Arrivals 8

9.4K 234 2
                                    

Chapter 8

Quin

Nanginginig akong naghihintay kay victorio.

"Quin" napatayo agad ako saka ako naiyak ng makita ko si sheeva na karga karga ni victorio kaya napatakbo ako sa kanya at agad kinuha si sheeva sa kanya.

"Anak ko" umiiyak akong yakap yakap ang anak ko saka ako tumingin kay victorio.

"Pasensya na kung natagalan ang pag kuha ko sa kanya, pero dahil kay macky kaya nag ka lead kami, alam mo bang binuhis ko ang kalahating mga kasama ko para lang mahanap si sheeva" umiiyak akong tinignan siya

"Bakit sabi mo noon sakin wala akong anak? " napahinga siya ng malalim.

"Dahil kailangan kong gawin yun para malaman ko kung nasaan si sheeva at saka plano yun ni commissioner kaya nakisabay lang ako para mapunta ang attensyon niya kay macky" napahinga ako ng malalim.

"Nasaan si macky? " nanginginig kong tanong.

"Nasa hospital marami siyang tama kung alam mo lang lahat ng taohan ko napatay niya, 200 yung quin at isama mo pa ang kay commissioner na 50, lahat yun pinatumba niya kasama na si commissioner" halos hindi ako makahinga sa sinabi niya.

"Okay lang ba siya? " huminga siya ng malalim.

"Actually hindi pa nag aagaw buhay siya quin, he had 10 gunshot and some of it ay daplis lang pero nawawalan na siya ng dugo yun ang problima pero na aksyonan naman agad yun ng pamilya niya, for now his still unconscious " bigla akong nanghina.

"Papa? " masaya sabi ni sheeva kaya naiyak nalang ako.

"And i already explain everything to your family" napapikit nalang ako at niyakap ng mahigpit si sheeva.

"Magiging okay lang si papa" bulong ko nalang sa anak ko saka ako tumayo na karga ang anak ko.

"Pupuntahan ko siya" victorio smile at me.

"Sorry kung nangyari to sayo quin, but believe me wala akong alam na si Commissioner ang nagpabugbug sayo, nalaman ko lang na nasa kanya ang bata ng nagsimulang maghanap si macky doon inamin sakin ni commissioner, papatayin niya sana si sheeva at mabuti nalang at nakarating ako sa araw na yun at hindi natuloy, sinabihan ko siya na paglaruan muna namin si macky at pumayag naman nun si commissioner i tried to give macky a clue pero hindi niya magets lahat ng pahiwatig ko, hindi ko masabi sa kanya dahil may laging nakasunod sa kanya kaya napilatan akong mag sinungaling, Gusto ko ring hamunin si macky kung handa ba niyang gawin ang lahat at nakita ko yun sa kanya, kahit hindi pa niya alam na anak niya si sheeva pero ginawa niya ang lahat kahit bawian siya ng buhay, alam mo bang habang nakatingin ako sa kanya na parang halimaw na pinapatay ang mga taohan ko makita niya lang ang anak mo" napahagulhul nalang ako

"Pupuntahan ko siya victorio" agad akong lumabas ng bahay ng makita ko si daddy at mommy sa labas, agad akong niyakap ni mommy.

"Were sorry baby" naiyak lang ako lalo.

"Si macky, ayokong mawala siya matagal ko siyang hinintay mommy" umiiyak kong sabi. Nung araw na may mangyari samin nalaman kong lumipad siya patungong london dahil siya ang naging police ng reyna doon, naging ministry police siya kaya nung panahon na gusto kong sabihin sa kanya na buntis ako ay hindi ko magawa dahil wala siya sa pinas at sobrang takot din ako noon at nakilala ko si victorio, tinulungan niya ako dahil napag alaman kong pinsan ni macky si candix yung bestfriend ni victorio.

Kaya para daw kay macky tutulungan nila ako, kaya pinasok ko ang maling paraan, lumaki si sheeva pero si macky ang pinapakilala kong ama niya, sa tuwing nanunuod kami ng discovery channel at pag nakikita ni sheeva si macky masaya itong lumalapit sa tv saka hinahalikan at paulit ulit na tinatawag na 'papa' at doon nag simula ang kalbaryo namin ni sheeva ng ihatid ko siya sa paaralan ay bigla nalang may bumugbug sakin.

Unexpected Arrivals (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon