Naging maayos ang takbo ng buhay ko, namin ni creig at diam. Pinapahanap nadin namin si jero, pero hindi parin ito mahanap-hanaphanggang ngayon.
Kahapon lang din nalaman ni diam na ama niya si crieg. Sobrang saya niya nang malaman niya iyon. Ni hindi na nga kami tinantanan nang maraming tanong.
"Mister is my daddy, mommy? How, mommy? How did you make me, mommy? I don't even see him, before." Bakas sa mukha nito ang pagkalito.
"Mahabang storya, anak. Pero paglaki mo maintindihan mo rin ito lahat, okay?" I brushed his hair and scent it. Tumango naman ito sa sinabi ko
"Bango naman ng baby namin."
"But, mommy, can you make another baby, again? I want a littew bothew."
Nandilat ang mga mata ko sa sinabi ni Diam, kahit si creig ay napatawa sa tanong ng anak niya. Kung ano-ano lang talaga ang lumalabas sa bibig ng batang ito.
"Baby, hindi naman ganun kadali gumawa." Sabi ko.
"Madali lang yun. Mamaya gawin natin?" Taas-baba ang mga kilay na tinignan ako ni creig. Hindi ka parin talaga ng bago sa kapilyuhan mo. Umirap Ko.
Mabilis na hinampas ko naman ito sa braso. Alam ko na talaga kung saan nagmana si diam.
"Creig!"
"What? Our son requested it. Pagbigyan nalang natin." Natatawang sabi nito.
"Creig!" Hindi ko na napigilan ay napatawa na'ko. Bwisit parin talaga ang lalaking 'to.
"Mommy, pwease? I can help you to make anothew one." Diam interrupted.
Hindi ko na talaga naiwasan ay tumawa na ako nang malakas. My poor innocent baby. Hindi ko kayang isipin na andun nga si diam habang gumagawa kami!
Naging masaya ang kwentuhan namin sa hapag. Ni hindi nga namin namalayan ay umabot kami ng dalawang oras doon.
Sana ganito nalang kami lagi. Walang gulo at kasiyahan lang ang natatanggap ko sa buhay.
I received 3 missed calls from my mom, at alam kong hinahanap niya na kami. I have no choice, but to tell her na andito kami ngayon sa bahay ni creig.
"Ano?!" She almost raised her voice.
"Yes, mommy. Pag kauwi namin, ipapaliwanag ko lahat."
"Basta magingat kayo diyan, ikamusta mo'ko sa apo ko."
Tumango ako kahit hindi niya naman kita. Pagkatapos ng usapan ay binaba ko narin ang tawag para mapuntahan ang mag-ama ko sa labas.
Hindi ko akalain magiging masaya ako ngayong araw na ito, kasama ang mag-ama ko. Hindi ko kailanman naranasan na makita na ganito kasaya ang anak ko na si diam.
Hinding-hindi ko pagsisihan na binigyan ko ng pagkakataon si creig na maging parte ulit siya ng buhay ko, sa buhay ng anak niya. Wala rin naman dahilan para ipagtaboy siya, kasi wala siyang ginawa. Kung iniwan niya man ako, ay may dahilan iyon, may rason ang lahat na iyon. And I was stupid for not letting him to speak up and hear his side. Ang tanga ko para pangunahan lang ang galit ko para sakanya noon. Ngayon, hinding-hindi ko na ito hayaang masira pa.
Alas onse na nang maghanda kami para sa kakainin namin ngayon, syempre nasa likod ko si creig habang yakap-yakap ako nang mahigpit. Si diam naman ay nasa salas naglalaro.
"I miss you so much, threya. I really do miss you." Napipiyok na pagkasabi nito. He even sniffed his nose in my neck. Pinigilan ko naman hindi makiliti sa ginawa niya.
Ngumiti ako at ramdam ang lakas na pagkabog ng puso ko. Hindi ako naging masaya nang ganito sa ibang lalaki. Si creig lang talaga ang nakagawa at nagpabaliw saakin nang ganito.
BINABASA MO ANG
Carrying the Gangster's baby (Short Story)
Historia CortaA tragic and thrill short love story of Threya franca & Creig Damon