Paano kung mahulog ka sa taong hindi mo inaasahan?
Sa taong hindi pwedi?
Sa taong may mahal ng iba?
Sa taong tinuturing mong best friend?
Sasabihin mo pa ba ito sa kaniya kung ang kapalit ay ang pagkasira ng pagkakaibigan niyo?
O...
You will just love him in silence. Without anyone knows.
-----------
•Kiel•
"Spongebob squarepants! Spongebob squarepants! Spongebooooob!" Fuvk! Ang ingay!
"Hoooy! Gumisiiiiiing kanaaaaa!" Napabangon ako bigla dahil sa nakairitang boses ng best friend ko.
"Goodmorning," Sabi niya at nakangiti pa ang gaga.
"EZE! Bakit ang ingay mo ha?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tapos tumingin ulit sa akin na parang natatawa. Problema nito?
"Hoy mister, nakalimutan mo bang first day of school ngayon ha!" Sabi niya na pinipigilan yung tawa.
"Aah. Yun ba?" Sabi ko at parang nag iisip.
"Aha! Kaya maligo kana!" Sabi niya at lalabas na sana ng--
"You're cute with your spongebob boxer," Sabi niya at tumawa ng malakas. Bago pa ako makapag salita tumakbo na siya. Tiningnan ko yung suot kong boxer. What the---
"EZE!"
•EZE•
"EZE!" Sigaw ni Kiel. Hahaha hindi ko alam hanggang ngayon mahal niya parin si spongebob! Lol.
"Goodmorning Eze, ang saya mo ha?" Sabi ni Tita, mommy ni Kiel.
"Goodmorning Tita, wala lang po! Hehe" Sagot ko.
"Halika, kumain ka dito," Sabi ni tita. Haysss walang pinagbago ang ganda parin ni tita!
Umupo na ako, kakain na sana ako ng may halimaw na nag sasalita.
"Uyy! Bawal kang kumain dugyot!" Panira ni Kiel.
"Sige, hindi ako kakain. Pero ipagkakalat ko sa buong campus na---"
"EZE! Sige kumain kana," Sabi niya, ngumiti naman ako ng bongga!
"Aye aye captain!" Sagot ko at kumindat. Ang sama ng tingin sa akin ni Kiel at tawang-tawa naman si Tita.
My name is Eze, senior high school na ako. At si Kiel naman best friend ko. Parents kasi namin ay mag best friend din. Hindi ko nga alam bakit naging best friend ko ito.
Pagkatapos namin kumain pumunta na kami sa school. As usual marami na naman ang nakatingin sa amin. Tss. Ang gwapo kasi ng katabi ko.
"Hoy! Ang tahimik mo yata!" Sabi ni Kiel.
"Paki mo ha?" Sagot ko.
"Aah ganun ha," lumapit siya sa akin at
"Hahahaha-ta-hahaha-ma-hahaha-tama na hoy!" Kiniliti ba naman ako ni Kiel.
"Ayan, ngumiti kana ulit!" Sabi niya at tumawa ng malakas. Lakas ng tama nito!
Napatigil siya sa pagtawa at tumingin sa isang direksiyon, tiningnan ko naman ito.
Grupo ng babae na nagtatawanan, at ang nakakuha talaga ng attention ko ay si Samantha.Ang ganda talaga ni Samantha, parang anghel. Crush ni Kiel yan, alam ko kahit hindi niya sabihin.
"Psst uy! Ayiiieee! Crush niya!" Tukso ko kay Kiel.
"Tumahimik ka nga, baka may makarinig sayo!" Suway niya sa akin.
"Ases! Ligawan mo na kaya!" Sabi ko sakanya.
"Darating din yon!" Proud na sabi niya. Hindi ko alam pero napatigil ako.
"Oh? Ano naman ang nangyari sayo?" Tanong ni Kiel.
"Wala! Naks, inlababo na yung best friend ko!" Sabi ko.
"Ases! Ikaw pa naman yung best friend ko eh!" Sabi niya at inakbayan ako.
"Sabi mo eh' " Sagot ko.
-----------------
Heyooo! 👋 Hello sa nagbabasa nito! Maraming salamat at napadpad ka dito! Sorry sa wrong typos at sa wrong grammar! Bago lang po talaga ako dito. 😶 Again, Salamat po!
Ciao. 👋😄
BINABASA MO ANG
Bestfriend Zone
Teen FictionOur friendship is what I am holding now. Don't want to break it with this feelings I felt for him. What should I do? Do I need to pursue my feelings? Or keep it as a secret? Do he has to know?