Chapter 1

7 1 0
                                        

                                    •Eze•

Uwaaaa, Kainis! Bwesit na Poetry to! Kainis eh! Hindi ako marunong gumawa nito!

"Dugyot!" Tawag ni Kiel. Hindi ako tumingin sa kanya. Aasarin lang ako niyan. Tss.

"Dugyot? Kanina kapa diyan ha! Bilisan mo, para maka uwi na tayo!" Reklamo ni Kiel. Tiningnan ko siya ng naka basungot.

"Oh? Bakit?" Sabi niya at parang natatawa.

"Umuwi ka nalang kaya!" Sagot ko. Malapit ko ng mahalikan itong papel na ito. Wala akong maisip!

"Ang taray naman nito, meron ka noh?" Tiningnan ko siya ng masama.

"Hahaha, joke lang!" Sabi niya at tinaas pa yung dalawang kamay na parang susuko.

                       •Kiel

Ang tagal naman makapag isip ni Eze! Gusto ko ng umuwiiii! Jusme. Ngayon, naka titig ng mabuti sa akin si Eze. Ano kayang iniisip nito?

"Aha, Alam ko na!" Sabi niya at ngiting wagi.

After 123456789 years! Tapos na po siya! ^_^

"Tayo na dugyot!" Sabi ko sakanya. Paglabas namin malapit na palang dumilim.

"Aye aye captain!" Sagot niya at ngiti aso.  Tss.

Dumeretso kami sa parking lot, malamang nandun yung sakyanan ko eh'

"Sakay na dugyot!" Tiningnan niya ako ng masama at sumakay na. Hahaha pikon!

       •Eze

Tawa ng tawa si Kiel. Kainis! Hanggang ngayon dugyot parin tawag niya sa akin? Suntukan nalang oh!

"Tulog ka muna dugyot! Gigisingin nalang kita!" Sabi niya.

Hays. Sige na nga. Pagod narin ako eh'


"Eze?" Mmmh?

"Dugyot! Nandito na tayo!" Nagising ako sa sigaw ni Kiel.

"Tss. Sige bukas ulit!" Sabi ko at lumabas na  sa kotse.

Parang maingay yata ah?

Naka alis na si Kiel, kaya agad-agad akong tumakbo sa bahay.

*BOGSH!*

What the?

"LUMAYAS KA! DEMONYO KA! HINDI KA NAHIYA!" Galit na sigaw ni mama habang umiiyak.

"Oo! AALIS TALAGA AKO! WALA KANG KWENTA!" Sagot naman ni Papa habang bitbit yung maleta.

"Aah. Ganun ha!" BOGSH! Napahawak ako sa dalawa kong tenga.  Binato ba naman ng baso si papa, mabuti't nakaiwas si papa.

"TUMIGIL NA KAYO!" Sigaw ko. 

"Eze?" Tumingin sa akin si mama, tumingin din sa akin si papa at mukhang aalis nga siya.

Pa?

"Pa? *sob*" Hindi ko alam naiyak na pala ako. Tiningnan lang ako ni papa at umalis.

"Eze, nak?" Sabi ni mama at niyakap ako. Iyak lang ako ng iyak.

"Ma, anong nangyari?" Tanong ko kay mama.

"Nak, *sob* may iba na yung papa mo," Alam kong sobrang masakit ito kay mama. Niyakap ko siya ng mahigpit at nag iyakan kaming dalawa.

Pa? Paano mo ito nagawa sa amin?

Bestfriend ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon