Chapter 25: Removing the Curse

5 3 3
                                    

"Nakalagay sa libro na kailangan ko ng isang hibla ng buhok mula sa impostor na yun. At kailangan kong makakuha ng konting kapangyarihan mula sa kanya at ilagay sa boteng ito. Daniel, hindi ka niya paghihinalaan dahil hindi ka niya nakita kanina. Kaya ikaw nalang ang kumuha ng buhok niya. Ang kailangan kong malaman ay kung paano ko makukuha ang konting kapangyarihan niya. Hmm," nag-iisip kaming tatlo ng paraan.

"Kunwari ako ang impostor at gagamitin ko laban sa iyo ang aking kapangyarihan. Pano mo ito makukuha?" he asked.

"Hindi ko alam. Pero subukan natin," I said.

Gumamit siya ng kapangyarihan laban sa akin. Nang pinakawalan niya ito, nagulat ako kaya inilagan ko ito.

"Hindi mo dapat iniwasan," Arielle said.

"Ano bang dapat gawin?" I asked.

"Hmm. Subukan mo sakin, Daniel," utos niya.

Nang ginawa ito ni Daniel sa kanya, nilabanan niya ang kapangyarihan at ikinulong ang kapangyarihan ni Daniel.

"Wow. So that's how to do it," masaya ako dahil sa natutunan ko.

"Subukan natin ulit," Daniel said.

Hinanda ko na ang sarili ko sa gagawin ko.

"Handa ka na?" Daniel asked before using his magic.

"Hope so."

Ginamit na niya ang kanyang kapangyarihan laban sa akin. Tinapatan ko ito ng aking kapangyarihan. Ginamit ko ang kaliwang kamay ko para higupin ang kapangyarihan niya at kunin ito.

"Nagawa mo!" Arielle explained.

"Oo nga. Sa wakas!" nagtawanan kami bago ulit magplano.

"So kailan mo tatanggalin ang sumpa?" tanong ni Arielle.

"Bukas. Sa gitna ng university. Kapag nakuha ko na ang buhok at ang kapangyarihan, gagawin ko na ang spell," paliwanag ko.

"It's settled then. Kami ang poprotekta sayo kung sakaling may aabala sa spell," Daniel said.

"Thanks for the help," I said.
-------------------------------------------------------------
Daniel's POV
Kinabukasan...
Kailangan kong umisip ng paraan kung paano ko siya malalapitan at makukuha ang hibla ng buhok.

"Daniel, mukhang mahihirapan tayong makakuha ng hibla ng buhok mula sa impostor. Hindi niya pinapahawak ang buhok niya sa kahit sinong lalaking lumalandi sa kanya. Paano na yun?" pag-aalala ni Arielle.

Nag-isip ako ng paraan, pero ang naisip ko ay ang nakakahiyang paraan para makalapit ako sa kanya.

"Another flirty boy. Wag na wag mo akong hahawakan kung ayaw mong mamatay," pagbabanta niya.

"No. Wala akong balak na landiin ka. Sa totoo lang, bakla ako. At gusto ko lang makipagkaibigan sayo," sobrang nahihiya ako sa sinabi ko sa harap niya at ng mga kaibigan ni Alicia, pero para kay Alicia gagawin ko ang lahat.

Nagtawanan sina Drexyll at Florence dahil sa sinabi ko.

"Ok. Pwede kang sumama sa amin kung hindi ka naman pala nagkakagusto sa babae," she said.

Halos buong araw akong naiilang dahil sa pagsisinungaling na sinabi ko.

Magkakatabi kaming nakaupo nalapit sa fountain.

"Suklayan kita gurl. Parang ang ganda kasi ng buhok mo eh," ginawa kong medyo pambabae ang tono ng pananalita ko pero sa tingin ko ay hindi ko ito nagawa.

"Go ahead. Siguraduhin mong wala kang madadamage," she demanded.

Madulas ang buhok niya at hindi mahirap suklayin kaya mahihirapan akong makakuha ng buhok.

"May alam akong hairstyle. Gusto mo gawin ko sayo?" pagdadahilan ko.

"Tss. Whatever!" she responded.

Inikot-ikot ko ang iba nyang buhok para kapag sinuklay ko mamaya ay maging matigas at may mabubunot na buhok.

"Tadaa!" tinignan niya sa salamin ang ginawa ko. Hindi niya ito nagustuhan.

"Tanggalin mo na nga yan! Ang pangit eh!" utos niya.

"Oh ok," ito na ang pagkakataon para kumuha ako ng buhok. Sinuklay ko ang mga inikot kong buhok pababa para mastraight ulit ito at may mabunot na buhok dahil sa pagkakaikot nito. Pero nung sinuklay ko ito, madulas pa din ito at hindi man lang ako nagirapang suklayin ito.

"Patay!" I whispered.

"May sinasabi ka?" tanong niya na parang nakahalata.

"Uhm wala wala. Ang dulas kasi talaga ng buhok mo. Kakaiba," pagdadahilan ko.

The bell rang. Naglakad na kami pabalik sa classroom, nag-iisip pa din ako ng paraan para makakuha ako ng hibla ng buhok. Kung nandito lang kasi ang headmistress, hindi niya magagawang maging impostor ni Alicia

Habang nagdidiscuss ang master, nakita ko na si Alicia ay nasa loob na ng university.
-------------------------------------------------------------
Alicia's POV:
Ginamit ko ang aking kapangyarihan para hindi ako makita ng mga nagbabantay sa labas ng university. Pumunta ako sa labas ng classroom namin. Sinenyasan ko si Daniel na ibigay na sa akin ang hibla ng buhok na kinakailangan ko.

Nag-usap kami through our minds.

"Ngayon na. Ibigay mo na sa akin. Gagawin ko na yung spell." Alicia

"Give me a minute." Daniel

Kumuha siya ng gunting at unti-unting lumalapit sa impostor.

"Alicia, I can't understand what our master was teaching. Could you please help me?" pagpapalusot ni Daniel habang iniaabot kay Arielle patalikod ang gunting.

Nauto niya ang impostor. Patago nang gugupitin ni Arielle ang buhok. Pero nilingon siya ng impostor. Her eyes glowed dark violet.

"Faint."

Nawalan ng malay si Arielle dahil sa mahika ng impostor. Nagpanic ang lahat kaya lumabas sila ng classroom. Si Daniel lang ang hindi lumabas.

"Dapat nang matapos ito," sigaw niya.

Kinuha niya ang gunting sa kamay ni Arielle. Gugupitin na dapat niya ang buhok pero pinipigilan nito ang kamay niya.

"Look in my eyes," naging dark violet ulit ang mata niya at nakontrol niya si Daniel.

"Kill yourself," itinatapat na ni Daniel ang gunting na hawak niya sa dibdib niya para isaksak ito sa kanya.

"You can't," binigyan ko si Daniel ng shield gamit ang kapangyarihan ko. Nakawala siya sa mga mata ng impostor.

Ngumisi si Daniel, tandang nakawala na siya sa mahika ng impostor.

"Thanks Alicia. I mean, the real one," alam niyang ako ang tumulong sa kanya.

Ginupit niya agad ang buhok ng impostor at tumakbo papunta sa akin. Inabot niya sa akin ang buhok.

"Aahhh!" sumigaw ang impostor. Nabasag ang mga bintana ng classroom dahil sa kapangyarihan niya. Pero nawala na siya sa classroom.

Napunta siya sa gitna ng school. Sa fountain. Napapligiran kami ng lahat ng estudyante ng Iconia. Galit na galit siya sa akin.

"Give your best shot," pang-aasar ko.

Hindi na siya nag alinlangang tamaan ako gamit ang kapangyarihan niya. Pero hindi niya ako tinamaan. Kinuha ko ang mga kapangyarihang ginamit niya. Isinama ko ito sa buhok niya. Dark violet na powder ang kinalabasan nito. Kailangan ko nang gawin ang spell. Pinataas ko ang powder hanggang sa masasakop na nito ang buong campus.

Cursada remava.

Kumalat ang powder sa aming lahat. Parang nahimasmasan ang mga estudyante at naliwanagan sila.

I turned to face my impostor, pero tumakas na pala siya pagtapos kong gawin ang spell.

The Girl with a Red CapeWhere stories live. Discover now