Chapter 15
Bigla akong nagising pero madilim kaya napa kapa ako sa tabi ko pero wala akong makapa kaya kinabahan ako saka ako nagmamadaling hinanap ang lampshade ng makita kong nasa ibang kwarto ako,
"Akala ko panaginip lang" bulong ko nang makitang nasa magandang lugar pala ako, ang palasyo,
Napahinga nanaman ako ng malalim ng mapatingin ako sa veranda at nakita kong nakaupo si Macky na kandong si Sheeva binabasahan niya ito ng story book kaya napasampal ako sa pesnge ko dahil parang na nanaginip pa ako, agad akong humiga dahil gusto ko ng magising, nagtalukbong ako para lunurin ng sarili ko para magising na ako sa kahibangan kong to.
"Macky it's dinner time" rinig kong sabi ni lalaine.
"Okay" sagot ni macky.
Ano bang nangyayari at rinig na rinig ko sila?
Biglang may umuga sakin kaya agad akong napaupo saka ko nakita si Macky at Lalaine at dahan dahan na inilagay sa hita ko si sheeva.
"It's dinner time quin" napatulala ko.
Totoo lahat?
Napahinga ako ng malalim saka tinignan si sheeva saka silang dalawa.
"You didn't touch your food quin?" Takang tanong ni lalaine ng mapansin ang pagkain sa tray.
"I---i... " wala na akong maisagot na tama.
"Get up" malungkot na sabi ni macky kaya inayos ko si sheeva.
"Susunod nalang kami macky" sabi ko nalang at tumango sila sabay umalis, ng wala na sila ay napaupo ako at napatingin sa anak ko.
"Totoo ba lahat anak? " tumango si sheeva sakin kahit alam ko namang wala siyang maintindihan kaya napahawak ako sa ulo ko. Ibinababa ko si sheeva para maghilamos ako.
"Dito ka lang muna" tumango naman ang anak ko kaya nagmamadali akong pumasok sa banyo pero hindi ko ito sinara.
Humarap ako sa salamin saka paulit ulit kong kinurot ang braso ko pero ang sakit nag hilamos ako ng paulit ulit at talagang nandito pa ako,
Hindi ko alam bakit ayaw ipasok ng sistema ko ang katutuhanan na nandito ako sa palasyong to para dumalo sa isang kasal.
Napatingin ako sa baso sa gilid binitawan ko ito kaya nabasag saka ako kumuha ng bubug na maliit dahil gusto kung malaman na hindi ako na nanaginip,
Agad ko itong itinapat sa braso ko at pumikit na diniin ito hanggang sa nanghina ako dahil ramdam ko ang sakit,
Napatingin ako sa dugong lumabas saka sa sarili ko sa salamin...
"Totoo lahat" mahinang sabi ko kaya nilinis ko nalang ang kalat ko, saka ko kinuha ang panyo para itakip sa maliit kong sugat sa braso na parang tuldok ng karayom lang.
Kinarga ko na si sheeva at lumabas na,
Ngayun kasi magsisimula ang engagement party nila kaya maraming tao at higit sa lahat mukha hindi out of place ang mga magulang ni macky dahil kasama nito ang mga magulang ni lalaine, si mackintosh kasi hindi sumama at ganun na rin si Maxine, nasa second floor lang kami ni sheeva at nakadungaw sa malaking dance floor para sa royal ball mamaya, habang nakatingin ako sa baba ay dumilim saka biglang may nagsalita.
"Now let's all welcome our soon to be bride Princess Lalaine the Fifth" nagpalakpakan ang lahat kaya nakatingin lang ako kay lalaine na sobrang ganda lalo na sa gold ball gown niya, maraming press ang nakapalibot sa grand ball kaya mas pinili kong manatili sa taas kasya makihalubilo sa mga hindi ko naman kilala, kung totoosin wala naman kaming importansya sa event na to, pampadagdag tao lang kami sa malaking palasyon.
"Now our Prince Macky Hendrickson" lumabas si macky sa malaking pintuan na may ngiti sa labi sout ang kulay gold niyang suit at nagmumukha talaga siyang prinsipe, lumapit siya kay lalaine saka na tumugtug at sa kanila lang ang spotlight, nakangiti silang dalawang nagsasayaw na makikita mong mahal na mahal nila ang isa't isa,
Di ko napapansin habang nakatitig ako sa mala romantic na sayaw nila ay tumulo na pala ang luha ko at dahil ayoko ng masaktan pa ay bumalik ako sa loob ng kwarto at pinakain si sheeva, simula ng makarating ako dito nawawalan ako ng ganang kumain..
Tinitignan ko lang si sheeva na masayang pinapapak ang pagkain niya ng mapatingin siya sakin kaya ngumiti ako, inalok niya akong kumain dahil binigyan niya ako kaya umiling iling ako sa kanya pero pinipilit niya parin kaya natawa nalang ako at kinain ang baby food niya, ganun ka sweet si sheeva.
Rinig na rinig ko sa labas nag tugtug na alam kong hindi pa natatapos pero ayokong lumabas, mas gustuhin ko pang umuwi na kasya manatili dito.
Ng matapos kumain ang anak ko ang halfbath kaming dalawa at sabay din kaming natapos, sympre lock ang pinto namin para sigurado, ng makabihis ay umupo ako sa gitna ng malaking kama at nasa kandungan ko si sheeva, sumandal ako sa unan at nanuod kami ng paboritong cartoons ni sheeva hanggang sa napahiga kaming dalawa at magkayakap na seryosong naka tingin sa tv hanggang sa makatulog ako.
***
Ang himbing ng tulog ko ng bigla akong hindi maka galaw, dahan dahan akong tumihaya pero naiyak nalang akong napahawak sa tiyan ko.
Sobrang sakit na di ko na kaya, halos boung tiyan ko sumasakit kaya mas pinili kong maging statwa nalang, biglang may kumatok kaya pinilit kong tumayo at dinadaing ang sakit ng tiyan hanggang sa maka abot ako sa pintuan ay binuksan ko ito at nakita ko si Macky kaya ngumiti ako pilit.
"Are you okay? " pag alalang tanong niya kaya napalunok ako saka napayuko.
"Quin" niyugyug niya ako kaya napa iyak ako sa sakit.
"Wag mo akong alugin masakit" sabay yuko ko at hinawakan ang tiyan ko pero hindi ko na kaya at napasandal ako sa dibdib niya.
"Quin? " naririnig ko siya pero parang ikakamatay ko na ang sakit ng tiyan ko.
"Ang tigas kasi ng ulo mo bakit hindi ka kumakain pinaghahanda naman ki---quin" hindi ko na siya naririnig dahil nanlambot na ako at doon ko naramdaman ang pag lutang ko sa iri pero wala na akong lakas pa,
Di ko aakalaing ang hina ko sa mga ganito, sakit ng tiyan lang naman to.
To be continue...
TheMirrorPrincess
BINABASA MO ANG
Unexpected Arrivals (18+)
Romance[Smith Brothers Series One] [COMPLETED] Macky is a well known officers, he fall in love with a girl name Quin, he knows the age gap they had so he forbid hisself for loving her and just move on and take over his career more and leave the place. Afte...