Chapter 29: The Truth

8 2 0
                                    

"Sino po si Aurora?" tanong ko.

"Hindi namin alam, anak," sagot ni papa.

"Wag na po kayong magsinungaling. Sinabi niya sa akin na kapatid ko siya. Kamukhang kamukha ko siya!" kwento ko.

Lumuha ang mga mata ni mom bago magsalita.

"Oo anak. Kapatid mo siya," umiyak si mom sa balikat ni dad.

"Paano po nangyari yun? Paano kami nagkahiwalay?"

"Magkakambal kayo ni Aurora dahil 10 minutes lang ang pagitan ng pagluwal sa inyo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Magkakambal kayo ni Aurora dahil 10 minutes lang ang pagitan ng pagluwal sa inyo. Si Aurora ang mas nauna kaya mas matanda siya sayo. Pinangalanan namin kayo na Aurora at Alicia. Napakasaya namin nun dahil dumating kayo sa buhay namin. Pero may masamang nangyari. Kinuha ni Cronus ang isa sa inyo. At si Aurora yun. Hindi ko na siya napigilan noon dahil tinakasan niya ako. Hindi siya napigilan ng mom mo dahil ginamitan siya ng mahika para mawalan ng malay. Sobrang lungkot namin nun dahil sa pagkawala ng isa sa mga anak namin. Nagpatulong ako sa ibang mga assassins para hanapin siya pero hindi na siya mahanap. Magaling magtago ang mga witches dahil sa taglay nilang kapangyarihan. Kaya tinanggap na lang namin na wala na siya," naluha si dad dahil sa mga sinabi niya. Natulala ako at napaiyak din.

"Paano natin siya maililigtas sa sumpa ni Cronus? Paano siya makakaalis sa pagiging acolyte ng demonyong yun?!"

"Kailangang mapatay si Cronus. Pero wala pang kayang gumawa nun. Maghintay ka, anak. Darating din ang panahong iyon," mom said.

Kinabukasan, wala akong ganang pumasok sa school, pero di ako pinayagang umabsent nina mom. Sinundo ulit ako ni Daniel sa bahay at sabay ulit papuntang school.

"Napakagaling mo kahapon, Alicia. Lodi na kita!" binunggo niya ako ng konti para mabaling sa kanya ang atensyon ko.

"Salamat," tumungo ako habang naglalakad.

"Oh bakit ka malungkot? Cheer up!" hindi ko siya pinansin.

"Wag kang mag-alala. Sigurado akong mahal ka din ng kapatid mo. Nasa ilalim lang siya ng mahika ni Cronus, pero maililigtas din natin siya. Pinapangako ko. Tsaka isa pa, andito naman ako lagi para sayo kaya wag kang mag-alala," inakbayan niya ako.

Napaiyak na lang ako dahil sa mga sinabi niya.

"Oops? May nasabi ba akong mali?"

"Bakit ba kasi kailangang mangyari ito?" tinakpan ko ang mukha ko ng panyo habang umiiyak.

"Lahat naman tayo dumadaan sa mga pagsubok. Malalagpasan mo din yan. Tahan na. Mukha kang hinimod ng guardian mo buong gabi eh," nang-asar pa ang gago.

Sinamaan ko siya ng tingin bago ngumiti at itigil ang pagdadrama.

"Here comes the queen of the witches," sabi ni Drexyll habang naglalakad ako papunta sa seat ko. Ginawan pa ako ng intro.

"Shut up, witch!" I said.

"Bakit? Ayaw mo yun? Ikaw ang reyna ng mga bruha? I mean ng mga witches?" sabay tawa pa.

"Oo. Kasi apprentice lang kita," pang-aasar ko.

"That'll never happen," naghahamon siya sa tingin pero pabiro lang ito.
-------------------------------------------------------------
I became famous. Maraming pumapansin sa akin tuwing maglalakad ako sa hallway at tuwing nasa classroom ako. Yung mga dating nagdududa at pinagtatawanan ako, hindi na nila ginagawa yon. Siguro dahil alam na nila ang kaya kong gawin. Pero ayokong may natatakot sa akin. Mas gusto ko pang mahalin kesa katakutan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Girl with a Red CapeWhere stories live. Discover now