Dear Almost,
Eksaktong isang taon na ang lumipas simula nang tumigil tayo sa pag-uusap. Parang kailan lang noong huli kitang nakita pero ibang-iba ka na ngayon.
Mas maliwanag ang mga ngiti.
Mas may ningnging ang mga mata.
Mas masaya.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang makita kita rito sa paborito kong coffee shop. Alam mo bang gusto kitang yayain dati rito? Nandito ka na ngayon at nandito rin ako. Pero magkahiwalay tayo.
Ako, mag-isa. Ikaw, may kasamang iba.
Okay lang, sabi ko sa sarili ko. Tanggap ko na rin naman lahat ng nangyari. I'm happy that you finally found what you've been searching for. I'm glad that you found the right woman for you.
I stole a glance at your direction and immediately regretted it. Ang hirap tingnan na magkasama kayo. Matagal ko nang tanggap na hindi ako ang para sa'yo pero nandoon pa rin ang pagsisisi dahil alam kong hindi na tayo pwedeng bumalik sa dati.
Because we didn't do anything.
Because we waited too long.
Because we were too scared to cross the line.
Hanggang isang araw, hindi na lang tayo nag-usap. At doon nagtapos ang ating kwento . . . isang kwentong hindi pa nga nagsisimula, winakasan na agad ng tadhana.
I wasn't sure if what I felt for you was love, but you were special. Maybe it was close to love. Maybe it was, indeed, love. I have no idea. But one thing is for sure:
You are my what if. My almost. My hidden scar.
And this is our ending, as well as beginning.
Still yearning,
W.
***
BINABASA MO ANG
Dear Almost (W., #1)
Kısa Hikaye𝗪. 𝗗𝘂𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟭 || Hey, it's me. Your what if. Your almost.