Chapter 3

1 1 0
                                        


Dalawang linggo na ang nakalipas, maraming nagbago laging nakatulala si mama at umiiyak tuwing kalahati ng gabi.

Kailangan kong maging matatag lalo na ngayong kami nalang ni mama.

"Ayiiieee! Bagay na bagay talaga si Sam at sdfgh." Sabi nung napadaan na babae, hindi ko na narinig kong ano yung kasunod nakalayo na sila sa akin.

"Ezeeeeeee!" Sigaw ni Lysa. Bukod kay Kiel may bestfriend din akong babae.

"Lysa," Sagot ko at ngumiti. Sinuggaban niya ako ng yakap halos hindi na ako makahinga.

"Miss na miss kita!" Sabi niya. Ang OA naman nagkita pa nga kami kanina eh.

"Ano-hindi-ako-makahinga!" Sabi ko sakanya. Kumalas agad siya sa yakap.

"Sorry," Sabi niya at nag peace sign.

"Oh? Bakit?" Tanong ko.

"Anong club yung sinalihan mo?" Tanong niya. Nag isip naman ako.

"Wala." Sagot ko.

"Ganun? Noon ka pa ha, ang Kj mo masyado!" Sabi niya sa akin at taas baba yung kilay niya.

"Diba you're good in dancing?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

"Bakit mo alam?" Gulat kong tanong sakanya.

"Kasi nakita na kitang nagsayaw sa room mo, remember nong grade 9 tayo. Tapos hiyang hiya ka nun, at nagmamakaawa kang wag ipagkalat sa iba." Haba ng sagot niya ha.

"Ayaw ko. Kung may talent ako, akin lang yun." Sagot ko sakanya.

"Aah. Alam mo bang super close na sina Kiel at Sam. At sila pa yung partner sa contemporary dance. Paano kung magka developan sila?" Sabi niya sa akin at lumapit.

"Gusto mo ba yun ha?" Sabi niya at nag smirk.

"Hi- teka nga, paki ko ba kung magka developan sila ha?" Inis na tanong ko sakanya.

"Sige ka, mawawalan kana ng bestfriend. Wala na siyang time sayo at higit sa lahat wala na siyang paki sayo," Sagot niya. Napalunok ako ng ilang beses ng bigla siyang tumawa.

"Syempre joke lang, pero kahit na. What if diba?" Sabi niya at evil grin. Aissh.

"Pinagloloko mo ba ako Lysa Santiago?" Banta ko sakanya.

"Hindi naman, tumingin ka sa likod mo." Sabi niya at tumingin naman ako sa likod. What the-

"Eze," Bati ni Kiel sa akin at kasama niya si Sam.

"Kiel," Sabi ko at ngumiti narin.

"Hi Eze, Lysa." Bati ni Sam sa amin ni Lysa. Nag nod lang ako at nag hi naman si Lysa kay Sam.

Kung tingnan ko silang dalawa, bagay nga sila sa isa't isa.

Bakit ang sakit sa mata?

"Mauna na kami ni Kiel ha, may practice pa kasi kami," Sabi ni Sam. Nag nod naman kaming dalawa ni Lysa.

"Eze, sabay tayong uuwi mamaya ha," Sabi ni Kiel. Ngumiti ako at nag thumbs up.
At umalis na silang dalawa. Ang close na nila ha.

"Eze, see." Sabi niya at umirap sa akin.

"Masyado kang negga Lys." Sabi ko at tumawa.

"Sige na, una na ako ha," Paalam niya at umalis. Hays, ako nalang mag isa.

Pumunta ako sa plaza, at ng may nakita akong puno doon ako umupo. Nag labas ako ng sketch pad. At nag simula na akong mag drawing.

Simula bata pa ako, gusto ko talagang mag drawing. Kaya pag bored ako ito yung ginagawa ko nakakawala ng stress.

Napangiti ako ng naisip ko si Killua. Ayiiiee ang gwapo talaga ng boyfie ko! Nag start na akong mag drawing.



Ayan tapos na! Tadaaa! Ang gwapo ni Killua!

Hinahalikan ko yung sketch ko at nagtitili.
Hindi ko namalayan na may tao pala sa ibabaw ng puno.
Tawa siya ng tawa.  Sana mahulog ka diyan! Tumalon siya at ngiting aso.

"Hi, I'm Ivan." Sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sorry sa pagtawa ko kanina hindi ko napigilan, ang cute mo kasi eh" Sabi niya at kumindat. Aish. Baka parang kamatis natong mukha ko.

"Aah. Eze," Pakilala ko sakanya.

"Ang galing mong mag drawing ha, nakakamangha!" Sabi niya at ngiting aso.

"Ah yun ba, pampalipas oras lang yun." Sagot ko at ngumiti.

"Pwedi ba tayong maging friends, bago lang kasi ako dito eh. Wala pa akong kaibigan." Sabi niya sa akin at nagmamakaawa.

"Oo naman." Sagot ko. Tiningnan ko yung watch ko 4:30 na.

"Bukas ulit Ivan!" Sigaw ko at tumakbo na paalis dumeretso na ako sa waiting area. Nag tanong ako kay guard kong dumaan na ba dito si Kiel at sabi naman niya wala pa. Kaya naghintay nalang ako.

"Eze?" Tawag ni Lysa.

"Lysa," Sagot ko.

"Wala paba si Kiel?" Tanong niya.

"Wala pa eh" Sagot ko.

"Sumabay kana kaya sa akin," Suggest ni Lysa.

"Wag na Lys, nangako si Kiel sa akin," Sagot ko at ngumiti.

"Sure ka? Sige, baka darating nadin yun," Sabi niya. Nag nod lang ako. Nag wave na paalis si Lysa.

5:00

"Ihja, hindi ka paba uuwi? Parang umuwi naman yata lahat ang studyante dito," Sabi ni manong. Sinabihan ko lang si manong na mauna na siya.

Tinawagan ko si Kiel, pero ayaw niyang sagutin. Kiel nasan kana?

5:30

Wala parin si Kiel. Ugh! Parang didilim na yata eh. Bakit ang tagal niya? Sana sinabihan niya naman ako na hindi matutuloy hindi yung pinapaasa niya lang ako dito. Matagal tagal nadin kaming hindi sabay umuwi dahil sa bwesit na practice na yan.

Kinakagat na ako ng mga mosquito dito. Okay hindi na siya dadating. Gusto kong umiyak sobra. Nag vibrate yung phone ko nung makita ko yung pangalan ni Kiel agad ko itong binasa.

From Kiel:

Eze, pasensya na kung hindi kita nasundo kanina namasyal kasi kami ni Sam. Sorry at hindi kita na text agad. Siguro umuwi ka na naman diba.

Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Sino ba naman ako.

To Kiel:

Whatever spongebob. Mabuti at hindi na kita hinintay. ☺

Nanginginig yung kamay ko habang nag tatype. Hindi ko na sinabi sa kanya na nandito parin ako naghihintay sa kanya. Parang tanga, gaga hindi parang, ang tanga mo!  Paano ako uuwi ngayon?

"Psst! Eze?" Napatingin agad ako sa tumawag.

"Ivan?" Gulat kong sabi.

"Hindi ka paba uuwi?" Tanong niya.

"Uuwi na, teka bakit nandito ka pa?"
Tanong niya.

"Ee' ikaw bakit nandito ka pa? Halikana sumabay kana sa akin," Sabi niya at hinila ako papasok sa sasakyan niya.

"Kanina pa akong nandon." Sabi niya. Habang nag drive na.

"Really?  Anong ginagawa mo dun?" Gulat kong sabi sakanya.

"Hinintay kitang maka uwi. Mukha yatang hindi ka sinundo ng sundo mo," Sabi niya at nag smirk. Hindi ko alam kong anong ginawa ko sakanya bakit niya ako hinintay na makauwi pero still-

"Salamat Ivan." Sabi ko sakanya at ngumiti. Pagkatapos kong magpasalamat ay tinuro ko na sakanya saan yung bahay namin.

Bestfriend ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon