Chapter 4

3 1 0
                                        


                                 •Eze•

"Sorry talaga Ez, akala ko kasi pupuntahan ka dun ni Kiel. Mygod!" Hingi niya ng tawad sa akin. Sinabi ko kasi sakanya kung anong nangyari kahapon.

"Okay lang yun noh," Sagot ko. Tapos nilagay ko yung dalawang palad sa mukha ko.

"Para sa akin, hindi okay yun! Lagot siya sa akin mamaya," Sabi niya.

"Please Lys. Wag," Pagmamakaawa ko.

"Sige na nga, by the way who's that guy ba ha?" Tanong niya.

"Ivan," Sagot ko.

"Bagong student siya dito." Patuloy ko. Natahimik ata bigla itong si Lysa.

"OMYGOD!" Nagulat ako ng sumigaw siya. Kaya ang attention nasa amin nandito kasi kami sa classroom wala kasi yung teacher namin sa first subject.

"Gaga, bakit ka sumigaw?" Tanong ko.

"Siya yung bagong partner ko sa theater," Bulong niya sa akin.

"Aah. So, crush mo siya ganun?" Sabi ko at ngumiti ng mapang asar.

"Y- NO!" Sigaw naman niya ulit. Kaya napatingin na naman sila ulit sa amin.

"Hey Lysa, pakisarado naman minsan yung bunganga mo nakakairita eh" Sabi nung president namin.

"Hoy-" Hindi na natuloy ni Lysa kung ano yung sasabihin niya. Dumating na kasi yung teacher namin sa second subject.

"Goodmorning class," Bati ni ma'am.

Nag start na siyang mag lecture it's all about history kaya ang boring eh.











"Dugyot, gising!" Bulong ni Kiel. Hindi ako umimik kahit gising na ako.

"Eze alam kong gising ka," Sabi ni Kiel.

"Oh? Bakit ka nandito? " Sagot ko sakanya.

"Galit kaba sa akin ha?" Tanong niya.

"Hindi noh," Sagot ko.

"Dugyot samahan mo ako sa Dance room," Sabi niya.

"Anong gagawin ko dun?" Hindi na ako nakaimik dahil hinila na niya ako.

"Wala, gusto ko lang mapanuod mo kung gaano kagaling sumayaw yung bestfriend mo," Sabi niya at kumindat.

"Yabang mo ha," Sabi ko tapos nagtawanan kaming dalawa.

Pagdating namin sa dance room nandon na si Sam. Binati niya ako at mag start na silang mag practice.

Habang nag play yung music, nagsimula na silang magsayaw tsaka Fall by Justin Bieber pa yung music.

Parang ako yata yung pinapatamaan nung kanta.

Mata sa mata, yung ang seryoso nila at ramdam nila yung music habang nagsasayaw. Ang bagay nila sa isa't isa.

Yung gusto kong umalis pero hindi ko magawa. Hindi ko manlang maigalaw yung mga paa ko ang OA ko na.

May gusto din kaya si Sam kay Kiel?

Nung patapos na ang kanta pumapalakpak ako. Ngiting wagas akong pumapalakpak.

"Whoooaaah! Ang galing!" Proud kong sabi. Lumapit sila sa akin.

"Talaga?" Tanong ni Kiel.

"Oo naman! " Sagot ko.

"Thankyou Eze," Sabi ni Sam at ngumiti.

"Aah sige mauna na ako ha, nakalimutan kong sabay pala kaming kakain ni Lysa." Sabi ko sakanila.

"Sige sabay na tayo dugyot!" Sabi ni Kiel at dali daling kinuha yung bag niya.

"Kiel, diba sabay tayong kakain?" Tanong ni Sam. Tumingin sa akin si Kiel.

"Pasensya na Sam, ulyanin na kasi itong si Kiel. Sige mauna na ako." Sabi ko at umalis.

Habang papunta ako sa cafeteria, kumakaway sa akin si Lysa kaya pumunta agad ako sa table niya.

"Oh bakit ganyan yung mukha mo?" Tanong ni Lysa.

"Wala," Sagot ko. Tumayo na ako para mag order. Pagbalik ko sa table nandon na si Ivan.

"Ivan?" Ngiting aso siyang tumingin sa akin.

"Hi Eze, dito muna ako ha," Sabi niya at kumain.

"Oo naman noh," Sagot ko at tinignan si Lysa ng nakakaloka.

Ang daldal ni Ivan, tawang tawa nga kami ni Lysa eh' joker din pala itong si Ivan.
Habang nagtatawanan kami, hindi ko sinadyang mapatingin sa table nina Kiel nakatingin siya dito, kay Ivan lang pala at ang sama ng tingin. Problema nito?

Nakita kong tumayo si Kiel at pumunta sa table namin, natahimik kami bigla.
Tumingin sa akin si Kiel at ang sama ng tingin.

"Eze, halika nga." Sabi niya at hinila ako.

"Ba-bakit?" Tanong ko.

Hindi na naka react sina Lysa dahil ang bilis mag lakad ni Kiel, ang sakit nga ng kamay ko eh'

"Kiel, ano ba!" Sabi ko sakanya.

"Diba sabi ko sayo wag kang sumama sa mga taong hindi mo naman kilala," Sabi niya with serious tone.

"Kilala ko naman si Ivan ha," Sagot ko.

Sumeryoso yung mukha niya. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Sorry, nagiging over protective lang ako sa bestfriend ko." Sabi niya. Ewan ko ba pero napaiyak ako.

"Hoy dugyot! Bakit ka umiiyak?" Tarantang tanong niya.

"*sob* namiss kita Kiel, ang busy mo na kasi masyado." Sabi ko. Niyakap niya ako.

"Sorry talaga, I'm so sorry."

Bestfriend ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon