CTGB8

2K 55 0
                                    

Isang oras na ang nakalipas at tahimik lang kami nakaupo sa sala habang kandong ko naman si diam saakin.

Sa harap ko naman ay si crieg na pabalik-balik hinilamos ang palad sa mukha niya.

I should ask him right now, pero hindi ko magawa. Walang lumabas sa bibig ko kung hindi parang hangin lang. Gusto ko munang matulog at isipin na parang walang nangyaring eskandalo kanina.

"Threya, you should take your rest. Alam kong pagod ka sa nangyari ngayon, pati si diam. Bukas nalang natin pag-usapan ang lahat."

Agad napaangat ang ulo ko sakanya at umiwas din kalaunan. Hindi ko siya pinansin at walang kahit isang emosyon ang pinakita ko sakanya. Napansin niya naman iyon at siya na mismo ang lumapit saakin para kunin si diam.

Aangal na sana ako pero wala na akong lakas na loob para makigpagtalo pa sakanya. Sobrang pagod na ako. Pagod na pagod.

I'm physically and emotionally tired.

Gusto ko nalang ngayon ay matulog at kalimutan saglit ang nangyari.

---

Kaumagahan nagising nalang ako sa pagta-talon ni diam sa kama kung saan ako natutulog.

"Mommy, Mommy! Wake uppp! Mister Cooked us swome breakfast!"
Pilit na bumangon ako at ngumiti sa anak ko.

Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kwarto niya. Pero may idea na akong kung sino iyon. Wala namang ibang magbuhat saakin dito kung hindi si creig lang.

Nilibot ko ang mata ko at nakitang nasa kwarto niya ako. It was a manly scent at sobrang lalaking-lalaki ang kulay nito.

Habang nakangiti ako kay diam ay unti-unting naglaho ang mga ngiti ko sa labi nang maalala ang nangyari kahapon. It was unforgetabble memories. Kahit pilit ko man limutin ang lahat ay hindi maiwasang sumagip parin iyon sa isip ko.

Nawala ang mga iniisip ko nang maramdaman ko ang paghawak ng anak ko saakin.

"Mommy, faster!"
Sabay hila ng anak ko sakin.

"Baby, you go first okay? I'll just wash my face. Is that okay with you?" Tumango siya saakin at agad hinalikan ako sa labi.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad umalis na ito

Parang isang panaginip at pilit kong nilimot ang kahapon.

Kahit pilitin ko man ang sarili kong limutin ang lahat na iyon, ay hindi ko magagawa. It's indeed indelible.

Bumangon na ako at napansin agad ang damit na nakapatong sa maliit na mesa. May tag pa iyon at bago-bago pa. Siguro binili niya pa ito para saakin. Gusto kong ngumiti sa ginawa niya pero may parte saakin na huwag ipakita ang ngiti na iyon gaya ng dati.

Pagkatapos ng morning routines ko ay bumaba na ako. Hindi pa ako nakababa ay naabutan ko si crieg at diam na nanonood ng cartoons.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang saya ko na makita ang mag ama ko na ganito. Ang tagal ko ng pinangarap na maging masayang pamilya kami creig, pero siya mismo ang sumira ng mga imahinasyon ko. Pinaasa niya ako sa mga pangako niya.

Kahit noong bata pa si diam ay nakita ko na ang hawig niya sa mukha at kulay ng buhok niya kay creig. Hindi mapagkailang mag-ama talaga ang dalawa.

Hindi ko pa nakausap si crieg kahapon nang dahil sa nangyari. Ang dami kong gustong itanong sakanya pero ayoko munang pagtuonan ng pansin iyon, kahit ngayon lang.

Nang napansin nila ang paparating ko ay agad na tumingin sila sa direksyon ko.

"You're hewe, mommy!"
Sabay tayo ni diam at salubong ng yakap saakin.

"Baby.." rinig kong bulong ni creig sa sarili.

Hindi ko siya pinansin at binuhat nalang ang anak ko saakin.

"Baby, have you eaten?"
Tanong ko sakanya habang sinusuklay ang buhok nito.

"Hindi pa. Mister said that we wiw wait for you, hindi ba, mister?"

Nakangiting tumango ito at pagkatapos malarong ginulo ang buhok ng anak niya.

Tahimik kaming kumain, ni kahit isa ay walang umimik saamin dalawa. Si diam lang ang walang kaalam-alam sa lahat at puro tanong lang ang iginawad saamin.

"Mommy, can u buy me a toy? A new toy, mommy?

Napalingon ako kay diam at balak na sanang sagutan siya ng inunahan na ako ni creig.

"Daddy, will buy you a lot of toys. Do you want that, Don't you?

Agad napahinto ako sa pagsubo nang marinig ko ang sinabi ni creig kay diam.

Napatingin siya saakin at narealize niya agad ang sinabi niya.

"I- I-m-mean..mister will buy you a toys." Natarantang pagbawi niya sa sinabi

"Yeeeey! Did you hear that mommy? Mister, will buy me a toys! Thank you mister. Sana ikaw nalang ang daddy ko."

Napasinghap ako sa sinabi ni diam.  Gusto kong sabihin sa kanya na ama niya si creig pero may parte saakin na huwag muna sabihin iyon. Huwag ngayon, hindi pa pwede.

Nakita ko ang ngiti ni creig pero hindi ko maiwasan tignan ang lungkot sa mga mata niya. Alam kong sabik na sabik siyang sabihin kay diam ang tungkol dito.

Pero hindi ko alam kung bakit, bakit ngayon pa? Bakit kailangan niyang bumalik saamin?

Nawala ang mga iniisip ko nang marinig kong magsalita si diam.

"Mommy, Where's dada?"
Nagulat ako sa tanong ni diam kaya napatingin ako kay crieg.

Nakita ko ang pag igting ng panga niya at pilit pakalmahin ang sarili.

Nataranta naman ako at agad kinausap si diam.

"Diam, hindi ba sabi ni mommy don't speak while your mouth is full?"

Agad tumango siya saakin at pilit binigyan siya ng ngiti. Nakahinga naman ako nang maluwag doon. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin kung ano man ang kaugnayan nila ni jero. Gustong gusto ko siyang tanungin doon

Carrying the Gangster's baby (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon