Chapter 2

5 1 0
                                        


                                    •Kiel•

Bakit kaya wala si Eze? Hindi ko na din siya dinaanan kanina kasi nag text siya sa akin na nandito na siya sa school? Nasaan yun?

Lumabas muna ako baka nandon si Eze sa garden, break time nadin kasi.

"KIEL!" Sigaw ni?  Samantha? Wag pahalata Kiel.

"Sam, Samantha. Ba-bakit?" Shit! Tiningnan niya ako na nagtataka.

"Hahaha, ang cute mo naman Kiel! Ano may meeting tayo mamaya sa Dance Troupe! " Sabi ni Sam at ngumiti. Shit, ang ganda!

"Ha? Hindi ko yun alam ha." Sagot ko at nagkamot sa ulo.

"Oo nga, ikaw pa naman yung president!" Sabi niya at tumawa.

"Eeh. Pasensya na!" Sabi ko at nag peace sign.

"Sige Kiel, kitakits mamaya!" Sabi niya at nag wave na paalis.

Whoah! Ay teka, hahanapin ko pala si Eze.

Nakita ko si Lysa yung matalik na kaibigan ni Eze.

"Lys!" Tawag ko kay Lysa.

"Kiel!" Tawag niya din sa akin.

"Lys, nakita mo si Eze?" Tanong ko sakanya. Nag taas siya ng kilay.

"Iyan din sana yung tanong ko sayo," Sagot niya.

"Aah. Sige," Sagot ko sakanya at umalis.

(Calling Eze) Ba't ayaw niyang sagutin? Si Tita na nga.

(Calling Tita) Naka apat na ring at sinagot na ni tita.

"Kiel?" Sagot ni tita. Bakit paos itong boses ni Tita.

"Tita? Nasa trabaho po ba kayo?" Sabi ko.

"Oo Kiel," Sagot naman niya.

"Tita, si Eze po?" Tanong ko.

"Hindi ba pumasok? Baka nasa bahay Kiel. Masama pakiramdam non." Sagot niya.

"Aah, Ganun po ba. Sige po--"

"Kiel puntahan mo si Eze. At balitaan mo ako kung Ok lang ba yung pakiramdam niya, " Favor ni Tita.

"Pupuntahan ko po talaga." Sagot ko.

"Salamat," END CALL.

Pumunta mo na ako sa HM at humingi ng note na lalabas ako. Mabait naman yung HM namin binigyan niya agad ako ng note. Kami kaya ang may ari ng school na to.

Pagdating ko sa bahay nina Eze, pumasok agad ako bukas kasi ang pinto. Tss.

"Eze?" Tawag ko. Walang sumagot, kaya umakyat na ako sa taas.

"Dugyot?" Tawag ko ulit. Pumunta ako sa kwarto niya at naka sarado ito.
Binuksan ko yung pinto at nakita ko siyang nag balukot ng kumot.

"Dugyot," Tawag ko. Hindi siya sumagot kaya hinawi ko yung kumot. Ang pula ng mukha ni Eze at halatang puyat.

"Pa," Sabi niya at may isang patak na luha.

Anong nangyari sa bestfriend ko?

"Sssh. Eze," Sabi ko at hinawakan yung noo niya. Hala ang init!

(Calling Tita).... Toot-toot. Ayaw sumagot ni tita. Gagayahin ko nalang yung ginagawa ni Mommy sa akin pag may lagnat ako.

Kumuha ako ng bimpo at tubig. Nilagay ko yung bimpo sa noo niya.

"Mmmh," Nagising na si Eze.

"Eze," Sabi ko at ngumiti.

"Kiel," Sabi niya at ngumiti din.

"Okay kana ba?" Tanong ko at nag nod lang si Eze. Magluto muna ako ng lugaw.

"Ba baba lang ako,  Eze. " Sabi ako at tumayo. Hinawakan ni Eze yung kamay ko.

"Salamat," Sabi niya at ngumiti. Nag nod lang ako sakanya at bumaba.

Nagluto lang ako ng lugaw, at naghanap ng gamot. Mabuti at may gamot sa  ibabaw ng ref.

Pagkatapos kong magluto pumunta na ako sa taas.
Nadatnan ko si Eze na nakatulog.

"Eze, gising," Sabi ko at nagising naman siya agad.

"Kumain kana," Sabi ko. Kinuha niya yung kutsara at tinidor.

"Ako na," Sabi ko at binawi yung kutsara at tinidor.

"Pasalamat ka at may alam ako sa ganito! Baka nandun kana sa kabaong," Biro ko sakanya.

"Aray!" Binatukan ba naman ako.

"Ayan bagay sayo," Sabi niya.

"Amazona ka parin kahit may sakit! " Sabi ko sakanya.  She just rolled her eyes.

Pagkatapos niyang kumain pinainom ko na siya ng gamot. Una, ayaw pa niya pero hindi nakatiis sa kapogian ko. ☺

"Eze," Tawag ko sakanya.

"May tanong sana ako--" Hindi na niya ako pinatapos, bigla siyang umiyak.

"*sob* Iniwan na kami ni papa," Napanganga ako sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala. Wala akong masabi. Kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"I'm so sorry, iyak mo lang yan." Iyak siya ng iyak. Hindi ako makapaniwala na magagawa ito ni tito.

"Kiel,"

"Mmmh,"

"Wag mo akong iwan ha,"

"Yes, I won't. "

Bestfriend ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon