaan at iwan lang siya nang ganun-ganun lang!" Iritado na ngayon.
"Kung mananatili ka sa tabi niya, mas mapapahamak siya lalo."
Alam kong tama siya, pero hindi kaya ng konsensya ko ang iwan lang ng ganun-ganun ang mag-ina ko. Buhay ko sila. At hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay kong mawawala na sila ng tuluyan saakin. Pero ito ang tamang gawin.
Araw-araw hinihiling ko na sana andoon ako sa tabi ng anak ko, sa babaeng pinakamamahal ko. Pero ito na ang pinili ko. Ito na ang pinili ko para ilayo sila sa kapahamakan. Alam kong hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may mangyaring masama sakanila. Ni hindi ako sigurado kong may babalikan pa ako pagkatapos ng lahat.
Ang alam ko lang..ito ang tamang gawin para ma protektahan ko sila. Sana maintindihan ito ni Thraia sa tamang panahon.
-Creig
BINABASA MO ANG
Carrying the Gangster's baby (Short Story)
ContoA tragic and thrill short love story of Threya franca & Creig Damon